Kabanata 7 Not your Job

98 4 0
                                    

Nikolai's POV

It's not your job to like me... It's mine.




"Wala kabang alam na shortcut? Tinutubuan na ako nang ugat dito, eh." Pagrereklamo ko.

"Meron naman, hindi mo na kailangan sabihin." Ngumisi si Isla at tinignan ako mula sa salamin.

I rolled my eyeballs. "Whatever."

"Mona! Hindi ka na naman pumasok. Wag kana kaya mag-aral."

"Shh yourself, call me Architect Wilhilmona Aelys Castilleja."

"Ang haba! Pwede namang Manang kasi magiging katulong lang kita in the future."

Pinanlakihan nya ako nang mata. "As if? Know your role, Niks! Mas mayaman ang pamilya namin kesa sa inyo."

"Kung sa iyo imamana ang ari arian nyo aba'y tiyak na babagsak. Ako ba naman ang makaka laban mo eh."

When it comes sa mga Business, Salcedo at Castilleja ang palaging naglalaban. Last Year ay sila ang nangunguna pero This Year kami ang namamayagpag. Pag ako na ang nagmana sa mga ari arian ng Parents ko, sisiguraduhin ko na Yearly kami ang mangunguna.

"Sure ka dyan?" She asked.

I raised my right eyebrow. " What do you think?" I asked. Nag cross arms ako at prenteng umupo, Naglalaban ang tingin namin.

"Parang hinde, tingin mo hahayaan ko na bumagsak ang Business namin dahil sa'kin? Ano b-"

"Bakit hindi ba?" May pang mamaliit ko syang tinignan. Imbes na pagtaasan ako nang boses, tumawa sya pero halata na rin ang inis sa tono nito.

"Hindi ka talaga matatawag na Nikolai Jade Salcedo kung walang kayabangan sa katawan mo. Pasalamat ka talaga at matalino, maganda at mayaman ka dahil kung hindi sa kangkungan ang bagsak mo."

I gave her a sweet smile. "Yes please, I'll take that as a Compliment, Thank you." Nilagay ko ang kamay sa dibdib na akala mo'y natutuwa.

Hindi na bago sa'min ang ganitong biruan. Kailan ba namin nalaman na nagtatagisan ang Pamilya namin ni Mona? I think, Junior High School.

Matagal tagal na rin kaming magkakaibigan. Kaya kahit pa may mga issues ang Family namin, hindi namin ni give up ang friendship na nasimulan, kung hindi normal ang mga sagutan namin para sa inyo pwes sa'min normal 'yon.

Naunang naihatid si Mona sa kanila. Higit na malapit naman kasi ang bahay nila unlike sa'min. Tahimik ako habang naka silip sa bintana. Pa minsan minsan ay nahuhuli ko syang tumitingin sa'kin. Sa pagod ko dahil sa traffic, hindi ko na lang pinansin. Iniisip ko na lang na baka maluwag na ang turnilyo neto sa utak.

Tumunog ang phone nya. Hindi ko man lang binaling ang tingin sa kanya.

"Hi, Nasaan ka?" Boses babae. Dali dali nyang ni turn off ang speaker. Kunot noo nyang binalik ang phone sa tenga nya.

"Hello, Oo. Nagtatrabaho ako diba, makulit ka? Please." Irita na pagkakasabi nya. Napansin nya siguro ang pagtingin ko sa kanya kaya tinaasan nya ako nang isang kilay.

"I'm driving..." Sumulyap ulit sya kaya tinaasan ko sya nang kilay. "You don't need to know where am i."

Mas lalo tuloy napako ang tingin ko sa kanya. Naninibago ako sa pananalita nya nang English. Mas lalong lumalalim ang boses nya at nakakahalina ang tunog. Tunog Foreigner,Hahanga na sana ako pero naalala ko kung sino ang lalaking 'to.

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon