Kabanata 43 Doc

79 2 0
                                    

Isla's POV

Napahawak ako sa pisnge at bakas parin ang pagkabigla sa mukha ko. Agad kong ibinalik ang sarili sa ulirat.

"Imposible...sa gwapo kong 'to, makakalimutan mo ako?" Natatawang pagkakasabi ko habang himas parin ang pisnge.

"Baka nga hindi pa kita nakikilala, makakalimutan ko ba ang gwapo mong mukha?" Pilya itong si Nikolai, Nakaramdam nang tuwa ang puso ko, kahit papaano pala'y masisilayan ko parin ang magandang ngiti nito.

Nasabi ko na ba 'to? Kung may nagbago man sa kanya yun ay mas lalo syang gumanda. Mas lalo pa syang gumaganda sa paningin ko.

Baka naman isipin nyong naka droga ako, hindi ah. Mas malakas pa doon kasi sobrang tinamaan na ako sa kanya.

Nakangiti si Mr. Salcedo habang naglalakad papalapit sa'kin."Mukhang maiwan ko na kayo." Tinapik ako nito sa braso at tumango ako dito. Saglit pa syang sumulyap bago tuluyang sinara ang pinto.

"Palagi nilang pinapakita ang picture mo sa'kin, sino kaba?"

"Daddy mo."

"Baliw?" Tumawa ito at hinampas ako nang mahina sa braso. Napa 'aww' sya sa ginawa, mukhang nasaktan sya, sa laki ba naman ng muscles ko. "Hindi naman pala ganon ka tigas 'yan."  Pag mamaang maangan nya.

"Pero nasaktan ka?" Lumapit ako sa kanya nang dahan dahan. Pinapakiramdaman ko at baka masampal na naman ako nang wala sa oras.

"Hindi nga, feeling?" Bago pa man ako makalapit ay umupo na ito sa sofa. Inabot nya ang Island in Dreams na painting, para bang pinag aaralan nya ang pinta.

"Hindi naman ako mahilig sa Islands kaya't hindi ako makapaniwalang ako ang gumawa nito." Tinaasan nya nang kilay ang pinta kaya't sinipat ko ito.

"May mali ba sa painting? Maganda naman,ah. Ang ganda ganda..." Nakapako ang tingin ko sa kanya. Dahan dahan syang tumingin at itinaas ang painting na hawak.

"Yung painting ah."

"Kahit ikaw..." Bulong ko.

Iniwas nya ang tingin sa'kin. Nawala bigla sa isip ko na hindi na nga pala nya ako kilala. Baka natatakot sya sa inaasal ko.

"Alam mo, kung hindi lang kita nakilala dahil sa T.v at nalaman na anak ka ni Mr. Montealegre, iisipin kong nababaliw kana."

"Baliw sayo..."

"Ha? Kanina kapang umaga, sino kaba talaga sa buhay ko noon? Bakit ganyan ang asal mo sa'kin?" Naiinis na sya at nagtataas na rin ng boses. Nakaka miss din palang matarayan ni Nikolai.

Nailing ko ang ulo at pinipigilan ang pagsilay ng matamis kong ngiti.

"Gusto mo bang makilala talaga ako?" Nagbaba ako nang tingin. Sinipat ko ang daliri nito, wala na roon ang singsing.

Hindi ba sila kinasal ni Augustine? "Hindi magandang hinuhubad ang wedding ring." Mahinahon na pagkakasabi ko. Isinandal ko ang likod sa sofa at prente syang tinignan.

Kumunot ang noo nito. "Dati kabang baliw?" Sarkastika itong tumawa. "Dating na rehab o ano?"

"Hanggang ngayon parin naman, naka rehab ako...sayo." nag wink ako sa kanya at sabay na tinuro ang dalawang daliri ko sa kanya.

"Ah?" Natatawa ito at naguguluhang nakatingin sa'kin. "Feeling ko, close tayo before noh? Okay, isang pribelehiyo na maging kaibigan mo. Mr. Montealegre."

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon