Kabanata 12 Alalay

68 3 0
                                    

Nikolai's POV

Ok, so i lied.




Today is Saturday. May usapan kasi na magkikita kita daw kami sa bahay ni Ela. As usual, hindi nyo ko matatawag na Nikolai kung hindi ako palaging late.

"Goodmorning, Ma'am." Bati nang maids nila Ela, tumango lang ako dito. Dadaretso na sana ako sa kwarto ni Ela nang marinig ko ang mga boses nila sa kusina.

"Ano ba Ela, Wala ka namang alam dyan, eh. Wag mo nang hawakan." Pinalo ni Mona ang kamay ni Ela kaya gumanti din ito nang palo.

"Malay mo naman may talent din ako sa pagluluto. Wag mo 'kong hawakan at mahal ang damit ko."

"Shh.. Quite please? I need concentration." Inikot ni Issa ang sandok kaya tumalsik ang sabaw nun kay Isla.

"Hala! Lagot, white shirt pa naman 'yan." Nakatakip ang kamay ni Ela sa bibig nito.

"Sorry, Sorry! Ano ba 'yan bakit ko kasi inikot ikot 'to." Nagkukumahog na pinunasan naman sya ni Issa.

"Ayos lang, ako na mag pupunas. Hindi naman ako masyadong natalsikan." Akma na nyang kukunin ang panyo kay Issa pero inilayo ito agad sa kanya.

"Oh, Niks nandyan kana pala. Okay ka lang ba? Parang puyat na puyat ka, ha. May pinagkaka abalahan kaba kagabi?" Tanong ni Mona.

Matalim kong tinignan si Isla. Para bang nanliit 'to sa kinatatayuan nya, napunta tuloy sa'ming dalawa ang atensyon nila.

"Bakit hindi nyo tanungin ang isa dyan? Pinagod lang naman ako kaya sobrang sakit ng katawan ko, Hindi ko nga alam kung makakalakad pa ako." Singhal ko.

"Omg! Pinagod si Nikolai!" Nanlalaki ang mata ni Ela habang nagtata talon ito.

"Anong nakakatawa?!"

"Kwento! Kwento! Kayo naman, parang hindi friends!" Hinampas hampas naman sya ni Issa gamit ang panyo.

"Hindi naman nakakapagod 'yon, saglit lang at na ta-"

"Saglit lang? Ang hina mo naman pala. Ganyan ba dapat? Hindi kana makaka ulit pag palata lata ka." Pangangaral ni Mona.

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Hindi yata nila alam kung ano ang tinutukoy ko? Yung P.E namin 'yon kahapon.

"Hindi ako makatulog kagabi kaka isip. Hindi ko talaga matanggap lahat, Isla. Sana naging maingat ka naman sa mga galaw mo at nasasaktan din ako!"

"Ah, hindi ka makatulog kasi hindi mo matanggap na natalo ka, ganon. Ulitin na lang natin kung okay lang sayo." Inaasar na naman ako nito. Inosente lang pala ang mukha nya pero ang totoo hindi.

"Sad, natalo ka ni Isla? How?" Parang mga paparazzi kung makatingin ang tatlo.

"Uulitin nyo? Giyang na giyang?" Hindi makapaniwalang mukha ni Issa.

Napa pitik naman si Mona sa hangin. "May namamagitan na ba talaga sa inyo? Umiingay na ang pangalan nyong dalawa, ha. Bakit wala kaming alam?"

"Ma issue lang talaga ang mga tao ngayon, walang magawa sa buhay nila. Ikaw!" Tinuro ko si Isla.

"Ako?" Sabay turo nito sa sarili.

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon