Kabanata 14 Rival

80 3 0
                                    

Nikolai's POV

You hate me because i am a threat to you.




"Source! Nandito si Augustine, sinusundo ka."

Sinukbit ko ang Chanel sling bag ko at saglit na binalingan ng tingin si Augustine, naka cross arms sya at naka sandal sa pinto.

"Cosella." Tawag ko dito. Agad naman itong lumapit sa'kin. "Samahan mo ako sa meeting, aalis din ako agad mamaya." Tumango naman sya at inayos na ang bag nito.

Si Cosella ang lagi kong pina pa attend sa mga meetings, kapalit nun ang pagpapa kopya ko sa kanya. Sya rin ang palaging nag i inform sa'kin sa lahat ng activities, assignments at iba pa. Well, nag be benefits din naman sya sa'kin kaya lahat ng utos ko ay ginagawa nya.

"Anong oras matatapos ang Meeting, Vice President." Walang ganang tanong ko kay Augustine.

"Hindi pa nga nag uumpisa ang meeting, gusto mo nang umuwi? Ibang klaseng President ka." Natatawang pagkakasabi nito.

Isa sa mga kababata ko si Augustine, mapag ubaya sya kaya mas minabuti nyang maganda ang platform ko kesa sa kanya, ginawa nya rin ang lahat para mapabango ang pangalan ko sa mga estudyante rito, kaya naging President ako.

Siguro kung gusto ko talagang maging President sa University na 'to, natuwa na ako pero hindi, eh.

"Parang hindi mo naman alam kung bakit wala akong interest sa Student Government." Maarte kong hinawi ang buhok papunta sa likod.

He smirked, "Sige ka, baka maisipan kong palitan ka sa pwesto mo, ikaw rin." Pang aasar ni Augustine kaya pabiro ko syang pinalo sa braso.

"As if na gagawin mo 'yon, syempre hindi! Ma aatim mo ba akong makita na malungkot o kaya umiiyak?" I asked.

Umiling 'to at nagsimula na kaming maglakad. Busy naman si Cosella sa phone nya kaya hindi man lang maibaling ang tingin sa'min ni Augustine.

Nauna akong pumasok sa room kung saan gaganapin ang meeting. Agad na napukaw ang atensyon ko kay Magie, kumaway pa nga 'to sa'kin pero ang tingin naman ni Isla ay parang... Madilim ang awra nitong nakatingin sa likod ko.

Umakbay si Augustine sa'kin, yumuko naman si Isla at nilaro laro ang diliri nito. Napansin ko rin na parang ang clingy ni Augustine, walang malisya sa'kin 'to dahil sweet talaga siya as a person which is hindi naman alam ng mga tao 'yon kaya natatakot sila kay Augustine.

"May iilang announcements lang naman ako." Energetic si Sir Villegas na naglakad papunta sa pwesto nila Isla. "Through the years talaga may mga madidiscover tayong mga bagong tao, tulad ng bata na 'to, nakaka kitaan namin sya nang 'Leadership'." Tinapik nya si Isla kaya ngumiti naman ito sa kanya, Kita ko pa ang pasimpleng tingin ni Sir sa akin. Tinaasan ko sya nang isang kilay, sinasabi nya bang wala akong Leadership? Hindi nya lang alam ang mga nagawa ko na sa Student Government.

"Isla, kindly introduce yourself." Inilahad ni Sir ang kamay nya papuntang harapan kaya naman naglakad si Isla sa direksyong 'yon.

Naka cross arms ako at nakataas ang isang kilay ko, hinihintay ko syang magkamali o manliit man lang sa harapan. May iilang Student Council na rin na nagbubulong bulungan.

Nagawi ang tingin nya sa'kin at sa kamay ni Augustine na nakapatong sa likod ng upuan ko, lalo namang sumeryoso si Augustine kaya kinalabit ko 'to.

"Okay ka lang ba? Parang natatae ka dyan." Pagbibiro ko. Tumawa sya at isinandal ang ulo nya sa braso ko, pagod na naman 'to. Sobrang competitive din kasi nito lalo na sa mga activities.

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon