Nikolai's POV
Naging mabilis lang na lumipas ang buwan, hindi ko namamalayan na madalas si Isla na ang dahilan ng pagkapuyat ko gabi gabi, sya ang hinahanap ng mata ko sa University, lihim din akong nanonood sa tuwing nag pe perform ang Dance Crew. Hindi ko na talaga alam.
Naramdaman ko na 'to before at kahit anong pigil ang gawin ko, hindi ko mapigilan na mahulog na kanya. Inihahatid at sundo nya pa ako kahit hindi naman na nya kailangan gawin.
Paano ko ba naman kasi sya iiwasan kung sya mismo ang lumalapit sa'kin. Ganon parin ang trato ko sa kanya, ayokong mahulog ng tuluyan sa kanya.
"Matatagalan yata ang driver mo, umangkas kana dito." Pinadyak nya ang bisikleta papunta sa harap ko. Nag pretend akong hindi nakikinig sa kanya at itinuon ang atensyon ko sa phone.
"Concern lang ako sayo, gabi na at baka lamukin kapa dyan." Aniya.
"Kaya kong maghintay." Mayabang na pagkakasabi ko. Napabuntong hininga na lang sya at saglit pang nag hintay.
Tinaasan ko sya nang isang kilay, "ano pa ba ang ginagawa mo dito? Hihintayin ko ang driver ko."
"Gusto kong samahan kang maghintay hanggang sa dumating ang driver mo, ang tagal." Sinipat nya ang relo. "Anong oras na? Baka anong oras ka na naman makatulog."
"Wala kana doon." Pagtataray ko. Sa kinamalas malasan pa nang panahon, ngayon pa.
From Papa
Ok lang ba sayo na maghintay pa nang konti? Na flat daw ang gulong ng kotse.
Ok lang daw ba? Syempre hindi!
To Papa
Uuwi na lang po ako :)
Ano pa nga ba? Lulunukin ko na oang ang pride ko. Ito na ang huli at hindi na masusundan itong pag hatid hatid nya sa'kin. Ito na ang last!
"Darating pa daw ba?" Tanong nya pero hindi parin nawawala ang ngiti nito sa'kin. Ang haba nang pasensya,ha.
"Ok."
Mas lalong umaliwalas ang mukha nya nang makita akong papalapit sa kanya at sa biskleta nya. Tinaasan ko sya nang isang kilay dahil sa pag ngiti ngiti nya.
"Ayusin mo,ha. Ayokong tamaan ang balakang ko." Naalala ko nung sumakay ako sa biskleta. Ang sakit talaga nang balakang ko dahil sa walang pakundangang pag liko liko nya.
Sarap sampalin.
"Sige Mahal, kumapit ka."
"Huwag mo nga akong tawagin na mahal!"
"Akala ko ba pwede pag tagalog? Hahaha." Pang-aasar nya. Sumimangot ako kahit na alam kong hindi nya makikita.
Gaya nga nang sabi nya, kumapit ako sa kanya. Naging mabilis ang pag padyak nya dahil gusto nyang maiuwi ako nang maaga. Gusto nyang makapag relax ako at makatulog na.
Hanggang sa makarating na kami nang tapat ng gate, pina aalalahanan nya ako na uminom ng gamot at kumain ng fresh fruits. Ang sabi ko hahanap ako nang way para hindi na mahulog sa kanya pero eto na naman sya.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...