Kabanata 48 Destination

86 2 0
                                    

Isla's POV

Sapo sapo ko ang ulo at marahang iminulat ang mata ko. Nakatulog ba ako kagabi? Ramdam ko ang pananakit ng ulo ko at mainit rin ang pakiramdam ko. Dahan dahan akong umupo at natagpuan ng mata ko ang babaeng palakad sa pwesto ko.

"Mabuti naman at nagising kana." May dala dalang tray si Nikolai at ibinaba 'yon sa side table. "May sakit ka pala, sana hindi kana uminom kagabi."

"Lasing lang ako, mawawala din 'to." Isang beer? Lasing? Sinong niloko ko. Agad nya 'kong tinulak pabalik sa higaan ng akma na akong tatayo.

"Aray, aray! Ang sakit mahal." Pag iinarte ko. Gusto ko lang talagang lapitan nya ako, hindi naman talaga ako tinamaan ng kahit ano. Iniisip ko kung paano nya ako aalagaan ngayon.

Nag aalala syang lumapit sa akin at sinipat ang likod ko. "Sorry, sorry...ikaw naman kasi, hindi pa nga maganda ang pakiramdam mo,eh." Inilapit nya ang plangana na may maligamgam na tubig at nagpiga doon ng bimpo na iniligay nya sa noo ko.

"Nagpakuha ako ng mga kailangan mo kagabi. Tinawag ko si Gabbi kaya kahit papaano ay ma ayos na ang paghinga mo. Hindi na rin kita pinabuhat sa kwarto mo at baka-"

"Saan ka natulog?" Nag aalalang tanong ko.

"Doon, sa upuan." Sabay turo nya sa kahoy na upuan kahit foam ay wala. "Tsaka binabantayan kita, baka magising ka at may kailanganin-"

"Bakit hindi kana lang tumabi sa'kin? Ayoko namang nahihirapan kapa dahil sa'kin." Naiinis ako, bakit kasi ngayon pa ako nilagnat ng ganito. Mabilis ang pag upo ko kaya nalaglag ang bimpo sa noo ko.

"Ang arte mo naman, inaano kana nga eh. Hayaan mo ng gawin ko 'to, kahit sino ay gagawin din ang ginawa ko ngayon dahil ako ang nandito." Ibinalik nya ang bimpo sa noo. "Tsaka hindi ako pwedeng tumabi sayo, hindi ako pwedeng mahawaan dahil..." Hindi nya tinapos ang sasabihin at nagmamadaling tumayo.

"Tapos na akong kumain kaya dinalhan kita ng breakfast mo." Hinalo halo nya ang sabaw at umupo sa gilid ng kama.  "pag nag inarte kapa sa ginagawang pag aalaga ko sa'yo. Iiwan talaga kita dito."

"You can't do that." Tumatawa ako habang naiiling sa kanya. As if na kaya nyang gawin 'yon? Hindi nya kaya. "Hindi mo kaya."

"Talaga?" Ibinaba nya ang mainit na sabaw sa tabi ko at nagpagpag ng beach dress na suot. "Paano, kagabi pa kita binabantayan baka nawiwili kana." Papatalikod na ito ng hilahin ko ang kamay nya pabalik. Na out of balance sya kaya sinalo ko, hindi ko naman sinasadya 'yon...

Biglang nag harumintado ang puso ko, sobrang lakas ng tibok nito. Huminto ba ang oras o sadyang ilang segundo na kaming magkatapat ng mukha ni Nikolai. Nakapatong sya sa akin at pakiramdam ko'y naririnig nya ang pag tibok ng puso ko.

Nakatitigan kaming dalawa. Kitang kita ko ang magandang mata nito na para bang kumikislap, bumaba ang tingin nito sa labi ko. Damn... Ina akit nya ba ako? Kasi na aakit talaga ako.

Dahan dahan nyang ipinikit ang mata, naglalapit na ang aming mukha...marahan ko syang hinawakan sa waist nya at inilapit pa sya ng husto sa akin.

I smell her sweet breathe. Habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang pag init ng paligid. I accidentally open my eyes and i saw her, nakapikit ito kaya't napukaw ang atensyon ko sa pilik mata nitong mahaba. agad kaming napabalikwas ng may malakas na kumatok sa pinto.

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon