Nikolai's POV
Last day ng examination ngayon. Eto na naman ang mapanuring tingin ng iilang estudyante sa'kin. Ang iilan naman ay manghang mangha sa pagdaan ko sa harap nila. Ang weird masyado lalo na nang mga Junior High.
"Gusto ko pag College ko kasing ganda na nya ako."
"Ang ganda nga palagi nang suot nya eh"
"Matalino pa. Sana all na lang talaga."
Hindi ko na sana papansinin ang tatlong JHS na nag uusap pero mukhang nawawalan na sila masyado nang Self Confidence kaya huminto ako at nag cross arms sa harap nila.
Gulat na gulat ang tatlo at tila ba hindi pa makapaniwala na napansin ko sila at nandito ako sa harap nila ngayon.
"M-Ms. Niks? Bakit po?" Halatang natatakot sya at syempre nahihiya at the same time. Ang kaninang ako lang ang tinitingnan ngayon ay kaming apat na.
"Mukhang may problema sa inyo? Ano 'yon?" I asked.
Nagkatinginan pa ang tatlo at confuse na humarap sa'kin. Ngumiti ako at tinapik ang braso nang isang babae.
"Ah! Narinig nyo po ba yung pinag bubulungan namin? Wala po 'yon." Tumatawang pagkakasagot ng babaeng naka full bangs.
"Bulong pala 'yon? Parang hinde." Nawala ang tawa nang isa at hinampas sya nang isa pa nyang kasama para manahimik na.
"I am here para i remind sa inyo na maganda din naman kayo. Ang kailangan nyo lang ay gumawa kayo nang sarili nyong Version. Hindi dapat kayo umaabot ng standard, make your own standard instead." Then i winked.
Iniwan ko silang nagliliwanag ang mga mata. Nakapag bigay na naman ako nang bagong pag-asa sa mga Students dito lalo na sa mga JHS. Na mi misinterpret nila ako the way ng pananalita ko pero kabaliktaran ako non.
Normal lang sa'kin ang ganong pananalita, normal lang sa'min 'yon at hindi kami na o offend and yes, hindi naman lahat ng tao ay makaka intindi non.
Dumaretso na ako sa Garden. Ang pambansang tagpuan naming apat. Malayo palang ay tanaw ko na si Issa. Halos idukdok na nya ang mukha sa module na binabasa.
Si Issa kasi ang tipo nang babae na mababa ang IQ. Palagi nyang sinasabi na kailangan nannyang i open ang utak nya at sisimulan nya ngayong taon pero... Hindi ko alam kung nagsisimula naba sya. Pagdating naman sa talent, skills ay sobrang lamang nya.
Sa kabilang upuan naman ay nandun si Ela. Busy sya sa kaka make up at kaka ayos sa sarili. Mahilig kasi syang mag take nang selfies at mag upload sa mga social media. Pag dating sa acads, as long as ma meet nya ang passing score ay okay na sya. Ayaw nya kasing na stress dahil nakakapangit daw, at hindi daw nya afford ang pumanget.
"Nasaan si Mona?" Bungad na tanong ko sa kanila. Alam kong lagi syang late pero exam ngayon at- wag nyang sabihin na a absent na naman sya para...
"Mag te take na lang daw sya nang special exam, nasa bar ngayon 'yon." Sagot ni Ela na hindi man lang bumaling sa'kin sa halip ay nag apply na sya nang lipstick.
Si Mona naman ang party goer. Nakakapag bar or nakakapag inom kami dahil bine brainwash nya kami na masarap which is masarap naman lalo na yung tanduay ice na color white, when it comes sa Acads okay sya. Kaya nya kasing mag multi task i don't know kung paano 'yon. Nag wawalwal habang nagrereview? Baka talent.
Ang hindi kapani paniwala na mas natataasan parin ni Mona si Issa samantalang aral na aral naman 'tong si Issa.
"Aral na aral ka Issa, baka ma perfect mo na ang exam!" Pang aasar ko.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...