Isla's POV
"Mr. Montealegre?"
"Uhm...sir?"
"Mr. Montealegre? Still there?"
May mahinang tumapik sa'kin dahilan para matauhan ako... Iginala ko ang paningin at kapwa sila nakatingin sa'kin.
I clear my throat before i speak. "Yes, im here." Nailing ko na lang ulo at itinuon ang pansin sa meeting.
Hindi ko alam kung isang panaginip ba na makita ulit si Nikolai. Kung panaginip man, sana'y hindi na lang ako nagising pa.
"That's all, any suggestion?" Agad akong umiling ng magtama ang mata namin ni Mr. Salcedo. Dahan dahan itong tumayo at ganoon din ang ginawa namin.
"Congrats to the new born business with us. Mr. Montealegre." He extend his own hand to me, inabot ko naman 'yon para makipag kamay sa kanya.
"Let's welcome our new Business Partner Mr. Isla Eleazar Montealegre." Masaya itong ngumiti at tinapik pa ako sa kabilang braso. Sabay sabay na nagpalakpakan ang lahat. It feels like...i am part of their family now, kahit hindi sa Family Salcedo, okay na rin naman 'to.
Agad namang nagsipasok ang food server na ay mga dala ring confetti, balloons at para bang nahinto na naman ang pag galaw ng mundo ko nang makita ko na naman ang pinakamagandang babae na nakita ko sa mundong 'to.
"Nikolai..." Usal ko.
Bumitaw ako sa pakikipag kamay at napako ang tingin ko kay Nikolai na may magandang ngiti habang nakikisabay sa pag palakpak.
Hindi ba ako nananaginip? Para akong na estatwa sa pinagkakatayuan ko.
"Mr. Montealegre!" Tawag sa'kin ni Mr. Salcedo, umakbay ito kay Nikolai at dahan dahan silang pumunta sa pwrsto ko. Nataranta ako kaya't umatras ako, natamaan ko ang isang server guy na may dalawang wine at nalaglag ang basong hawak nito.
I bend my knees near to the broken glasses. Kasalanan ko naman kaya ako dapat ang pupulot nito.
"Papa, baka masugat sya..." Nag aalalang boses ni Nikolai, nagtaas ako nang tingin sa kanya. Nanliit ang mata nito at hinilot ang sintido.
Maaring inaalala na naman nya kung nagkakilala na kami noon.
"Leave that, papunta na ang Maintenance. He can manage that." Mahinahong boses ni Mr. Salcedo. Hindi ko na sya pinansin at tinulungang magpulot ng nabasag na baso ang server guy.
"No Sir, i can handle this..." Pagpupumilit ko, sanay naman ako sa ganitong trabaho, noon at ngayon ay wala namang pinagka iba.
"Mr. Montealegre...wag na. Masusugatan ka..." May kung anong rumihistro sa katawan ko nang hawakan ako ni Nikolai sa balikat. Nagulat ako kaya't natabig ko 'to.
"Ah, sorry..." Tumayo ito at nagtago sa likod ng Papa nya. Hindi ko na ulit sya nakita simula nang dumating ang Maintenance at tuluyan ng nilinis ang nabasag na baso.
"Tapos ayon nga ang sinasabi ko! Mukhang ayaw pa kaming papasukin dito kanina." Pagrereklamo ni Isaac. "Kaibigan mo kaya kami, ayaw kami papasukin." Dagdag pa nya matapos na uminom ng tubig.
"Nakikinig kaba Isla?" Tanong ni Magie. Tumango ako habang nakatingin sa mga kasamahan na nakiki celebrate din.
"Nakita ko na naman sya." Isinandal ko ang likod sa upuan. Sinuklay ko ang buhok gamit ang sariling daliri. Bakit nga ba nararamdaman ko pa 'yon kay Nikolai?
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...