Nikolai's POV
You already forget that i'm your daddy?
"Nakakainis! Oh diba, grounded na naman ako." Inis na pinagsusuntok ni Ela ang unan nya.
"Kasalanan mo din naman, sinisisi mo pa kay Isla ang pagiging ano mo nung nakaraan." Inayos ni Issa ang salamin nito at sinarado ang module.
"Pagiging ano?!" G na g na naman si Ela, nag iinit na naman ang ulo.
"Pagiging gaga mo! Alam mo, kung low tolerance ka, sana hindi kana uminom, yawa!" Sigaw ni Issa
"Ikaw naman, kaya pala naka shades ka kasi may black eye 'yang mata mo, ano na? Mona? Kaya pa?" Sarcastic na tanong ko.
"I just want to help, pinagtutulungan kasi nang dalawang lalaki yung babae, eh. Kaya tinulungan ko, masama ba 'yon?" Napabuntong hininga sya at tinanggal ang shades, napa pikit ako para hindi makita ang kinahinatnan ng mata nya.
Bumangon si Ela at nagsimula na namang magsukat ng damit, "Pa strong ka kasi masyado, pero okay lang. Kamusta naman ang babaeng tinulungan mo?"
"Okay naman si Yasmin, hindi nga nag thank you,eh. Tumakbo na lang bigla." Napako ang tingin namin kay Issa at Mona.
"Yasmin?!" Gulat na tanong ko.
Tumango si Mona, "Yes, ang babaeng hindi naka inom ng gamot."
"What the hell? Tapos hindi man lang nag thank you?! Ang kapal naman ng mukha." Nang gagalaiting pagkakasabi ni Ela.
"Baka natakot na kaya nagtatatakbo. Nanginginig nga 'yon, naawa si Mona kaya ayan! Sya ang nadehado." Binatukan ni Issa si Mona. "Pag-isipan mo muna kasi ang gagawin mo para hindi mo nasasalo ang para sa iba."
"Sanay naman ang katawan ko, hindi na bago 'to." Bulong ni Mona, humarap sya sa salamin at pinagmasdan ang mata nito.
"Kung may mali sa puso mo, wag mong idamay ang katawan mo." Pangangaral ko. "Hindi naman yata tama na ibubuntong mo ang galit mo sa katawan mo, diba?" Dagdag ko pa.
Nakatingin kami sa kanya habang tuloy parin ito sa pagtingin sa mata nito. Hinihintay namin na magsalita sya.
"Matatakpan ba 'to nang concealer?" Tanong nito.
Sabay sabay kaming napabuntong hininga, hindi talaga nya gustong mag open up...naiintindihan ko naman sya, kahit ako din naman, hindi ko gustong pag-usapan ang mga problema ko esp. sa Family.
"Hindi ka talaga marunong makipag usap ng seryoso, basta pag may giyera ka na naman na susuungin, wag mo na kami isama." Sabay halakhak ni Issa na para bang nang-aasar.
Naputol ang usapan ng biglang nag ring ang phone ko, number lang kaya naman dinecline ko. Hindi ako sumasagot ng tawag lalo na't hindi naman naka register sa phonebooks ko.
"Nakakarindi naman 'yan! Paki sagot na, oh. Please?" -Ella
"Ako na," hinila ni Issa ang Phone sa kamay ko. "Loudspeaker natin,ha." Tsaka tuluyan na niyang sinagot.
Pabagsak akong humiga sa kama ni Ela, ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa lahat ng ginawa ko this past few days. Si Isla, nangungulit sya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...