Kabanata 37 Believe

59 2 0
                                    

Nikolai's POV


Sa pagkaka alala ko...

Maaga kaming gumising para makapag gala gala sa Campoverde. Na ikwento na rin kasi ni Mona na dito sya nag aral before kaya may mga spots syang alam. Puro 'wow' at 'ang ganda' lang ang bukang bibig naming tatlo habang nagmamasid sa Probinsya.

"Madami pang magagandang destination dito, kukulangin ang isang linggo." Hindi naman siya nagsisinungaling. Maganda talaga dito sa Campoverde.

Huminto kami sa Falls. Noong una'y akala ko mag pi picture lang kami kaya nakisama pa ako hanggang sa tumalon na si Mona sa tubig.

"Oh paano? Mauna na ako doon,ha!" Nagsimula itong sumisid palayo sa'min.

Nanatili parin akong nakatayo. Never pa yata ako naka ligo sa isang falls, napapalitan ba nang bagong tubig 'yan? Hindi sa pag iinarte pero ganon na nga siguro.

"Whoaaa! So cooold! Tara na Niks, kilala mo naman ako. Hindi ako maliligo dito kung madumi, noh!" Pamimilit ni Ela.

Tama sya, when it comes sa mga kaartihan? Nangunguna talaga sya. I'm pretty sure na malinis nga 'yan dahil sinabi nya.

At malinaw din naman ang tubig...so why not?

But the main problem is...hindi naman ako marunong lumangoy! Umupo ako at ibinabad na lang ang paa sa tubig. Kita ko rin ang mga lalaking halos mabali ang leeg kaka tingin sa'ming apat.

Gandang ganda siguro, well...itatanggi ko pa ba?

"Dali na kasi! Akala ko ba e enjoy natin ang pag stay ditooo!" Hinila hila ako ni Issa para malaglag sa tubig pero hindi ko hinayaan 'yon. Kumapit ako sa kung ano man ang pwede kong kapatan.

"Issa namaaan!" Sigaw ko. Hindi naman nagpatinag si Issa at talagang pinagtutulak pa talaga ako. Pag ako talaga nalunod! Nahagip ng mata ko si Isla na nakatayo, mukhang natulala sa ganda ko.

"Mahal! Hindi ako marunong lumangoy!" Sigaw ko. Agad naman syang natauhan at tumakbo papalapit sa'min.

Matapos non ay inaya ko sya maglakad lakad para na rin mailayo ko si Isla kay Magie. Selfish? Ikaw kaya magkaroon ng manliligaw na kagaya ni Isla, ilalayo mo din sya lalo na kay Magie!

Sorry, bantay sarado na siya sa'kin.

At natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad mag-isa palayo kay Isla. Gusto ko lang naman na ma solo si Isla kahit ngayon lang eh. Is that too much to ask for?

"Mahal! Sandali lang!" Naabutan nya ang kamay ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"Ano bang nangyayare sa'yo?" Nag aalala ang tono nang boses nya at para bang pinag aaralan nya mukha ko base sa titig nya.

"Anong nangyayare? Isla naman! Hindi ka naman bobo ano? Unless kung nakakahawa ang kabobohan ni Magie?"

"Anong bobo? Mahal hindi ka dapat nagsasalita nang ganyan, oo matalino ka pero wag naman ganyan..." Kalmado ang boses nito kaya't kumalma na rin ako...kahit papaano.

"Ano ba 'yon..." Marahan nyang hinawakan ang pisnge ko para maiharap sa kanya. Hindi ko maiwasang isalubong ang kilay ko.

Selos? Oo, nagseselos talaga ako!

"Nagseselos ako, oh ano? Okay na?" Itinaas ko pa ang kamay ko at nag thumbs up sa kanya. "Bakit ba dikit ng dikit 'yang Magie na 'yan,ha? Hindi nya ba alam na nililigawan mo na ako, ah ganon. Sige! I a-announce ko bukas sa Campus ng matauhan sya."

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon