Kabanata 19 Sapak

62 3 0
                                    

Nikolai's POV

Hindi naman na sya bata, pwede na ngang makagawa nang bata 'yan.



"Isla, eto try mo. Masarap 'to, ako nagluto nyan kaya for sure magugustuhan mo talaga 'yan." Inilayo ni Magie sa'kin ang menudo na kukuhanan ka palang sana para makapag lagay ako sa plato.

Bwiset 'tong babae na 'to, balak pa yatang hindi ako pakainin, gusto ko lang naman tikman 'yon kung masarap talaga.

Nakapag bihis na rin ako nang damit, amoy bago din ang suot ko at malambot kaya parang mas komportable ako, sabay mo pang ang lamig pala sa lugar nila kapag sumasapit na ang gabi.

Inilapit ko ang menudo sa'kin, masama akong tinignan ni Magie na para bang ayaw nya akong patikimin man lang, sa ayaw at sa gusto nya, titikman ko 'to at wala syang magagawa.

"Matigas pa ang karne." Komento ko. Nahinto si Isla sa pag subo nang ulam at nakatanga ito sa akin. Tinaasan ko sya nang kilay at ibinalik ang atensyon sa pagkain. "Yung patatas naman parang hindi pa nabalatan ng maayos, hindi mo ba kilala si Princess Sarah? Sana nagpaturo kang magbalat sa kanya" Dagdag ko pa.

Malakas na ibinaba ni Magie ang kutsara, sadya 'yon dahil naiinis na sya. "Hindi naman kasi para sayo 'yan, ikaw na lang ang nakiki kain, nag iinarte kapa dyan."

"Normal lang 'yon, para sa susunod alam mo na kung ano ang dapat mong i improve, baka kaya hindi nagiging kayo ni Isla kasi may hinahanap sya na wala sayo." Plastik ko syang nginitian, "malay mo diba, ganon pala." Pang aasar ko pa.

"Sa tono nang boses mo parang ang dami nyo nang nagawa, ah. Ano ano ba ang pinagyayabang mo?"

"Marami, hmm..." Tumingin ako sa itaas habang nag iisip. "Tulad ng, mas gusto nya ako kesa sayo? Nag confess naba si Isla sayo, Bet ko hindi pa." Natatawang pagkakasabi ko.

"Enough," ibinaling ni Isla ang tingin kay Magie. "Bakit ka pala nandito? Hindi ko alam na pupunta ka, sana nagsabi ka para nakapag ayos man lang ako."

"Naghatid nga nang ulam," iritadong sagot nito, maya maya pa'y para na naman syang linta na naka kapit sa braso ni Isla. "Lasing na naman si Lolo, hindi na naman dito matutulog 'yon, iniisip ko lang na mag-isa ka na naman dito sa kubo."

"Eh, ano ngayon kung mag-isa si Isla? May balak kabang tabihan sya?" Epal ko.

"Baby!" - saway ni Isla sa'kin.

Nagpapalit palit ang tingin ni Magie sa aming dalawa. "Unbelievable!" Bulalas nya. "Anong meron sa inyong dalawa? Isla! Anong baby?!"

"Kumain kana lang dyan, Magie. Sure ako na hindi ka papayag na hindi ka sasama mamaya sa Baryo, magpaka busog ka." Huling sinabi ko bago tumayo at lumabas ng kubo. Just like what i've said, hindi ako kumakain masyado sa gabi, fruits lang sapat na kaya mamaya na lang ako kakain pag may nagustuhan ako sa Palengke... Pag mukhang malinis.

Kanino ko ba narinig ang kasabihan na basta marumi, masarap? Ah, kay Mona.

Huminto na rin ang pag tawag ni Mama at Papa, Tumunog muli ang phone ko at si Ela 'yon kaya sinagot ko.

"Hello" bati ko.

[ ANONG HELLO HELLO KA DYAN?! NASAAN KABA,HA? ]

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon