Nikolai's POV
"Anong nangyare?!" Sigaw ni Issa.
"Nakakaloka ka girl!!! Ano na, nanliligaw si Isla sayo?" Halos magkapalit na kami nang mukha ni Ela kaya hinampas ko sya nang unan at tumawa sya.
"May pa sabi sabi ka pa noon na 'ayaw ko sa mahirap basta gusto ko mayaman at maipagmamalaki ko' tapos si Isla lang pala katapat mo!" Ang lakas ng tawa ni Mona.
"Kumalma nga kayo." Mahinahon na pagkakasabi ko. "Paano ba malalaman kung nanliligaw ang isang tao?"
"Aaaahhhhhh!!!!!!" Malakas na tili ni Issa
Madiin kong tinakpan ang tenga ko, sobrang sakit nila sa eardrums. Nang humupa na ang pakikipagsigawan nila sa isa't-isa tsaka ako muling nagsalita.
"Paano malalaman?" Tanong ko ulit.
"Nakakaselos ha, palaging si Isla na lang ang nakakasama mo pag-uwi." Nag pout si Ela kaya pabiro ko syang pinalo.
"Nagkakataon lang! Lagi kasing may meeting sa Student Gov. Kasi nga sa intrams tapos ayon, minsan gabi na nakakauwi kaya hinahatid nya ako." Pagdepensa ko.
"Naku pooo! Kaya naman pala uma attend na nang meeting hahahha!" Pang-aasar ni Mona.
"Oo ngaaa tapos hindi na nag dadala nang kotse, mas trip sumakay sa bike ni Isla." Pang gagatong ni Ela.
"Atleast nga sa bike lang sumasakay eh hahahah!" Sabay palo ni Issa kay Mona at nagtawanan silang tatlo.
"Baka may iba pang sinasakyan?" Binigyan ako nang makahulugang tingin ni Mona at tinusok pa ang tagiliran ko.
"Ano ba! Hindi ko nga kayo maintindihan!" Nagtatampong sigaw ko. Na le left behind talaga ako sa mga ganyang usapan. Ano ba kasi 'yon?
"Malalaman mo rin, tuturuan ka ni Isla." Sabay kindat ni Mona. "Charot!"
Opening ng intrams today, maaga kaming pumasok dahil may mga aasikasuhin kami. Si Ela kasi nag rehearse sila at sya ang pambato nang First Year College sa Ms. Intrams samantalang si Issa naman ilalaban sa ibang School, malikhaing pagsulat. Si Mona naman Volley Ball ang sinalihan.
May kanya kanya kaming pinagkaka abalahan ngayon, so ayon. May mga pa andar ang boys ng Student Gov. Hindi ko alam kung ano 'yon at syempre kaming mga girls meron din pero mamaya malalaman nyo din.
"Gusto ko pang makilala si Isla, ano ba pagkakakilala nyo sa kanya? Talaga bang mabait sya o sa'kin lang sya mabait?"
"Feeling? Feeling mo sa'yo lang sya mabait? Pa Special?" Mala awra ang itsura ni Issa kaya tinawanan ko nga.
"Sya na talaga ang gwapo na mabait pa at matured! Galing humandle nang mga problems." Tumingin si Mona na parang nangangarap ng gising kaya ibinaling ko ang tingin kay Ela na ng sumigaw sya.
"Naging sub teacher ko sya! Ang talino pala non."
"Ah, salamat pero hindi 'yan ang gusto kong malaman." Nag half smile ako sa kanila. "Ela, may alam kaba kay Isla about sa buhay nya dun sa Campoverde?"
"Ah..." Nagkatinginan silang tatlo. "Wala masyado eh-"
"Mahal..." Tawag ni Isla sa'kin, napansin nyang nakatingin ang tatlo at nagsimula na naman silang mang-asar. Si Isla naman ay namumula ang tenga, nahihiya sya.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...