Isla's POV
"Hindi naman na natin kailangan bumili ng mga bagay bagay dito, uuwi din ako ka agad." Nakangiti ito habang nagsasalita.
"Basta, kunin mo lahat ng gusto mo at ako ang magbabayad." Sagot ko.
Pumalakpak ito na parang bata. "Wow, ang galante mo naman Mr. Montealegre! Sarap siguro maging anak mo noh? Hahaha."
"You used to call me daddy, iniisip ko nga dati na anak kita." Anak nga ba talaga?
Hindi ma alis ang tingin ko sa kanya. Hanggang ngayon ay na me mesmerize parin ako sa ganda nya. Medyo hinahangin ang wig nito kaya't nakikita ko ang collarbone niya. Mas umamo ang mukha nito, she has also a tantalizing eyes para bang na hi hypnotize nya ako
May iilan na namang hindi magkanda ugaga sa pag tingin kay Nikolai. Paano ko ba maipapakita na akin na ang babaeng ito?
Kailangan ko pa bang sabitan ng tag na 'Montealegre Property.' pag talaga may humadlang pa sa'ming dalawa itataob ko talaga.
"Hindi ko matandaan,eh." Napakamot ito sa ulo. Nagtatalo ang isip ko, sana maka alala na sya para maging okay na kaming dalawa at sa kabilang dako naman naiisip ko na pag naka alala sya...baka...bakit ba hanggang ngayon iniisip ko pa 'to.
"Mr. Montealegre! Papicture po!" Agad na tumakbo ang isa pa nitong kasama.
"Ah..." Lumingon ako kay Nikolai. Mapakla itong ngumiti at tumango, sya na mismo ang kumalas sa magkasalikop naming kamay.
"Si Mr. Montealegre ba 'to?! Mas gwapo sa personal!" Sigaw pa ng isa. Binigyan ko lang sila nang ngiti at tawa pa minsan minsan sa mga biro nila.
Kahit ganon, hindi ko inaalis ang tingin kay Nikolai. Naka cross arms ito habang nakatingin sa akin, kumaway ako sa kanya at sumenyas na sandali na lang. Tumango ito.
Siguro kung sya ang Nikolai na nakilala ko dati, baka nabugahan na nya nang apoy ang mga babaeng ito. Nangingiti tuloy ako pag naalala ko 'yon.
"May girlfriend na po ba kayo?" Out of nowhere na tanong ng isang babae. Mukhang nada dagdagan pa ang mga tao.
"Meron...meron na." Ibinaling ko ang tingin kay Nikolai. Nakangiti na ito at namumula pa ang pisnge. Gusto ko sanang isipin na narinig nya ang sinabi ko pero bakit naman sya kikiligin?
Kahit sya naman talaga ang tinutukoy ko.
"Ah...si Magie 'yon!" Malakas na sigaw ng babae mula sa likod ko. Haharapin ko sana sya para iklaro ang sinabi nya pero nagka gulo na sila.
Nagtitilian na para bang kinikilig pa. "Loveteam po namin kayo!" Isa lang 'yan sa mga naririnig ko. May iilan pang nagtutulakan kaya't lumapit na sa amin ang isang security guard.
Sobrang pasasalamat ko sa Security Guard ng mapa alis nya ang mga babae. Hindi naman sa tinataboy ko sila. Nagkamali na naman sila, palagi na lang kasi kami nahahagip ng paparazzi kahit na hindi naman talaga kami magkarelasyong dalawa.
Agad kong tinungo kung nasaan naka pwesto si Nikolai kanina pero wala na sya doon. Nasaan na kaya sya? Inisa isa ko ang mga shop at boutique pero wala talaga sya.
Sa laki ba naman naman ng PMYCC (Portia Mar y Centre Commercial) tiyak na nagkakasalisi na kami. Inilabas ko ang phone at sinimulang tignan ang number nya, muntik ko ng maibato 'yon ng maalala na wala nga pala akong numero nya.
"Nasaan kana ba?" Bulong ko sa sarili. Halos mahilo na ako sa pa ikot ikot sa Mall. Sumuko na ako at umupo sa upuan na puno ng mga lalaki rin.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...