Nikolai's POV
I don't want my past to continuously be repeated .
Pinatayan ko sya, umakyat na ako sa kwarto at naligo. Hindi naman ako umalis agad, nagbabad ako sa bath tub. Nakapikit lang ang mata ko pero gising ang diwa ko.
Ina atake na naman ako. Nagsa sabay sabay na naman ang iniisip ko, i need therapy. Sumulyap pa ako sa salamin bago tuluyang lumabas ng c.r
Bigla na namang nag ring ang phone ko. Si Isla 'yon, kung nagtataka kayo kung bakit may number nya ako. Si Ela ang naglagay nyan,pag daw hinanap ko sya, si Isla na lang daw ang tawagan ko. Ayaw nyang na iistorbo sa buhay nya.
[ Kamusta? Did you eat dinner? ]
Itinaas ko ang tingin sa orasan, 6pm na at hindi ko man kang namalayan ang oras, kung ano ano ang naiisip ko kanina sa bath tub.
"Hindi pa." Garalgal ang boses ko, nakakahiya. What? Ako, nahihiya sa kanya? Siguro kasi madami lang syang natulong sa'kin. Hindi kasi ako sanay na tinutulungan ako,eh. Pinalaki akong independent ng Parents ko kaya kung may gusto akong gawin, ako mismo ang gagawa.
[Kumain kana, nag aalala lang ako. Wag mong kalimutang i take yung nga binili mo kanina. ]
Hindi ako sumagot. Natahimik kaming pareho, siguro alam na nya kung para saan ang nalaglag ko kanina. Hindi alam ng parents ko na hanggang ngayon, nag te take parin ako non.
Benzodiazepines are used for treating: anxiety and panic. seizures (convulsions), and. insomnia or trouble sleeping.
3 years ago,Nag makaawa ako na ibalik na nila ako sa regular class,pinayagan ako nang parents ko kung makita nilang okay na ako. Magaling na ako at kaya ko nang humarap sa mga tao ulit, kaya pinaniwala ko sila na i am fully healed even though it's not.
Ayoko na kasing mag home schooling, sobrang higpit ng parents ko. Nakakasakal, hindi pwedeng mag online kahit phone hindi pwede. Para akong nakakulong! Lalo lang ako mababaliw sa malaking Mansion na 'to.
At ang pinaka ayaw nang Papa ko, ang pumasok na naman ako sa isang relasyon. Lalaki ang sumira sa buhay ko at ayoko nang mangyare ulit 'yon. Hindi ko hahayaan na masira ulit ako kaya pasensyahan tayo Isla.
I don't want my past to continuously be repeated .
[Hello? Baby...sorry! Sorry!] Paghingi nito nang tawad, natawag na naman nya akong baby.
"Okay lang."
[Sorry talaga...baka umatake na naman- nasa tapat ako nang gate nyo. May ibibigay ako sayo. ]
"Umuwi kana, may pambili ako." Bumaba ako sa kusina, binuksan ko ang ref pero nakalimutan ko palang bumili nang fruit platter. Prutas na lang kasi ang kinakain ko pag gabi.
[Sige na, advance gift ko sayo. Birthday, Valentines, Pamasko, lahat na. Isahan na lang baka hindi na ako makasahod.]
Bumuntong hininga ako, "make sure na masu surprise ako dyan,ha."
Hindi sya sumagot, pinatayan pa ako nang linya. Eto talagang lalaki na 'to! Tsaka nakalimutan ko pa syang tarayan ngayon, hay nako.
Salubong ang dalawang kilay ko nang lumabas ako nang gate. Naka bike lang sya at may dalang kung ano basta box sya.
"Ano 'yan? Sahod mo na siguro kaya ang galante mo." Bungad ko habang sinasarado ang gate. Nahihiya syang ngumiti sa'kin, kahit nakakahawa ang ngiti nya pero hindi ako ngingiti.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...