Nikolai's POV
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakaka bored dahil nasagutan ko na lahat. Tanging tunog lang nang papel at pag ubo nang iilang classmates ko ang naririnig ko. Tunog 'yon ng nanghihingi nang tulong dahil hindi nakapag review.
Kumuha ako nang tissue at isinulat dun ang mga sagot ko. Hindi naman ako madamot pagdating sa mga ganitong bagay.
Pasimpleng inilahad ni Cosella ang kamay nya at mabilis ko namang binato ang tissue na may lamang sagot.
"Thank you." Bulong nya.
Wala na talaga akong magawa sa mga oras na 'to. Pag hindi pa ako nakauwi malamang sa malamang ay maibigay ko sa kanila ang buong test paper ko.
I raised my left hand. "May i go out?" Hindi man lang gumalaw ang ulo ni Ma'am. Tinapunan nya muna ako nang tingin at segundo rin ay tumango ito sabay irap sa'kin.
Naiintindihan ko naman sya. Ikaw ba naman tumanda na nang walang asawa eh matutuwa kaba? Kulang lang sa haplos 'yan.
Sino gustong humaplos sa kanya? Comment down below.
Tumayo ako at inayos ang coat ko na color beige. Inusad ko ang upuan at nagpakawala nang maingay na langitngit 'yon. Sabay sabay silang napatingin sa'kin kaya nag peace sign ako.
Lumabas na ako at baka mapag initan pa ako ni Ma'am. Hindi pa naman kami close nun dahil ang hirap nyang kausap. Akala mo okay kayo pero hindi naman pala.
May iilang babae dito sa restroom. Agad akong lumapit sa salamin at ibinaba ang pouch ko. Nag re touch re touch ako, ayoko namang makita nilang pagod ako o na stress ako dahil sa exam. Hindi naman mahirap 'yon dahil maayos namang naituro sa'min.
"Oo, yung lalaki na bagong transfer? Bet ko 'yon."
Nahinto ako sa pag wisik ng perfume sa likod ng tenga ko at saglit na binaling ang tingin sa babaeng kadadating lang.
"Biruin mo, ang taas daw ng marka nun sa previous school nya kaya hindi imposibleng mapalitan nya si Nikolai na mag over all top 1 sa Univ."
"Sinabi mo pa hahaha worst is pag napalitan din sya sa pagiging President."
Mukhang hindi nila napansin ang presensya ko, oh sadyang pinadidinig nila sa'kin? Who are they to talk like that? Hindi ko nga sila kilala which means wala pa silang napapatunayan na kahit ano.
"Excuse me?" Pagtawag ko nang atensyon sa kanila. Nakataas ang isang kilay ko, naka pameywang ang isa kong kamay at ang isa naman ay hawak ko ang mamahalin kong pabango.
"Who are you talking to? Is it me?" Paninigurado ko na ako nga 'yon, hindi nila pwedeng ideny pero pwede din namang mag sorry sila sa'kin. I can accept it lalo pa't galing sa kanila.
"Ikaw nga."
"Keep my name out of your mouth." Mabilis na sagot ko. Winisikan ko sila nang pabango kaya agad silang lumayo para hindi tamaan ang mga mata nila... O baka dahil ignorante sila sa mamahalin kong pabango.
"Kailangan nyo 'yan nang bumango bango naman ang mga nilalabas ng bibig nyo." Hindi parin ako tumitigil sa pag wisik sa kanila.
"Stop! Stop it Nikolai" sigaw nang babaeng mas mataas pa sa'kin ang isang kilay.
"What's going on?!" Sigaw ng Vice President ng School. Una nya akong tinignan at sumunod naman ang dalawang babae na muntik ng maligo sa pabango ko.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...