Kabanata 32 Pawis

53 2 0
                                    

Nikolai's POV


Madaling araw palang ay gising na ako, sobrang pinili ko talaga kung ano ang isusuot kong damit ngayon. Pupunta na naman kami sa Mansion nila Ela at tiyak na makikita ko na naman si Isla, dapat maganda ako dun.

Mas maganda pa kay Magie para hindi na nya maisip ang babaeng 'yon.

Charot!

Hindi ko ugaling makipag kumpetensya lalo pa't hindi naman kami magka level.

Saglit pa akong sumulyap sa salamin, nag apply ng nude shade na lipstick na bumabagay sa peach dress ko. Wavy din ang hairstyle ko for today at taas noo akong bumaba sa kotse.

Sinipat ko ang Hardin nila Ela pero walang Isla na nagdidilig doon. Nagkakapagtaka naman? Alam nyang pupunta ako, diba? Sa pagkakantanda ko ay sinabihan ko sya.

Hanggang sa makarating ako sa kwarto ni Ela, hindi ko man lang sya nakita. Nakaramdam ako nang panghihinayang sa mga pinag gagagawa ko. Gumising ako nang madaling araw para makapag ayos para sa wala.

"Hindi ba maganda ang gising mo?" Tanong ni Mona.

"Baka hindi masarap ang almusal niya." Pang-aasar ni Issa.

"Baka kasi hindi nakita si Isla." Natatawa si Ela habang inaayos ang kanyang buhok sa salamin.

"So, nasaan sya?" Tanong ko. Agad nila akong binigyan nang tawa. Inirapan ko lang sila at naupo sa kama.

"Maaga syang nagdilig at umalis ngayong araw."

"Ha?! Bakit naman pinayagan mo!"

"Bakit hindi? Nagpa alam sya kay Mama at Papa, anong magagawa ko eh pinayagan naman nila."

Napabuntong hininga na lang ako at pabagsak na humiga sa kama. Ano bang iniisip ko? Ano naman kung nag day off sya? Eh nakakainis! Sana nagsabi sya sa'kin para hindi ako nag effort mag-ayos ng sarili.

"Ano bang kinaiinis mo dyan, may kailangan kaba kay Isla?" Tanong ni Mona habang busy sa pag lilinis ng sarili nitong kuko.

"May inportante kasi akong sasabihin sa kanya." Pagpapalusot ko.

"Importante pala,eh! Sige, nasa Campoverde sya ngayon." Dahan dahan hinipan ni Mona ang kuko upang matuyo ang inilagay nya rito.

"Ano namang ginagawa nya sa Campoverde? May nangyare ba sa Lolo nya?" Nag aalalang tanong ko, kawawa naman. Baka may maitulong pa ako/kami. Mahirap magkasakit ngayon, pwede akong magpahiram ng pera sa kanya.

"Ano kaba!" Malakas na sinarado ni Issa ang binabasa nito. "Nahuhuli ka naman masyado sa balita, ngayon ang Fiesta sa Campoverde. Hindi nya nasabi sayo?"

"Baka ikaw ang nahuhuli sa balita, hindi pa naman exam tapos nag re review kana agad." Pag tatama ko sa kanya.

"Huy! Hindi ako nagrereview! Binabasa ko yung libro na inilaban ko nung intrams." Iwinasiwas nya ang libro na binabasa kanina. "Try mo basahin, real story 'to pero hindi ko papangalanan."

"Akin na, basahin ko."hihilahin ko na sana pero agad din nyang inilayo sa'kin.

"Binabasa ko diba?"

"Tara na, para makaranas ka naman ng Fiesta sa Campoverde, napaka ganda doon tuwing gabi!" Pagmamayabanb ni Ela.

"Nakapunta na 'ko dun. Maganda nga sya tuwing gabi." Sagot ko.

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon