Nikolai's POV
Hinahabol kita noon, maglaway ka ngayon.
After that kissed, nagtago ako sa kanya. Ilang beses syang nag sorry sa'kin about that. Sa text, calls sa lahat ng social media accounts ko pero hindi ko sini-seen. Ilang gabi ko ding iniisip ang nangyare, nababaliw na ako.
Nakakapuyat.
Uwian palang nauuna na akong umuwi, nagpapa alam na lang ako kay Ela, Issa at Mona na hindi okay ang pakiramdam ko kaya kailangan kong umuwi nang maaga.
I can't believe this, sya ang first kiss ko! Paano na lang ang pangako ko sa sarili na hahalik lang ako kapag nasa tapat na nang altar, wala na. Nakuha na nya.
"May issue's about sa Portugal Family at napasama kapa doon, akala ko kung anong issue yun pala iskandalo!"
Natauhan ako sa malakas na sigaw ni Mama. Nakalimutan kong nanenermon pala sya at yung halik ni Isla ang iniisip ko. Hays. Ano ba naman ang buhay na 'to.
"Hindi naman po masyadong kita ang mukha ko doon, hindi big deal."
"Ang sinasabi ko lang naman mag focus ka sa pagiging Presidente mo kesa iskandalo ang pinapasok mo. Ipagpatuloy mo ang Legacy na iniwan ko sa School na 'yon."
Bumuntong hininga ako, "okay." Hindi rin naman ako mananalo sa kanya kaya hindi na ako sumagot pa. Sa haba haba nang sinabi nya, ngayon lang nyang naisipang tapusin at lumabas ng kwarto.
"Nakalimutan kong idagdag, wag ka nang makipag kaibigan sa anak ni Mr. And Mrs. Castilleja.
So it's easy for you to knock their business down in the future,bye." Then she closed the door. Si Mona ang tinutukoy nya, matagal na rin nya akong pinapalayo kay Mona pero hindi naman sya yung tipo nang tao na may pake sa Business, She's currently taking Architecture, remember?Architect Wilhilmona Aelys Castilleja.
She's not a threat.
Bumaba ako nang kwarto, iilang maids lang ang naroon. Ine expect ko na nandito sila Mama at Papa pero wala. Sumakay ako sa kotse ko at dumaretso nang Mall. Feeling ko ang dry dry ko na this week, dahil kulang sa tulog.
Kailangan ko nang makeover, hindi naman pwedeng haharap ako sa intrams ng hindi maganda. Hindi ako papayag na ganon.
Inumpisahan kong pumasok sa famous salon, habang inaayos ang buhok may umaasikaso naman ng kuko ko. I miss this, naging busy pala ako masyado sa School, hindi ko na napansin humahaba na ulit ang buhok ko.
"Trim lang" inunahan ko na agad ang babae. "Make sure na trim lang talaga." Dagdag ko pa. Mapakla itong ngumiti sa'kin, nanginginig pa ang kamay nya habang pinuputol ang buhok ko.
Last time na nag pa trim ako, halos maging dora ang itsura ko. Gusto ko talagang magalit ng sobra kasi mahalaga sa'kin ang buhok ko kaso naisip ko na ma stress lang ako so, tinanggap ko na lang.
I promised to myself na hindi na mauulit 'yon.
"Sabi ko na nga ba,eh. Nikolai." Umupo si Magie sa tabi ko, hindi ko sya nilingon. Sapat na ang malaking salamin sa harap namin para makumpirma ko na sya nga 'yon.
"Wala ka namang sinabe." Sagot ko.
Nawala ang plastik na ngiti nito, "after nang issues mo, may gana kapang mag beauty salon."
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...