Nikolai's POV
Call me Daddy.
Ang sabi ko sa sarili ko ay pu pwede ko na syang maging kaibigan, mali! I ta try ko na maging kaibigan si Isla pero ang hirap hirap kasi hindi sya ang mga tipong kinakaibigan ko.
"Kain." Alok nito. Inilapit pa nya ang slice nang pizza at inosente akong tinitigan. Nakaka awa ang itsura nya, para bang kinokonsensya na naman nya ako sa pamamagitan ng mukha na 'yan.
Napasapo ako sa ulo ko, pinagtitinginan na kami nang mga estudyante dito, "Please, hindi ako interesado dyan sa mga pa subo subo na 'yan. Ilayo mo sa'kin at baka ikaw ang kainin ko."
"Omg! Kakainin ni Niks si Isla! Ang wild nyan, ha." Natatawa si Issa habang nilalaro laro ang tinidor nito.
Tumawa naman si Isla at kinagat nya ang pizza na tinanggihan ko kanina, "pwede naman, hindi ako papalag."
Confuse ko silang tinitigan. Hindi ba dapat matakot sya at kakainin sya? Ano bang dating nun sa kanila, hay nako. Mahirap talagang intindihin ang mga Probinsyano.
"Pwede ba 'yon, hindi papalag? Siguro pag kinain ka nang titans, hindi ka rin papalag, well ok naman 'yon para hindi na kita makita."
"Sure? Ayaw mo ako makita? Baka magsisisi ka, ha." Pang aasar nito. Gwapong gwapo talaga sya sa sarili nya, kung yung ibang babae nabubulag sa kanya pwes ako, hindi.
Hindi ako papayag na humanga ako sa kanya o magka gusto man lang sa, Probinsyano! Myghad, hindi ko ma imagine.
Eto pa ang isang nakakainis, pag walang prof. Sya ang sub tapos ina alilannya ako, paano na yung grades ko? Sinisira nya ang lahat ng pinag hihirapan ko. Pag dating naman sa Student Government eh nakiki butt in pa sya.
"Bakit ba kasi kailangan pang mag sama sama tayo sa iisang table? Ano bang gusto nyong mangyare?" Napapakamot na ako sa ulo ko.
"Hintayin natin si Ela, may sasabihin daw sya, si Mona naman ewan ko kung papasok ngayon 'yon pero baka papasok."
"Sa lagay nila kahapon, malabong papasok pa 'yon. Hindi na sana sya naki alam sa mga away away dun, edi ngayon may pasa pasa na naman. Hindi na talaga nag tatanda si Mona, parang hindi pinagsasabihan." Napa hilot ako sa sintido ko.
Concern naman ako kay Mona kahit pa nagtatagisan ang Family namin when it comes sa mga Businesses pero it doesn't mean na idadahilan ko 'yon para iwasan sya at pabagsakin sya. Ganyan lang si Mona pero napaka laki nang pangarap nyan, hindi ko lang alam kung ano na naman ang dahilan nya at nagkaka ganyan sya ngayon.
"Gusto lang siguro nyang tumulong, kung ikaw din sa lugar nya tutulungan mo din ang nangangailangan." Singit ni Isla.
Matalim ko syang tinignan, "Pero kung ikaw ang tutulungan, hindi ako tutulong."
"Nice, bakit kaya hindi ako tutulungan ni Ms. President? Huwag mong sabihin na malakas ang tingin mo sa'kin, totoo ba ang iniisip ko?" Nang aasar na naman ang boses nya. Sheez napaka yabang talaga, umiikli ang pasensya ko sa kanya.
"Ikaw, napaka kapal ng pagmumukha mo, ha. Hindi ka nahihiya? Ganyan ang attitude mo sa'kin tapos sa iba hindi, ano? Pakitang tao ka sa mga tao. Sumayaw kana lang dun, umalis kana." Tinuro ko ang gawi papunta sa Dance Crew nila, "tsupi!"
"Huwag ka naman ganyan kay Isla! Umayos ka naman Ms. President, Hindi naman palagi gaganyanin mo si Isla, may nararamdaman din 'ya-" -Issac
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...