Nikolai's POV
No one can ever change my mind!
Inupo ko si Augustine at tinabihan ko sya doon. Kumpara kanina, mas kalmado na sya at kahit papa ano ay hindi na sya gigil na gigil.
"Ano bang pinag aawayan nyong dalawa? Kung pinag aagawan nyo 'ko, wag nyo namang ipakita sa harap ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, eh."
Malakas na nagpakawala nang tawa si Augustine kaya confuse ko syang tinignan, tinaasan ko pa nga nang kilay para manahimik na sya kakatawa.
"Medyo makapal ang mukha mo sa part na akala mo pinag aagawan ka namin." Hindi parin sya matigil sa pagtawa, nakahawak pa sya sa tiyan at konti na lang sisikmuraan ko na 'to.
Nakanguso akong nagsalita sa kanya, "eh ano? Para kang tanga kanina, galit na galit, gustong manakit? Sa level ng galit mo parang nakapatay na si Isla nang tao."
"Pinoprotektahan lang naman kita, For the pete's sake, he's pedophile Nikolai. He's predator, Don't be blind to the signs."
"Ah..." Napa ikot ang mata ko, hindi dahil mali ang ina akala ko. "Hindi ko papatulan 'yon, promise."
"Sure? Wag kang mag promise, ipakita mo. Hindi mo naman talaga totally pang kilala 'yang si Isla, wag kang naniniwala agad sa mga sinasabi nya. Naghihintay lang ng pagkakataong sumugod-"
"Parang kilalang kilala mo na si Isla,ah. Ano bang alam mo sa kanya na hindi ko alam? Sabihin mo na." Pangungulit ko. Lagot talaga yang si Isla kapag may nalaman akong ikasisira nya. May pang blackmail na ako sa kanya pag nagkataon.
"Kababata mo rin ba sya? Bakit alam mo ang Campoverde? " Tanong ko pa.
"May lupa kami dito, dito din ako nag-aral before at kaklase ko si Isla. Elementary palang kinakalaban na nya ako, lahat ng gusto kong makuha, kukunin din nya. Nakakainis ang existence nang lalaki na 'yon, nag transfer pa sya sa School natin sa Manila. Ano naman kaya ang binabalak nya ngayon." Halos pabulong na pagkakasabi nito.
Napa pitik ako sa hangin, "sabi ko na nga ba! Nakikipag kumpitensya ka sa kanya? Oh, edi pinag aagawan nyo nga ako, nag confess sya sa'kin kanina."
"Predator 'yan! Sinasabi ko na nga ba!" Tumayo na naman sya at gustong gustong pumasok sa loob ng kubo pero pinigilan ko sya.
"Joke lang!" Binatukan ko nga, natahimik sya at nahinto sa pag lalakad. Seryoso syang humarap sa'kin, sobrang seryoso. "Nagbibiro lang ako."
"Hindi magandang biro, pag ginawa nya 'yon, pinatutunayan nya lang talaga kung ano sya noon."
"Ano ba sya noon? Ang buong akala ko ay tao sya, hindi ba?" Tanong ko. Sinamaan nya ako nang tingin kaya tinawanan ko sya.
Magsasalita pa sana sya kaso bigla na lang nag ring ang phone nya. Saglit nyang tinitigan ang phone at tinago sa bulsa nya.
"Sagutin mo, baka importante."
"Iuuwi na kita."
Mabilis akong lumingon at tumayo sa harap nya. Hindi ako pwedeng umuwi ngayon, malalagot na talaga ako sa magulang ko. Kailangan ko munang pa hupain ang galit nila.
"Hindi pa ako uuwi, maghahanap ako nang- sagutin mo na kaya 'yan, kapag 'yan importante at hindi mo na sagot, bahala ka." Pananakot ko.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...