Isla's POV
"Papa! Pupunta na po ba tayo kay Mama?!" Nakangiti si Ada habang nakatingin sa akin, nakatingala ito mula sa pagkaka upo.
Nagtaas ng kilay si kuya Abednego at seryosong tumingin sa bata. "Ang daldal ng anak mo, Isla."
Mahinang hinampas ni Mama si kuya Abednego sa braso, "ano kaba naman, hayaan mo na ang bibo bibo nga nya eh." Nakatakip ang isang kamay niya sa bibig habang tumatawa.
"Cute kaya! Ang ganda ganda mo Ada! Feeling ko pag laki mo pagkakaguluhan ka rin just like me!" Sabay turo ni Eleanora sa sarili. Agad namang tumango tango ang bata, halata namang hindi nya naiintindihan ang sinabi nito.
Binaling ulit nito ang sarili sa pagkain. Pinagmasdan ko ang bata habang busy ito sa ginagawa, may mga physical features kami na magkaparehas.
May tendency kaya na anak ko si Ada? Like...shit! Kung ako nga ang ama nito, bakit hindi sasabihin ni Nikolai 'yon? Alam kong nagka memory loss sya pero ako lang naman ang nakalimutan nya, diba?
*Cough* sabay sabay kaming napatingin kay kuya Erastus. Nagpunas ito ng labi bago nagsalita. "Sure kabang hindi mo anak 'yan? Kamukhang kamukha mo 'yan , Isla."
"Oo nga...may lahing Montealegre 'yan!" Bulalas ni Mama.
"Ipa DNA Test mo ang batang 'yan. Kanina kapa nangungulit sa amin, malay namin kung nakipag sex kaba-"
"PAPA!" Sabay sabay na sigaw namin, ibinaling ko ang tingin kay Ada na nagulat. Inosente itong nakatingin sa amin.
"Sorry baby...sorry." hinalikan ko ito sa noo. Naka simangot ito ng harapan ko ulit sya. "Why? Hindi ba masarap ang food? Tell Papa right away."
Mabilis itong umiling. Kinuha nya ang manika na nasa tabi at niyakap 'yon, hindi parin mawala ang simangot sa mukha nya.
Sumenyas si Mama na tanungin ko kaya binuhat ko sya at inupo sa hita ko. "Bakit malungkot ang baby?" Tanong ko sa malambing na boses.
"Gusto ko na pong makita si Mama...where is she?" Napabuntong hininga na lang ako sa tanong nya. Paano ko sasabihin sa kanya na...
"Ada, ano full name mo?" Makulit na tanong ni Bathsheba.
"Adelaide Lovelace po..." Magalang na sagot ni Ada. Yumakap ito sa akin, sobrang pure non. Noong una ko palang makita ang batang ito, may kakaiba na. Lukso ng dugo ba ang tawag doon?
"Ahh..." Sabay tawa ni Bathsheba. "Okay... Surname?" Tanong ulit nito. Hindi naman kami nag e expect ng matinong sagot sa bata kaya ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain.
"Adelaide Lovelace Montealegre."
Naibuga ni Batsheba ang tubig, buti na lang mabilis ang pagtalikod nya. Halos malaglag ang panga namin sa sagot ni Ada.
Adelaide Lovelace Montealegre
Adelaide Lovelace Montealegre
Adelaide Lovelace MontealegrePa ulit ulit na uma alingaw ngaw sa utak ko... Totoo nga, itinago ni Nikolai 'yon sa akin? Sa mga taong nasa paligid ko? Sila Mona? Issa? Ela? May alam din kaya si Isaac dito?!
"WHAT?!"
"Isla?"
"Omg?! Really?!"
Saglit na natahimik ang lahat, hindi ako nakapag salita dahil pina process pa ng utak ko lahat...in the first place, nagmukha akong tanga. Anak ko na pala 'to pero wala akong ka ide ideya?
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...