Kabanata 45 Ring

73 2 0
                                    

Isla's POV

Huminto kami sa isa sa kilalang Resort dito sa Baryo Compostela, since malapit naman ang pinagdaungan namin ng rowboat dito sa Costa Recio, Napag desisyunan naming dito na lang mag stay muna.

"Ang high class ng mga resort dito, promise! Babalik talaga ako dito!" Saktong rinig namin ng dumaan ang babae, mukhang papa alis na sila.

"Bakit kasi aalis agad kayo? May mga destinations pa dito, hindi pa nga tayo nakakagala sa phase 3 at phase 4."

"Sayang, mas maganda sana sa phase 5."

"Shh! Ang ingay mo!" Nagpalinga linga ang babae, "baka may makarinig sa'yo dyan."

Mukhang curious na si Nikolai at balak pa yatang makipag tsismisan sa dalawang babae kaya marahan ko syang inakbayan at dumaretso sa paglalakad.

"Isla!" Sabay kaming napalingon ni Nikolai sa babae. Agad itong ngumiti ng makalapit sa amin.

"Gabbi, mukhang umuunlad ka ah." Pagbati ko rito. Isa din si Gabbi sa mga kababata namin na pinsan ko, magkapatid ang mama nya at mama ko. kasabayan din namin itong lumaki rito at sabay sabay kaming natutong lumangoy.

Hindi naman pala kaibigan 'yang si Gabbi. Kaya lang sya pumayag na maging kaibigan nila Magie ng malaman nyang anak si Magie ng Lawyer at anak naman ng Doctor si Isaac.

Pinagmasdan nya nang mabuti si Nikolai tsaka tumango tango. Kabisado ko na ang tingin na 'yan, tingin na 'mukhang mayaman.' Gabriella nga naman oh.

"Santoro Resort ang kilala dito sa Costa Recio." Lumapit si Gabbi kay Nikolai at inayos nito ang bulaklak sa tenga.

"Thank you." Nahihiyang tumingin si Nikolai sa'kin at nginitian sya.

Gabbi smile back to her, "Pero i assure that Santoro Resort is something that you could ask for." Nagsimula syang maglakad kaya't sinundan namin sya.

"May discount ba kami dyan?" Pagbibiro ko. Agad itong humarap sa akin at sarkastikang tumawa.

"Really? Magpapa discount kapa sa taas ng narating mo Isla." Naiiling itong bumalik sa paglalakad. "Ako na ang namamahala sa Santoro Resort dapat nga'y suportahan mo ako."

"Kamusta naman ang Resort mo? Madami bang pumupunta?" Tanong ni Nikolai, sumabay ito sa paglalakad ni Gabbi.

"So far, maganda naman ang nangyayari. Madaming turista, madaming nag ce celebrate nang birthday, minsan business meetings at iba pa. Matagal na rin kasi ang Resort namin kaya kilalang kilala na." Huminto si Gabbi sa pagsasalita at humarap kay Nikolai sabay baling sa akin.

"Sino sya, Isla?" Tanong nito. Binilisan ko ang paglakad para makatabi si Nikolai.

"Matalik na kaibigan ko." I answered.

"Ahh, baka magselos si Magie nyan,ah. Hahaha joke! So, nandito na tayo. May konting inayos para mas maging modern. Ayos ba?" Itinaas nya ang kamay at proud itong pinakitaamg Resort na pinapatakbo nya.

"Wow! Ang ganda naman!" Mangha na naglakad papasok sa loob si Nikolai. Hindi man lang nya napansin na hindi kami nakasunod sa kanya.

"Gabbi, wag ka na munang magkwento about kay Magie at sa akin. Please lang?"

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon