Nikolai's POV
I can't play your game because I'm always ahead from it.
"Sino bang may sabing tama ang ginagawa nyo? Diba, wala." Pag susungit ni Isla sa amin.
Nagkatinginan naman ang mga kaklase ko habang striktong nakaharap si Isla. Hindi ko alam kung inis sya sa'kin at nadadamay ang mga kaklase ko.
"Bakit kasi Ikaw ang mag babantay sa'min ngayong P.E? Nasaan ba si Sir?" Pag rereklamo ni Cosella. Walang ekspresyon na tumingin si Isla, napagtanto nya na katabi ako nito kaya kumalma naman kahit papaano.
"Alam ba ni Sir na nagsusungit ka?"
Huminga nang malalim si Isla bago sumagot. "Ibinilin nya 'yon, pasensya na at sumusunod lang ako."
"Paano pag walang alam sa Volley Ball? Paano yung grades namin, bababa ba?" Tanong ko. Halatang ako naman ang pinatutungkulan nya na mali mali ang ginagawa. Hindi naman talaga ako sporty, anong magagawa ko?
"Hindi kaba marunong mag VBall? Okay," iginala nya ang tingin sa'min isa-isa. "Sino pa dito ang hindi marunong? Si Nikolai lang?" Natawa sya sa tanong nya.
I raised my eyebrow. "Anong nakakatawa? Ayusin mo nga ang pakikipag-usap mo at hindi ako natutuwa sayo." Inihagis ko ang bola sa kanya at nasalo nya 'yon.
"Paano ka kaya nakakakuha nang mataas na grades sa P.E? Hindi ka naman pala magaling dito." Pag yayabang niya. "Puro pa cute lang siguro ang ginagawa mo, tama ba?"
"Kailan ako nag pa cute? Hindi ko na kailangan gawin 'yon dahil cute talaga ako. Baka ikaw ang nagpapa cute dyan." Sagot ko.
Abang na abang naman ang mga kaklase namin. Ang iba naman ay sinusulsulan si Isla na sumagot sa sinabi ko pero natawa lang sya.
Nakakatuwa bang asaran at inisin ako? Sa tingin ko, hindi.
"Girls, doon kayo sa Vball Court at Boys, dito naman tayo sa BBall Court. Okay? Move." Utos nito. Para syang Boss kung mag utos sa amin. Wala naman kaming magawa kundi ang sumunod sa mga sinasabi nya.
I can't imagine na magiging sunod sunuran ako sa kapwa ko Estudyante at sa kanya pa talaga. Matapos na sana ang P.E na 'to.
"Source! Ikaw naman." Sigaw ni Cosella.
"Source?" I asked.
"Kasi ikaw ang Source namin ng sagot hahaha." Sabat ng babaeng hindi ko na matandaan kung anong name.
"Ah.." dahan dahan akong tumango tango. "Tabby! Recess na?" Tanong ko sa kaklase kong healthy. May hawak syang food, ayoko na talaga mag P.E gusto ko na lang kumain at magpahinga or mag solve ng problems.
"Hindi pa, You want?" She extend her arms para mailapit ang inaalok nya.
"What is that?"
"Cheeupa."
"Chupa?"
"Cheese Ube Pandesal, girl? Chupa? Wtf?" Nainis tuloy sya at tinalikuran ako. Wala naman akong masama na sinabi, ah.
"Source! Ano ba! Umilag ka, Upo!" Sigaw ni Cosella.
"Whatever." I rolled my eyeballs nang biglang may tumamang bola sa ulo ko. Napa upo ako sa sakit, nahihilo ako.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...