Isla's POV
"Nag enjoy kaba sa Bonfire?" Tanong ko habang naglalakad na kami papasok sa resort.
Tumango ito habang nakatingin sa singsing, kanina pa nya pinagmamasdan 'yon. Kapag nakikita ko syang ganyan ka saya, masaya na rin ako.
"Hindi ko inexpect..." Sinulyapan nya ako at nahihiyang nag iwas ng tingin. Ilang beses ko ring nahuhuli ang ngiti nito.
"Niks..." Malamig na boses mula sa likod namin. Saglit ko pang inayos ang pagkakabuhat sa mga shopping bags bago lumingon.
Agad na nagtama ang tingin namin ni Austine, kasama sila Issa, Ela, Mona pati sila Magie at Isaac.
Reunion?
Bakit walang nag inform?
"Niks, tara mauna na tayo sa loob..." Agad na lumapit si Issa kay Nikolai at hinila ng bahagya. Nakatingin si Nikolai sa'kin.
"Ako na ang magdadala nyan, aakyat na rin naman ako sa kwarto." Agad nyang kinuha ang iilang shopping bags at tumulong din sila Ela, Issa at Mona sa pagdadala.
"I need to talk to you, Isla." Malamig na pagkakasabi ni Austine. Ibinaling ko ang tingin kay Nikolai at tumango rito. Mabuti ng pumasok na sya sa loob kesa marinig ang usapan naming dalawa.
"Niks, hindi mo alam kung anong adventure ang nangyare ngayong araw!" Sigaw ni Ela habang papalayo sila sa'min.
"Anong nangyare?" Mahinahong tanong ni Nikolai.
"Muntik ng malaglag sa rowboat si Ada! Jusko, hindi ko kayang palitan ang batang 'yon." Napahawak si Issa sa ulo na para bang na fa frustrate.
"Ok lang 'yon, gawa na lang kayo bago! HAHAHAHA!" Halakhak ni Mona.
Pinagmasdan namin sila habang papalayo. Ibinalik ko ang tingin kay Austine. Matalim at galit ang titig kong iyon sa kanya. Sa ginawa nya? Gusto ko syang ipatumba.
Sumenyas sya bago tumalikod at naglakad. Gusto nya pang sundan ko sya? Hindi talaga ako mapanakit pero gusto ko syang saktan.
Ikinuyom ko ang kamao, gusto ng dumapo nito sa mukha nya. Bakit ganyan ang itsura nya? Parang akala mk walang nagawang mali.
"Isla, sasama ako sa inyo-"
"Magie wag na!" Pag pigil ni Isaac. Hinawakan nya si Magie sa bandang pulsuhan para mahinto ito sa paglapit sa'kin. "A-ano...mag liwaliw muna tayo dito sa Costa Recio." Naiilang na pagkakasabi nito.
"Tama si Isaac, hindi na kayo kailangan sa usapin namin ni Austine." Pag singit ko.
"Wala akong tiwala sa batang 'yon!" Sigaw ni Magie at naiinis na tinuro turo si Austine na papalayo na sa amin.
"Tiyak naman sa akin may tiwala ka." Ngumiti ako kay Isaac at iniwan na silang dalawa. Maganda na rin naman 'yon, ilayo nya muna si Magie sa akin at parang nag seselos na si Nikolai sa kanya.
Napapangiti ako sa inasal nya kanina. Nagseselos si Nikolai...sign naba iyon na malapit na syang maka alala?
Hindi ko na hahayaan na magselos ulit sya dahil lang kay Magie. Mas maganda si Nikolai dun.
May biglang sumaging tanong sa isip ko na 'endorser kaya si Magie' ano naman ngayon?
Bumagal ang ang lakad ni Austine. Huminto sya at hinarap ako, medyo malayo na rin ang nalakad namin at halos hindi ko na matanaw si Isaac at Magie.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...