Nikolai's POV
Dahan dahan kong binukas ang aking mata, ramdam ko ang pag sikip ng hawak ni Isla sa Kamay ko, sa mabango pa lang na amoy nito'y alam ko na sya nga iyon.
"Mahal..." Bulong nito. Inilapit nya ang mukha sa'kin. Kita ko ang pag aalala sa mukha nya...i touched his face.
"Nag aalala ka sa'kin? Ang masamang damo, matagal mamatay." Natatawang pagkakasabi ko. Agad namang napalitan ng ngiti ang kaninang nag aalalang mukha nito. Dahan dahan nyang hinawakan ang kamay ko na nasa mukha nya.
Umiling ito sa'kin, "Ang sabi nila, kulang ka lang daw sa pahinga. Ano ano ba ang iniisip mo? Ginagawa mo? You look tired, mahal..." He kissed my hand. Mapakla ko itong nginitian, I am not sure kung saan nga ba ako napapagod.
"Niks! Mabuti naman at nagising kapa!" Tumatawa si Mona habang papalapit sa'kin, malas mo at hindi na masakit ang ulo ko! Binato ko sya nang unan at tinamaan sya non.
"Bullseye!" Sigaw ko sabay taas ng dalawang kamay sa ere. "Magaling talaga ako sa larangan ng Basketball." Halakhak ko. Tinawanan lang ako ni Isla, siguro naalala nya nung p.e time namin...
Dare daretso namang naglakad si Ela papunta sa direksyon namin habang may kausap sa phone nya. "Yes... As soon as possible!" Pa irap syang humarap sa'min. "Hell week is real!"
"Sinabi mo pa, malapit na mag end ang School Year..." Mataman kong sinulyapan si Isla habang patuloy na nilalaro nito ang daliri ko.
"At hindi ako papayag na hindi magiging Overall top 1 sa Campus!" Sigaw ni Issa, as usual! May dala na naman syang libro. Iba rin talagaang fighting spirit nito.
"Hindi kaba nababaliw sa mga pinagbabasa mo?" I asked.
"Uhmm..." Tumingin sya sa itaas na parang nag-iisip. "Medyo?" Pinag dikit nya ang dalawang daliri para maipakita kung gaano ka liit ang pagka baliw nya.
"Books? Boring. Sama kita minsan sa night outs ko,game?" Excited ang mukha ni Mona habang naka thumbs up pa.
Inirapan ni Issa si Mona na mukhang bihasa na sa mga party party. Pupusta pa ako, hindi talaga papayag si Issa na sumama lalo na pag wala kami ni Ella.
"Susukahan mo lang ako doon." Pang aasar ni Issa.
"Isla, kailangan na pala naming umuwi sa Manila. We think that she needs to go back to her Mansion, nandun ang mga meds nya so..." Inikot ikot ni Ela ang phone nya habang nakapamewang naman ang isang kamay.
Umupo na ako at hinarap si Isla. "Okay naman na ako, wag ka nang mag alala." I smiled. I am not weak, diba? "Hindi ako pinalaki nang sexbombs kaya laban laban lang." Then they laugh.
Bago kami umalis, nag general cleaning sila at hindi na ako pinatulong. Tumayo lang ako nang aalis na kami sa Hotel nila Ela. Si Isla napaka kulit, kanina pa nya ako pinipilit na ihatid ako pauwi.
"You don't have to...tatlo na ang alalay ko, wag ka nang dumagdag." I answered. Naka simangot parin ito at nagmamakaawa ang itsura...lalaki nga naman.
"Ha?! Anong alalay?" Boses ni Issa habang busy sa pag kuha nang picture ni Ela.
"Sa ganda kong 'to? Alalay?" Talagang huminto pa si Ela sa pag pose at humawak na naman ito sa bewang nya habang tinuturo turo ang sarili.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Mizah[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...