Nikolai's POV
"Ang ganda ni Celestia!"
"Oo nga! Bakit kaya hindi sumali ang Sassy Girls?"
"Tanong ko rin 'yan, dapat sumali silang apat."
Iilan lang 'yan sa mga naririnig ko ngayon, coronation night na at 5pm na pero may mga pakulo pa silang ginagawa. Ubos na rin ang boses ko kaka cheer sa kanya.
"Tubig?" Inabot ni Isla ang mineral bottle kaya't tinanggap ko 'yon, "pasensya na, hindi malamig. Baka kasi masira ang boses mo."
"Okay lang." Tumabi ito sa'kin, umupo sya sa bakanteng upuang katabi ko. Buti na lang maganda ang pwesto at kitang kita namin ng maayos si Ela.
"GO CELESTIA AMARINE PORTUGAL!!" Malakas na sigaw nila nang lumabas na ang mga candidates. Maayos silang nakapila at nag gagandahan ang ngiti nila.
Nagawi sa'min ang tingin nya kaya sumigaw ako, "GO POKPOK!" Nakita ko ang mahinang pagtawa nya sa stage pero kung wala sya stage ngayon, baka nag ka giyera na naman dahil sa maikli lang ang pasensya nya.
"Bakit hindi mo naisipang sumali dyan?" Tanong ni Isla, "Si Issa o kaya si Mona?"
"Gusto ni Ela 'yan, hindi namin sya aagawan ng passion sa buhay besides may kanya kanya kaming gusto, support support lang."
"Our Miss Intrams this 2019-2020 goes to...Let's Welcome our new Queen, Miss Celestia Amarine Portugal!" Masayang pag announce ng dalawang MC sa harap.
Naging mabilis naman ang hiyaw at pagkakagulo nang mga estudyante nang marinig ang pangalan ni Ela, para bang 'yon talaga ang hinihintay nila simula pa nung una.
Itinaas ko ang banner na may naka lagay na Congrats Pokers! Kasi sure naman ako na sya talaga ang mananalo.
"Hindi nanalo si Magie." Bulong ni Isla, kita ko pa ang pag kaway nito kay Magie na nasa stage. Hindi ko sya napansin, sumali pala sya?
"May nakuha naman sya,ah. Best in Casual Wear." Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi 'to, dapat ay babarahin ko sya o kaya naman sasabihin kong 'bakit? Maganda ba sya?' pero hindi...baka kasi ayokong makita si Isla na ganyan.
Mukhang mas malungkot pa sya kay Magie. Napapagaan naman ni Isla ang nararamdaman ko kaya gusto ko rin namang suklian 'yon.
Kahit pa si Magie ang pinag-uusapan namin...
"Tara, puntahan na natin si Ela." Hinila ko na si Isla, the more na nakikita nya si Magie na nakangiti pero malungkot naman deep inside, the more na nalulungkot din sya para rito. Ayokong mangyare 'yon!
"Akala ko Seniors Mananalo, first time natin magkaroon ng Queen na galing pang Freshmen." Rinig ko, si Ela ang tinutukoy nilang Freshmen. Kasalanan pa ba ni Ela na mas magaling sya sa lahat ng kandidata dyan?
"Sino ba panlaban ng Seniors?"
"Magie Natividad."
"Ah, 3rd place lang sila..." Humina ang usapan nila nang mapadaan kami sa harap nilang tatlo, binigyan ko sila nang nakakatakot na tingin para manahimik.
As usual, hindi naman sila aawayin ni Isla at magmumukmok na lang 'to sa tabi habang iniisip ang babaeng 'yon! Bwiset na Magie 'yan, wala na talagang dulot na maganda.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...