Kabanata 40Letter

62 2 0
                                    

Nikolai's POV


Idinukdukdok ko ang ulo sa study table. Itinupi ko ang papel at ipinasok 'yon sa bulsa, Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para ma alis ang mukha ni Isla sa tuwing pipikit ako. Nababaliw na nga siguro ako...

Nakuha na nya ang lahat, He's the new President and even Overall top 1 student. Ano pa ba? Ayokong maniwala na baka ginamit nya lang ako para makuha talaga ang gusto nya.

Keep your friends close and enemy's closer, Isla? Ganon ba 'yon! Sinabunutan ko ang sariling buhok at bumaba sa pagkaka upo. I can't believe this...

Nagamit na naman ako... Lahat na lang ba na lalapit sa'kin ay walang ibang gagawin kundi ang gamitin lang ako? BAKIT?!

Hindi ba ako worth it mahalin? May kulang ba sa'kin? Ano ba yung wala, ibibigay ko. Napapagod na akong kumilala at magpapasok sa buhay ko pero sa huli...iiwan din naman ako.

Nakakapagod....

Dahan dahan akong tumayo, sumasakit na naman ang ulo. I don't know kung Anxiety, Depression pa ba 'to...o baka naman hindi na talaga ako tatagal pa sa mundo...

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin habang tuloy tuloy na dumadaloy ang luha ko pababa sa pisnge. Mabuti na lang...hindi ko sinabi sa kanya.

Mabuti na lang at hindi ako umamin sa kanya... Kinuha ko ang gamot sa ilalim ng kama ko. Palagi ko 'tong tinatago rito para walang makakita.

Isa ito sa binigay na medicine para ma blocked and nagbabadyang cancer sa utak ko... Yes, i have brain tumour.

Wala akong pinagsabihan...people know that i take Benzodiazepines for my Anxiety etc. Pero hindi nila alam, may mas mabigat pang dahilan kung bakit madalas na sumasakit ang ulo ko.

I stop taking this medicine, bakit pa kailangan i cure 'to? Mamamatay lang din naman ako...bakit papatagalin pa.

Malaki na rin naman ang pasasalamat ko sa magulang ko. Nanghingi sila nang tawad about sa pagiging mahigpit nila pag nag ho homeschool ako before. Naiintindihan na nila na hindi makakatulong sa'kin ang pagiging mahigpit nila.

Itinapon ko ang medicine sa basurahan at kumuha nang gunting sa c.r

Bago pa malagas ang buhok ko, ako na ang gagawa. Ayoko namang sila ang unang makakita na kalbo na ako...ayoko non!

Simula pa noong natapos na ang taon, wala na akong connection kay Isla. Talaga bang kinalimutan na nya ako? Hindi na ba nya ako kailangan?

Kailanganin nya ako para kahit naman papaano'y magkita pa kami! Kahit papano'y makasama ko sya...kahit saglit lang.

Huminga ako nang malalim bago sinimulang gupitin ang buhok ko. Bawat pag gupit ay mas lalong bumabagsak ang luha ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi matigil ang mata ko. Dahil ba hindi na ako President? Hindi na ako Overall Top 1? Dahil nagamit na naman ako? Baka dahil hindi na ako babalikan pa ni Isla...

Lahat ng social media accounts na ginamit nya para ma reach out ako before...wala na. Kahit ang phone number nya...wala na. Talagang kinalimutan na nya ako.

Ang dating nagpaparamdam sa'kin na mayroon akong kapayapaan...ang sya ring dahilan kung bakit ganito ang utak ko na puno nang kaguluhan.

‪I thought it was peace I found in you, but it was actually just the calm before the raging storm.

You are Disaster in disguise, Isla... I can't believe na naniwala ako sa lahat ng pinakita mo.

Pero hindi ako naniniwala... Mahal ako ni Isla at may rason sya kung bakit nya ginawa 'yon.

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon