Kabanata 23 Pills

80 3 0
                                    

Nikolai's POV

He's the only man that's made my heart full...




"Baby, matulog na tayo."

Inismidan ko lang sya, itinuon ko ang pansin sa mga damit na tinutupi ko at maayos na isinalansan sa maleta na dadalhin ko bukas. I need props, hindi nila ako papaniwalaan na nag sleepover ako kung wala akong maleta na dala.

"Stop calling me baby." Bulong ko. Sya na rin mismo ang nag ayos ng kama ko, bumili din siya nang bedsheet at mabalahibong mga unan which is my favorite. Hindi ako nakakatulog ng walang ganon sa tabi ko.

Sinarado ko na ang zipper ng maleta at tinignan sya. Nagkatitigan pa kami pero sa huli, sya rin ang nag iwas ng tingin. "M-matulog na tayo." Nahihiyang pagkakasabi nya.

Tinuro ko ang damit nya. "Matutulog kang hindi man lang nagpapalit ng damit? Pawis ka kaya kanina, masama sa katawan ang matuyuan ng pawis. Magpalit ka." Utos ko.

Hindi man lang sya gumalaw sa halip, humilata na ito sa sofa na gawa sa kahoy. Halatang halata sa kanya ang pagod pero mukha parin syang fresh...nasampal ko ang sarili ko. Ano ba 'tong sinasabi ko? Bakit bigla ko na lang syang pinupuri ngayon.

Kanina, pauwi na kami. Pinipilit nyang sya na lang ang bahala sa pagdadala nang mga binili ko, ayoko naman magkaroon ng utang na loob pero ayoko din naman magbuhat ng mabigat.

He's responsible, totoo nga ang sinasabi ni Ligaya at Malaya. Hindi nya rin kinakalimutan na itanong kung okay naba ang likod ko, kung hindi naba nangangati. Panay tanong din sya kung okay lang ba ako sa lugar nila.

Yes, i deserve everything in this world pero pag iniisip ko na pinagsisilbihan ako ni Isla gamit ang sarili nitong pera...nakakaramdam ako nang hiya.Sya lang ang lalaking pinaparamdam na kahit nasa akin na ang lahat nangangailangan parin ako nang tao na talagang nandyan para sa'kin kahit bayaran ko pa ito o hindi.

Sya lang....

He makes me weak!

Hindi ko maiwasang maglandas ang mga luha ko, hindi naman talaga ako ganito. Hindi ako ang Nikolai Jade Salcedo na matalim ang dila, hindi ako mapangmata na tao, hindi ako bratinella, hindi ako 'to!

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang sarili kong damit, pinipigilan ko na makapag pakawala nang hikbi pero hindi ko magawa.

"Alam kong mabait ka naman talagang tao, wala naman kasing ipinanganak na ganyan. Bakit hindi mo ipakita kung sino talaga si Nikolai Jade Salcedo?" Akala ko ay nakatulog na ito pero hindi pala.

"Shut up!" Sigaw ko.

"Who made you like that?" He asked.

"I said, shut up!" Nag crack ang boses ko dahil na rin siguro sa walang sawang paglabas ng luha ko. I hate this part of my life, nakikita nila akong umiiyak. I'm not weak!

Tumayo ako at tinalikuran ko sya, "The kindest one always turns out to be the worst." humihikbing pagkakasabi ko. Hindi naman lahat ng mabubuti ay mabuti talaga, minsan sila pa ang mas malala.

Naramdaman ko ang pagbangon nito dahan dahang lumalapit sa'kin. naramdaman ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko, Mula sa likod ay nagsalita ito. "How did you know? Kilala mo ba silang lahat? Diba,hindi naman."

"Bakit?" Galit akong humarap sa kanya. "Kilala mo din ba silang lahat? Diba, hindi naman." Ngayon, magkaharap ba kami. Hindi siya sumagot, sa halip ay pinunasan nya ang luha ko sa pisnge. Mas lalo tuloy nagwala ang mga ito at nagsimula na naman silang tumulo.

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon