Kabanata 50 Peace

132 4 0
                                    

Isla's POV

"Ano, Mona! Nasaan naba tayo?!" Malakas na sigaw ni Nikolai. Magdidilim na, akala ko naman ay babalik na kami sa hotel pagkatapos kanina.

"Wag ka ng matanong! Kanina nga nag lalaplapan kayo, nagtanong ba kami?" Sagot nito mula sa malayo.

"Tangina mo!" Sigaw ni Nikolai. Agad namang napuno ng tawanan ang paglalakad namin.

Nakaramdam ako ng hiya, hindi ko ginagawa sa public ang bagay na 'yon...sa private lang at sa kanya lang!

May biglang sumagi sa isip ko na 'private para higa agad' shit! I hate this mind na, sobra.

Nagpa alam saglit si Gabbi, may aasikasuhin lang sa resort. Since mag gagabi na rin, nag insist sya na isama na si Ada pabalik doon.

Huminto sa paglalakad si Ela kaya't huminto din kami,"Sasakay tayo dyan?! What the freak?" Sigaw nito.

Lumapit sya sa isang motor at umupo doon."Ok naman ah? Wag ka ng mag inarte, hindi ka magugustuhan ng crush mo kung gaganyan ganyan ka." Natatawang pagkakasabi ni Issa.

May mga motor kasi na nakahilera dito, sa pagkaka alam ko'y magrerenta ka para magamit mo 'to. Pinagmasdan ko si Austine habang binubuhay ang engine.

Ngumiti ito sa direksyon namin, "Nikolai! Angkas na kita, nakapag motor narin naman tayo dati-"

"Dati 'yon, kaya ko rin syang i angkas dyan." Marahan kong hinila ang kamay nito at dumaretso kami sa isang motor.

"Pag ako nalaglag dito Mona, patay ang lahi mo sa akin." Pagbabanta ni Ela.

"Shhhut up Ela, minamaliit mo ba ako? Gusto mo lumipad pa tayo sa bangin eh"

"NOOOOO!!!!" Parang bata itong nag lumpasay sa upuan ng motor. Agad syang binatukan ni Mona, muntik na siyang malaglag sa upuan.

Sinubukan kong wag matawa.

"Austine, sa'yo na lang ako sasakay." Bumaba si Issa at lumipat sa likod ni Austine.

"Picture muna! Manong! Manong! Can you take a picture of us? Please?" Tumango ang matanda sabay abot ni Ela ng camera. Matapos noon ay nagbayad na rin kami para sa renta.

Humagalpak sa tawa si Mona,"Si Issa, sasakay daw kay Austine?! HAHAHAHA" hindi na nakasagot pa si Issa dahil mabilis nyang pinaharurot ang motor pa alis.

"Kumapit ka mahal, medyo malubak dito." Pagpapa alala ko habang sinusuot ang helmet. Hindi ito nagsalita, sa halip ay yumakap ito mula sa likod ko.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Mona, kahit malayo ay rinig ko ang malakas na sigaw ni Ela. One to sawang mura ang nauulinigan ko.

"Hoy Mona! Wag mong patayin si Ela! Ahahaha" sigaw ni Issa.

"Magdahan dahan ka!" Sigaw ni Nikolai mula sa likod. Mas humigpit ang yakap nya ng mas bilisan ko ang takbo, wala naman kasing balak na mag hinay hinay si Mona.

"Nandito na ba?" Tanong ko habang pinapark ang motor. Huminto kami sa isang sikat na bar dito sa...

"NASA LA REBELDÍA TAYOOO?!" Sigaw ni Issa.

"OA mo? Hindi naman tayo mamatay dito, malayo pa ang phase #5 sa atin!" Hininto ni Mona ang motor pero hindi parin sya tumatayo pa alis sa motor.

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon