Kabanata 24 Kiss

75 3 0
                                    

Nikolai's POV

Love is not always the answer




"TALAGA BA?! EH ANONG NANGYARE? MAGKWENTO KA!" Halos mapatid na yata ang ugat ni Issa sa sobrang lakas ng sigaw nya.

Hindi ko naman na talaga balak mag kwento sa kanila kasi wala naman akong dapat ikwento. Napaka mapilit nila, hindi din naman nakatulog ng maayos dahil sa mga iniisip ko.

"So ayon nga, bakit ba kasi gusto nyong malaman? Wala namang special na nangyare nung araw na 'yon." Bored na pagkakasabi ko.

"Kahit na! Magkwento ka kundi isusumbong ka namin kay Tita at Tito na hindi ka naman talaga nag sleepover dito." Binato ko nga nang unan si Ela, nananakot pa talaga sya, pwes. Effective!

"Hindi ako nakatulog kasi nga hindi ako nakabili nang sleeping pills! Hay, madaling araw na nagpa sama pa ako sa kanya. Ang hirap gisingin ng Probinsyanong 'yon!"

"Ah, talaga? Baka napagod." Nang aasar akong tinignan ni Mona sabay tusok sa tagiliran ko. Sabay sabay pa nila akong kinakantyawan, hindi ko alam kung paano sila patatahimiking tatlo.

Ang iingay.

"Maganda pala sa Campoverde. Gustong gusto kong magbakasyon doon, kasama na sana kayo." Kalmadong pagkakasabi ko. Natigil sila kaya umayos na ulit ng upo.

"Nakapunta na ako dun, doon ko nakilala si Isla, nagtanong sya sa'kin kung may i o-offer akong work sa kanya sabi ko, wala. Hindi naman talaga ang kumuha sa kanya, mga magulang ko." Nagsusuklay si Ela habang nagsasalita, hindi man lang nya ibaling ang tingin sa amin.

"So it means, nakapunta kana nang Campoverde? Bakit? Ano ginawa nyo dun?" Tanong ni Issa.

"Gustong bumili ni Dad ng lupa doon, nakita mo naman diba kung gaano kalaki ang mga lote, hekta hektarya." Amaze na pagkakasabi nito. "Sobrang fresh ng lugar, grabe.  Iniisip ko na bumili na lang din ng lupa sa Campoverde at doon na lang tumira."

"Weh? Totoo?! Sayang naman, sana sinama mo ako dun Niks!" Pagmamaktol ni Issa.

"Paano ka isasama,eh. Halos mas gusto mo pa yatang magkapalit kayo nang mukha nang modules mo kesa makalanghap ng sariwang hangin sa Campoverde." Pagsusungit ko dito.

"Nandun ka pala, bakit hindi tayo nagkita? Si Augustine lang ang nakasalubong ko doon." Tanong naman ni Mona.

"Yun din ang sabi ni Augustine,nakita ka daw nya. Ano ba ginawa mo sa Campoverde?"

"Umattend kami ni Nicodemus sa Villa Monteverde. Ipinakilala ni Mr. And Mrs. Monteverde ang mga anak nito mga ganon,eh wala naman akong interest sa ganon. Si Nicodemus lang ang dahilan kaya ako nandun, alam mo naman." Tumawa nang malakas si Mona kaya binatukan sya ni Ela.

"Maging friendly ka sa mga Monteverde! Magagamit mo din sila, madami ding properties 'yon kagaya nang mga Montealegre."

"Anong sabi mo?" Tanong ko. Gusto ko lang sanang marinig at klaruhin kung tama ba ang magkakarinig ko. Montealegre? Surname ni Isla Eleazer Montealegre?

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon