Kabanata 36 Falls

60 2 0
                                    

Isla's POV


Kahit gustuhin kong mag stay pa para kay Niks, hindi na pwede. Tumawag si Magie sa akin at hinihintay nya daw ako sa Mansion namin dito sa Campoverde. May ibabalita daw si Dad, nararamdaman kong hindi maganda.

Natatanaw ko na ang Mansion, halos lahat ng ilaw sa labas ay bukas din. Mukhang hindi parin tapos ang pakiki fiesta nila. Mabilis kong hinugot ang phone sa bulsa ko.

Ela's Calling...

"Ela? Kamusta naman si Nikolai?" Bungad ko sa kanya. Narinig ko pang napabuntong hininga ito mula sa kabilang linya.

[Hanggang kailan kaba magpapanggap na mahirap,Isla? Nakokonsensya na ako kasi niloloko natin si Nikolai. Gustong gusto nang umamin ni Issa, pinipigilan lang ni Mona.] Ramdam ko si Ela. Hindi ko rin naman gustong lokohin si Nikolai, wala sa plano ko 'yon.

Talagang nakilala nya lang ako sa ganitong pagkakataon. Kailangan ko lang talagang patunayan muna ang sarili ko at pagtapos nito'y aamin na ako sa kanya.

"Salamat Ela, sa pag tanggap sa'kin. Sa pagbigay ng trabaho. Hayaan mo at ako na mismo ang aamin sa kanya."

[Siguraduhin mo lang,ha! Kahit pa ikaw ang isa sa mayaman dito sa buong mundo sasapakin kita!] Boses naman ni Mona 'yon, tinawanan ko lang sya. Aamin ako kay Nikolai, sa lalong madaling panahon.

Nung unang nakita ko sya...alam kong sya nya. Hindi ko na sya ma alis sa isip ko. Kahit na puro katarayan at pang mamaliit lang ang lumalabas sa bibig nya tungkol sa'kin...hindi ko magawang magalit.

Kailangan ko munang patunayan ang sarili ko sa magulang ko para maipakilala na rin nila ako sa buong mundo, na isa rin akong anak ng powerful Business Man na si Mr. Montealegre.

"Isla!" Tawag ni Eleanora.

"Tatawag ako mamaya." Bulong ko. Hindi ko na hinintay na sumagot ang kabilang linya. Hinarap ko si Eleanora na naka suot ng green fitted gown.

"Ano 'yan?" Tanong ko.

"Gown, duh!" Maarteng sagot nito. Umikot ito para ipakita ang suot nya. "Ganda diba?"

"Kita cleavage mo? Maganda ba-"

"Ano ba! Tumatanda kana talaga. Ganito na ang in ngayon kuya!" Sabay hampas ni Eleanora sa braso ko.

"Omg, Eleanora. Ang hot naman ng kuya mo..." Iniwas ko ang tingin sa kanya nang mag lip bite ito sa'kin.

"Ano ba kayo Girls! 5 years older sa'tin 'yan." Natatawa si Eleanora na para bang inaasar pa ako. Ano naman ngayon kung matanda na? Si Nikolai nga ka edad lang nila.

"Mas matanda Mas magaling!" Sigaw ng isa dahilan para magsigawan na din sila. Tinaasan ko nang kilay si Eleanora.

"Uncomfortable na si Kuya! Ayaw nya kasi ng ganitong topic." Bulong nito. Kabisado na ako ni Eleanora. Tingin ko pa lang alam na nya.

"Ah,ganon? Oh sige." Lumapit ang isang babae na medyo red ang kulay ng buhok. "Kuya Isla, pumapatol kaba sa bata?" Tanong nito.

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon