Nikolai's POV
"Source! Campaign na mamaya." Sigaw ni Tabby. Hindi ko sya pinansin at dare daretso sa upuan ko. Hindi ako kinakabahan, sino ba 'yang makapal ang mukha na kalalabanin ako? Hindi nya ako kaya.
"Source!" Hingal na lumalapit si Cosella. Agad akong tumayo at hinarap sya. "Tapos na lahat ng kailangan mo sa Campaign, kasama ko si Augustine." Ibinaling ko ang tingin sa pintuan, i smile back to Augustine.
"Thank you Cosella, you're second to the best because you know who's number one." Kumindat ako sa kanya bago lumapit kay Augustine. Narinig ko pa ang mahinang pag tawa ni Cosella.
"Thank you, Source!" Sigaw nito. Hindi ko na sya nilingon at tuluyan ng lumabas ng pinto.
"Kinakabahan ka ba?" Bungad ni Augustine, gusto kong matawa sa sinabi nya. As if? Hindi kaya.
"Halata ba?"
"Hindi."
"Kasi hindi naman talaga ako kinakabahan, just so you know sure na akong magiging President ulit." Pagyayabang ko. Well, i should be proud about that.
Dapat nga'y mag early celebration na ako, right? For sure, ako parin naman ang President next year. May magtatangka pa bang makipag kumpetensya sa'kin? Syempre,wala.
"Sino ba ang portio pilato na nangangahas na kunin ang pwesto ko?" Nakasimangot ako habang patuloy sa paglalakad, papunta na kami sa room 102 for the meeting.
"Makikilala mo rin mamaya, basura lang 'yon. Wag kang mag-alala." Tumawa si Augustine at kahit papa ano'y napanatag ang loob ko. Wala naman talaga akong dapat ipag alala.
He hold my hand at itinaas sa ere 'yon. Napahinto ako sa paglalakad at hinarap sya. Sumilay sa labi nya ang matamis na ngiti kaya tinaasan ko sya nang isang kilay.
"Ginagawa mo?" I asked.
Ibinaling nya ang tingin sa daliri ko, mali. Ibinaling nya ang tingin sa singsing na ibinigay nya sa'kin, that was long time ago pero tanda ko pa kung bakit nya ibinigay sa'kin 'to.
I still remember kung paano nya ibinigay ang singsing na 'to...for me it's a sign na friends kami. Nothing more, nothing less.
"Nikolai! may ibibigay ako sayo." Tumatakbo si Augustine papuntq sa'kin. Maayos akong umupo at hinarap sya.
"Ano 'yan?" Tanong ko.
"Basta, akin na ang kamay mo." Sinunod ko ang sinabi nya. Agad naman akong natuwa nang dahan dahan nitong isuot ang singsing sa daliri ko.
Ang ganda... Ilang beses pa akong nag pose habang naka dikit sa pisnge ko ang daliri kung saan nandun ang singsing.
"Ang ganda naman nito, bakit mo ako binigyan?" Tuwang tuwa ako habang naka baling ang atensyon ko sa singsing.
"Gusto kong pakasalan ka pag dating ng araw! Pangako 'yan!" Malakas na sigaw nito kahit na kaharap lang naman nya ako. Tumawa ako sa kanya, hindi ko kasi alam kung saan nya nakuha ang salitang 'yon.
"I love you, Nikolai! I love you!" Tumatawa ito habang pinipisil pisil nya ang pisnge ko. Hinayaan ko na lamang sya sa ginagawa at mukhang nag e enjoy sya.
BINABASA MO ANG
Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓
Humor[ Sassy Girls Series #1 ] Highest rank achieved! #1 sassy Nikolai Jade Salcedo is one of the members of Sassy Girls in the University it contains 4 members. She has a power, money, smart, influence and ofcourse Sassiness.Everything went fine and go...