Kabanata 22 Utang

65 3 0
                                    

Nikolai's POV

Money is just a paper, it has no real value but you does...




Para akong tanga, halos bumagsak ang panga ko sa nakikita ko. Malayo sa iniisip ko ang Campoverde, hindi lang pala basta bastang Probinsya ito.

Masyado kong hinusgahan ang lugar, sa bungad kung saan kami ibinaba nang Bus, puro kubo, palay, puno pero kapag nakapasok kana sa loob pa nang Campoverde hindi mo maiisip na nasa Probinsya ka parin.

May iilang Resorts, Hotels pa akong nakita, may Villa Monteverde din na bukas pa, may event something na nagaganap. Nagpatuloy ako sa paglalakad, may mga huni nang ibon akong narinig kaya itinaas ko ang aking mata.

May mga tree house sa itaas, hindi lamang isa kundi marami. May nakasulat na Hotel treehouse lodge doon. Hotel? Sa itaas ng puno? Ah, alam ko na kung bakit.

Hindi kalayuan sa lugar, may hot spring din akong nakita malapit doon ang rainforest lodge naman na bukas rin. Sa makatuwid, nagliliwanag ang buong Campoverde, sobrang daming tao at may iilang dumadating pa.

Bakit ngayon ko lang na discover ang lugar na 'to? Sa susunod ay babalik ako upang mag bakasyon rito.

Hindi naman sa Ignorante at ngayon lang ako nakakita nang ganito, hindi ko lang talaga inexpect na ganito pala ka ganda sa Campoverde.

Nahinto ako sa paglalakad ng mapadpad ako sa puro stalls, maayos na nakahilera ang mga ito at kahit na gabi ay madami paring tao. May malaking kahoy doon kung saan naka sulat ang 'Welcome to Campoverde Rainforest Markets!' at sa wakas, nasa palengke na kami.

"Ano ba 'yan! Napaka bagal maglakad, nagmamadali ako." Sigaw ng babae sa likod ko. Hindi ako nakatabi agad kaya nabangga nya ako nang dala dala nyang bilao.

"Aray,ha. Ang sakit sakit, wala man lang sorry?" Sarcastic na tanong ko, aba! Hindi man lang ako pinansin at nagdare daretso sya sa paglalakad.

Napa irap ako sa kawalan. Kanina lang ay kasama ko si Isla sa likod ko tapos ngayon nawawala na sya. Hindi ako iyakin, kaya hindi ako iiyak dito sa palengke.

Nag lakad lakad at nagtingin tingin na lang ako nang mga paninda. Agad akong dumaretso sa mga nagtitinda nang mga Bentilador...Electricfan.

"How much is that?" Tanong ko. May iilang tao doon na napatingin sa'kin kaya naisip ko na hinaan ang boses ko o hindi kaya'y mag tagalog na lang.

"Magkano po ang bentilador niyo?" Tanong ko sa may mababang tono.

"Ah, lima ka libo."

"What?" Tumaas na naman ang tono nang boses ko kaya't pinagtitinginan na naman ako. Nagulat din ang matanda sa reaksyon ko kaya agad akong nag sorry dito. Hindi ko lang ma gets pero sana tama ang pagkakaintindi ko.

"5k?" I asked.

Napakamot ang matanda sa ulo nito at itinuon ang pansin sa notebook nya at may kung anong sinulat doon. "Mu palit kaba? Pag mu dili ka hawa kana diha." Hindi siya nakatingin sa'kin pero alam ko na ako ang kinakausap nya, sa tono pa nang boses nya ay ayaw nya akong kausap.

"I don't...understand." bulong ko.

May kung sino ang humawak ng kamay ko dahilan para maka alis ako sa stall ng matanda. Nakita kong nag-aalala ang mukha ni Isla at pinag papawisan din sya.

"Saan kaba pumunta? Alam mo bang nababaliw na ako kakahanap sayo? Nag-aalala ako sayo..." Nakatunganga ako sa kanya habang nagsasalita sya. "Baby..." Bulong nito.

Peace in the Wild (Sassy Girls Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon