Kabanata 2

12 1 0
                                    

Umupo ako sa aking higaan at tinignan ang magandang detalye ng chopstick na hawak ko na may nakaukit na "조선 왕조 1395"

"1395 pa ito? Oh my gosh!"

May papel na nahulog kasabay ng pagkuha ko sa chopstick kinuha ko ito at tinignan pero Hangul ang paraan ng pagkakasulat nito. Kinuha ko ang aking cellphone upang mag download ng Korean Text Scanner upang mabasa at malaman ko ang nakasulat sa papel una kong sinearch ang nakaukit sa chopstick at "조선 왕조 1395" o "Hyoeson Dynasty 1395"

Kinuha ko ang lumang papel at iiscan ko na sana ito ng may tumawag sa aking cellphone kaya ibinalik ko sa lamesa ang papel.

"Hello Nics bakit? Gabi na ah" sagot ko sa tawag

"Andito ako sa labas ng bahay mo huhu I need you sis!" Sabay hikbi nito.

"Broken ka na naman!? Oh ibaba ko na ito para mapuntahan na kita" ibinaba ko ang tawag at dare daretso akong bumaba upang pag buksan si Nics ng pinto.

"Ang dami mo namang dalang alak!" Reklamo ko ng isang case ng alak ang dala nito papaakyat sa aking kuwarto.

"Kailangan ko ito! Tulungan mo akong ubusin ito ah!"

Buong lakas niyang binuhat ang isang case ng alak na dala niya ako naman ay ang mga pagkain na dala niya. Pasalampak na umupo ito sa aking kama at nilapit ang mini table ko.

"PUNYETA! SIS! NALOKO AT INIWAN NA NAMAN AKO! WAHHH!" Ngawa ni Nics. "Punyetang lalaking iyon porket ayaw ko makipag kiss sakaniya binereak ako! Pota sis! May kasamang ibang babae agad sa bar! Napaka landi!" Sabay inom nito ng alak.

"Sabi na nga ba eh hindi ko talaga gusto ang lalaking iyon para saiyo. Unang kita ko palang don mukha ng babaero!" Sabay inom ko din sa alak pero kaonti lang hindi ako puwedeng malasing dahil walang mag aalaga kay Nics.

"S*x lang ang habol ng Gag* na yun! Putang!na niya!"

"Putang!na niya talaga! Kaya ikaw kahit anong mangyari! Sa lalaking karapat dapat mo lang ibibigay ang sarili mo okay? Kung mahal ka talaga maghihintay siya!"

"Oo tama! Cheers!" Idinikit ko ang aking baso sakaniyang bote at nag cheers kami.

"Wala ka bang kapatid na lalaki talaga sis? Alam mo pag babae ka maganda ka pag lalaki ka guwapo ka din baka naman may kapatid ka lalaki akin na lang!"

"Ang kulit mo solong anak nga lang ako at kung may lalaki akong kapatid hindi ko ibibigay sayo iyakin!"

"Ay grabe siya oh!"

Naka tatlong bote si Nics bago nakatulog sa kalasingan ako naman ay halos hindi ko naubos ang isang bote dahil mahina ang tolerance ko pag dating sa alak nilinis ko ang mga pinagkainan namin at hinayaan ko na lamang na makatulog sa aking higaan si Nics.

Bumalik ako sa pag iisip ng design sa mga damit na ginagawa ko ng maalala ko ang papel na kapit ko kanina kinuha ko ang papel at iniscan ang mga letra.

1395 년에 나를 다시 데려와 ang nakasulat sa papel at nung iniscan ko ito ay binasa ko ang mga salitang lumabas

"1395 nyeon-e naleul dasi delyeowa"
(Bring me back in 1395)

Nakaramdam ako ng hilo at napaupo sa aking upuan parang umiikot din ang aking paningin.

"Hindi naman marami ang nainom ko ah?" Tuluyan ng pumikit ang aking mata.

Inimulat ko ang aking mga mata ng makarinig ako ng takbo ng isang kabayo at nanlaki ang mata ko ng malapit na ito sa aking harapan.

"Tumabi ka!!" Sigaw ng lalaking nakasakay sa kabayo

Nakaupo ako sa lupa kaya paatras akong tumabi sa damuhan sinundan ko ng tingin ang lumagpas na kabayo at napatingin sa kapaligiran nasa isang gubat ako.

"Anong ginagawa ko dito!? Nanaginip ba ako?" Pero ganon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makaramdam ako ng sakit ng kagatin ako ng isang insekto. "Aray! Sheyts! Is this Fecking real!?" Tumayo ako at napatingin sa hawak ng kaliwang kamay ko "Chopstick!? Ikaw ba ang may gawa nito? Sheyts! May sumpa ka ba? Ibinalik mo ako sa taong 1395?" Pagkausap ko sa Chopstick na hawak ko.

Nagsimula akong maglakad lakad para akong nasa Korean Drama sa nakikita ko sa kapaligiran Maaring may sumpa ang Chopstick na hawak ko at ibinalik ako sa taong 1395?

Napunta ako sa maraming tao sa tingin ko ay ito ang kanilang pamilihan dahil ganito ang napanood ko sa mga korean drama. Nakitingin ako sa kanilang mga tinda.

"May gusto ka bang bilihin?" Tanong sa akin ng mamang nagtitinda.

"Wow! Nagtatagalog ka kuya? Kababayan! Grabe may Pilipino na pala sa Korea noong 1395!" Tuwang tuwang ani ko. Natulala naman ito sa akin at biglang sumigaw.

"Kalaban! Kalaban isang Espiya!" Sigaw nito!

"Hala hindi kuya hoy! Ano ba!" Napatigil ang marami sa pagbili at pagtinda at napatingin sa akin. Takbo ng kabayo ang narinig ko at bumaba ang dalawang sa tingin ko ay mga guwardiya ng bayan sa dalawang kabayo.

"Anong problema dito?" Tanong ng isang guwardiya kay Manong.

"Ang babaeng ito ay isang kalaban Isang Espiya na nais pabagsakin ang ating bayan! Gumagamit siya ng kakaibang salita!"

Hinawakan naman ako ng isang guwardiya sa braso.

"Totoo ba ang sinasabi niya? Sumagot ka!"

"Hala kuya bakit ka naman naninigaw!" Mali ata ang ginawa kong pag sagot dahil bigla ako nitong tinaliaan at hinila. "Saan mo ako dadalihin kuya!"

"Kailangan makulong ng babaeng ito at iharap sa hari maaring kalaban nga ang babaeng ito" ani nito sa guwardiyang kasama niyang humihila sa akin.

Naglakad kami hangang sa nakaramdam ako ng pagod sa isang parang maliit na palasyo na hindi kagandahan dahil isa pala itong presinto dahil pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay ikinulong kaagad ako.

"Mga kuya! Huwag niyo naman ako ikulong dito!"

Pero hindi ako pinansin ng mga ito at nakipag usap sa kanilang head na nakaupo sa isang lamesa.

"Bukas na bukas ay dadalihin natin siya sa palasyo upang masentensyahan"

"Lahat ng nahuhuling espiya sa ating bayan ay hindi na binubuhay pa"

"Marami ang natakot ng malaman na may episya kaya sa tingin ko ay hindi papalampasin ito ng ating hari ayaw niya na natatakot ang mga mamayan sa kaniyang pamumuno"

Napaupo na lamang ako at tumulo na ang mga luha sa aking mga mata.
Kinuha ko ang Chopstick na nailagay ko sa aking bulsa bago ako makarating sa pamilihan

Anong meron saiyo? Bakit mo ako dinala sa panahong ito?
Hangang dito na lamang ba ako? Mamatay na ba ako? Sana ay panaginip lang ang lahat ng ito.

Itutuloy...

A/N: Pag may mali paki correct nalang ah? Hihi

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙

LexAndrA_Togepi

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon