Alam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga.
Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...
Agad naming hinugot ang sari sarili naming espada upang lumaban sa mga kawal na patuloy sa pag pasok sa bahay ni Master Cha Nim Woo napatingin ako kay Hyung Suk ng dahang dahan nitong ipinasok at itinago sa kaniyang kasuotan ang talaarawan ni Master Chan Nim Woo.
Agad naming hinarap at kinalaban ang mga kawal.
"Argh!" Malakas na sigaw ni Jung Kye sabay namin itong nilingon ni Hyung Suk nanlaki ang mata ko ng tamaan ito ng isang pana.
"Kung susubukan niyo pang lumaban kayo na ang sunod na mapapana napapaligiran na namin ang buong lugar" ani ng isa sa mga kawal.
Agad na pumikit ang mata ni Jung Kye kaya mas lalo kaming natakot at walang nagawa kundi ang sumuko dahil pare pareho lang kaming masasaktan.
Agad kaming itinali at hinila ng mga kawal palabas sa Bahay na aming pinuntahan.
"Jung kye! Jung kye! Gumising ka!" Sigaw ni Hyung Suk kay Jung Kye pero nanatili parin itong nakapikit habang bitbit ng mga kawal.
"May lason ang pana na tumama sakaniya kaya kahit anong pang gigising mo sakaniya hindi siya magigising!" Sigaw ng kawal.
Nakaramdam ako ng guilty ng dahil sa akin mapapahamak ang mga kaibigan ko nag aalala rin ako sa iba sana ay hindi sila mahuli.
Habang hinihigit kami ng mga kawal ay nakatingin sa amin ang mga mamayan na napapabayaan ng Dyoeson malungkot na tumingin ang mga ito sa amin ang iba pa ay naiyak.
"Pakawalan niyo sila mabubuti silang tao!" Nagulat ako ng humarang sa harap namin ang isang matandang babae at nagmakaawa sa mga kawal.
Napaigik ito sa sakit ng hampasin ito ng isang kawal.
"Hindi sila mamayan ng ating bayan! Isa silang espiya! Paano mo nagagawang mag makaawa para sakanila! O isa ka din siguro sa mga espiya! Hulihin rin ang matandang ito!"
Nataranta naman ako ng hawakan ito ng isang kawal wala itong angal tila pagod na pagod na sa lahat.
"Sandali! Hindi namin siya kasama!" Sigaw ko sa pinuno ng mga kawal pero mabilis ako hinarap nito at hinampas ng kaniyang espada pero may takip na ito kaya parang kahoy ang tumama sa akin.
"Manahimik ka!"
Dumugo ang aking labi dahil sa hampas nito.
Patuloy kaming hinila ng mga kawal hangang makarating kami sa palasyo ng Dyoeson nag aabang na ang hari kaya mas lalo akong kinabahan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Andito na ang mga taksil na basta nalang pinasok ang ating emperyo mahal na hari"
Ngumisi ang hari at tumingin sa aming tatlo pero tumagal ang titig nito kay Hyung Suk at ngumiti.
"Prinsipe ng Hyoeson? Anong ginagawa mo sa aking kaharian? Ikaw ba ay isang espiya na pinadala ng iyong ama!?"
"Walang kinalaman ang Hyoeson dito!" Matapang na ani ni Hyung Suk at nakipag sukatan ng tingin sa hari.
"Matapang ka! Sana ay kasing tapang mo din ang iyong kapatid na susunod na hari. May balak pa ba siyang magpakita? O naduduwag na? Hahaha"
"Pagsisihan mo ang mga sinasabi mo tungkol sa aking kapatid!"
Mas ngumisi lang ang hari at sa akin nalipat ang tingin. Lumapit ito sa akin at inangat ang aking mukha upang mapatingin ako sakaniya pinunasan nito ang dugo na nangagaling sa aking mga labi agad naman ako nag pumiglas upang mapabitaw ito sa akin.
"Napaka ganda mo naman binibini tila nais kitang asawahin ako ba ang dahilan ng iyong pag punta dito sa Dyoeson?"
Lah kapal muks naman nito!
"Huwag kang feeling!" Sigaw ko dito bahala siyang hindi maintindihan ang (feeling) na sinabi ko.
"Mas lalo kitang nagugustuhan papakawalan ko ang mga kasama mo pag pumayag ka na magpa kasal sa akin at kakalimutan ko ang pangyayaring ito"
Gusto kong tumangi pero ng makita ko ang kalagayan ni Jung Kye at Hyung Suk ay nakonsensya ako.
"Sige pakawalan mo na sila ngayon"
"Kimchi! Hindi mo kailangang gawin ito!" Sigaw ni Hyung Suk
"Manahimik ka!" Sigaw ng hari kay Hyung Suk at hahampasin na sana ito ng kaniyang espada ng sumigaw ako.
"Paalisin mo sila ng walang sugat na iuuwi!"
Tinangal ang mga tali sa likod nila Hyung Suk at Jung Kye agad namang ibinagsak si Jung Kye ng matangal ang tali nito sa likod mabuti na lamang at nasalo kaagad ito ni Hyung Suk.
"Tumakas na kayo Hyung Suk! Ako na ang bahala sa aking sarili kailangang magamot kaagad ni Jung Kye"
Nagdadalawang isip pa ito at tila hindi umaalis sa kaniyang puwesto.
"Hyung Suk! Sige na pakiusap kailangang magamot ni Jung Kye!"
Agad naman itong tumayo at binuhat si Jung Kye sinundan ko sila ng tingin hangang sa nakalabas na sila ng palasyo.
Iligtas niyo ang inyong mga sarili...
Napatayo ako ng itayo ako ng hari hinawakan ako nito sa braso at hinigit papasok sa palasyo.
"Dito ka matutulog pansamantala at bukas naman ay ikakasal na tayo"
Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Bukas kaagad!?" Reklamo ko.
"Hindi na kita papakawalan" ngisi nito sabay sara ng pinto sa silid kung saan niya ako dinala.
Tumakbo naman ako papalapit sa pinto at sinubukan itong buksan pero naka kandado ito pinaghahampas ko ang pinto hangang sa nanghina ako at napaupo na lamang sa lapag.
Pinunsan ko ang mga luha na pumapatak sa aking mga mata bakit napaka malas ko?
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nagising na lamang ako ng may bumuhat sa akin.
"Han Ji?" Nanlaki ang mata ko sa gulat hindi makapaniwala sa aking nakikita tila nanaginip lang ata ako pero nasaktan ako ng kurutin ko ang aking sarili "Aray!" Reklamo ko sa ginawa kong kagagahan.
"May masakit ba saiyo?"
"Wala ano nga palang ginagawa mo dito? Baka mapahamak ka!"
"Ililigtas kita hindi ko hahayaan na maikasal ka sa hari ng Dyoeson" sabay tingin nito sa akin dahil buhat ako nito ay malapit ang mukha namin sa isa't isa na gustong gusto ko naman charr
"Bakit naman? Mayaman kaya ang mga hari puwede ko ng pagtiisan" pangbibiro ko dito "AHH!" napasigaw naman ako ng bigla ako nitong ibagsak sa kama.
"Bali pinapalabas mo na gusto mong makasal sa hari ng Dyoeson?"
"Hindi ko gusto! Sabi ko puwede ko ng pag tiisan"
Napasandal naman ako sa kama ng bigla nitong iharang ang kaniyang braso sa akin at inilapit ang kaniyang mukha
"Hindi ako makapapayag sa akin ka lamang maaring ma ikasal"
Lah! Enebe keneleg pwet ko...
Itutuloy...
(C) Love Story by Taylor Swift
------------------------------------------------------------- Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙