Alam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga.
Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...
"Ano bang pumasok sa isip mong babae ka! Bakit ka nagpaka lasing! Hindi ko tuloy maharot baby Hyun Jin ko pota ka!" Reklamo ni Nics habang nasa likod namin siya kasalukuyan kasi akong inaalalayan nila Jung Kye at Min Hyun.
"Aalish na sila! Hindi ko kayang makitah na aalis na siya na iiwan niya na ako!!"
Umalis sa aking kuwarto sila Min Yun at Jung Kye dahil pupunasan ni Nics ang katawan ko.
"Mahal mo? Edi huwag mo siyang paalisin"
Ngumisi ako at pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"Hindi kami puwede dahil panahon na mismo ang pumipigil sa pagmamahalan namin"
Hindi ko namalayan na nakatulog ako naalimpungatan lang ako ng may humalik sa aking noo.
"Mahal na mahal kita Kimchi. Masakit para sa akin na kailangan kitang iwan at kalimutan dahil andito ang kaligayahan mo"
Ikaw ang kaligayahan ko...
Namumuo na ang luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko.
"Kailangan na nating umalis Han Ji" rinig kong ani ni Jung Kye.
"Kung maari lamang akong maiwan dito gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako"
Wala kang kailangang gawin dahil mahal na kita.
"Kung ito man ang huling beses na magkikita tayo, Kung hangang dito nalang talaga tayo pangako ko sayo hangang sa huling hininga ko ikaw lang ang mamahalin ko. Magawa man kitang makalimutan sa isip ko hinding hindi ka naman mawawala dito sa puso ko. Sana ay hindi mo marinig lahat ng sinasabi ko dahil mas masasaktan ako lalo kung narinig mo ito pero hindi mo ako pinigilang umalis"
Muli itong humalik sa aking noo. Konting konti nalang ay lalabas na ang luha sa mga mata ko kahit nakapikit pa ako ng marinig ko ang pag sara ng aking pinto at ang mga hakbang nila sa hagdan. Bumuhos ang luha sa aking mga mata.
Alam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo. ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga.
Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't isa at hindi ito ang panahon para sa ating dalawa...
Umupo ako at niyakap ang aking mga hita at umiyak.
"Mahal mo? Edi huwag mo siyang paalisin"
Nagpaulit ulit sa utak ko ang sinabi sa akin ni Nics kanina kahit lasing ako ay naalala ko parin naman. Tumayo ako at tumakbo pababa ng hagdan. At patakbo rin akong pumunta sa likod ng bahay. Tinignan ko ang lagusan sa puno pero wala na.... wala na sila.... nawala na sa akin ang lalaking pinakamamahal ko.
"Bumukas ka! Papasukin mo akong muli!" Habang pinapalo palo ko ang puno wala ng tigil sa pagtulo ang aking mga luha "Mahal na Mahal ko siya! Bakit mo kami pinipigilan!"
Pumatak ang malakas na ulan tila dinadamayan ang aking nararamdaman wala na akong pakealam kung basang basa na ako dahil ang tanging nararamdaman ko lang ay ang sakit sa puso ang sakit na maiwan ka ng taong mahal mo.
Sino ba ang talaga mas nasasaktan? Ang iniwan o nangiwan?
"Aeshtrid!" Rinig kong sigaw ni Nics mabilis itong tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.
"Ang sakit sakit Nics! Gustong gusto ko siyang pigilan! Pero natatakot ako na baka tuluyan siyang maglaho pag hindi rin siya nakabalik sa kaniyang panahon"
Hindi nagsalita si Nics pero hindi niya ako iniwan.
Nakahiga lang ako sa kama ko ng padabog na bumukas ang pinto.
"Tumayo ka diyan Aeshtrid!" Sabay hila sa akin ni Nics
"Pagod ako Nics"
"Isang linggo ka ng ganiyan! Yung business mo nakakalimutan mo na! Hindi mo na naasikaso! Malapit ka ng mawalan ng mga stocks na damit! Ni hindi ka nga bumabangon diyan sa higaan na iyan! Kahit maligo hindi mo magawa! Ayusin mo naman ang sarili mo! 1 week is enough!"
Napatigil naman ako sa sinabi ni Nics inilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto ko ang kalat! Mga balat ng kinakain ko at mga damit na hindi na nalalabhan. Oo hindi ako nakakaligo pero nagpapalit ako ng damit.
"Ayusin mo na ang buhay mo Aeshtrid! Hindi puwedeng maging ganito ka nalang habang buhay!"
"Oo Nics sige ako na ang bahala dito. Pupunta ako sa shop ko bukas"
"Good! Sh*t nakakadiri dito! I need an alcohol!" Nadidiring ani ni Nics habang nag sspray ng alcohol hindi ko maiwasan ang matawa. "Oh mabuti naman at natawa ka na! Puking ina naka sampung rolyo ka ata ng tissue sa pagdadrama mo!"
"Hoy! Ikaw nga nakaisang truck na ng rolyo ng tissue dahil sa mga gago mong ex!" Reklamo ko habang nilalagay sa marumihan ang mga damit kong nakakalat sa lapag.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mas bet naming umiyak pag toilet tissue ang ginamit kasi bilog lol.
"Well kasalanan iyon ng mga gagong iyon pinakawalan nila ang pinakamaganda at pinaka sexy na katulad ko" sabay pose nito.
"Lah? Share mo lang?" Pang aasar ko dito
"POTA KA TALAGA!" Malakas na sigaw nito.
"Mura ka ng mura sasampalin ko na talaga iyang bibig mo Nics!" Sabay kuha ko naman ng malaking plastic at pinaglalagay ang mga basura na kalat ko mabuti nalang at hindi ni langgam at ipis yuck!
"Sasampalin ng ano? Tite!? Bet ko iyon pota! Hahahahaha"
"GAGO! HAHAHA"
"Alis na ako pota! Ang baboy ng kuwarto mo kadiri!" Mabilis na takbo nito ng muntik ko na siyang batuhin ng basura.
Sunod kong niligpit ang aking higaan pinalitan ng sapin at mga punda Sa aking pagaayos ay nakita ko ang chopstick ngumiti ako ng malungkot dahil muli ko na naman siyang naisip.
"Fuck!" Sabay punas ko ng mga luha sa aking mukha.
Naglakad ako patungo sa library at pumasok sa secret room at ibinalik ang chopstick sa drawer.
"Ayaw na kitang makita pang muli" mabilis kong nilock ang pinto ng secret room simula ngayon ay hindi na muna ako pupunta dito.
Itinuloy ko ang paglilinis naglaba narin ako ng damit. Hindi naman porket nagtatahi at gumagawa ako ng damit ay kailangan iba iba at hindi na ako maglalaba kaartehan na iyon.
Pinanood ko ang paikot ikot na mga damit sa loob ng washing machine.
"Oh anong kalokohan na naman iyan? Pati washing machine ay pinapanood mo na" silip sa akin ni Nics na nasa kusina at nagluluto.
"Pinapaikot ikot niya kasi yung mga damit parang yung ginawa sayo ng ex mo! Hahahha"
"Ay gago ka! Pota humanda ka lalasunin kita makita mo! Hahaha"
Agad naman akong tumakbo sa kusina at binantayan ang pagluluto ni Nics mahirap na baka malason ako at mabawasan pa ng maganda sa mundo.
Itutuloy...
(C) Set you free by MYMP
------------------------------------------------------------- Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙