Kabanata 23

4 0 0
                                    

Napahawak ako sa aking tiyan ng makaramdam ako ng sakit ng maalala kong nasaksak nga pala ako may benda na ito.

"Kimchi! Mabuti at gising ka na sobrang nagaalala kami saiyo"

"Hyung Suk!" Nag aalalang ani ko

"Huwag kang mag alala ng ginagamot ka ng doktor ay sinabihan ko na huwag hubarin ang iyong kasuotan sa ngayon ay ligtas pa ang lihim natin"

Nakaramdam naman ako ng ginhawa mahirap pag nalaman ng lahat na isa talaga akong babae lalo na't isa akong Hyoeson Dragon Warrior.

"Anong nangyari sa digmaan? Tapos na ba?"

"Marami sa ating panig ang sugatan pero mas marami ang sa mga tauhan ng Syoeson kaya napilitan silang umatras galos lang ang mga natamo namin hindi tulad ng saiyo mabuti na lamang at naandon si Eun Woo"

Bumukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin dito.

"Mabuti at ayos na ang lagay mo Kimchi nag aalala talaga ako"

"Maiwan ko muna kayo" Tumango lang ako kay Hyung Suk at hinarap si Eun Woo.

"Salamat sa pagligtas mo sa akin Eun Woo"

Nagulat ako ng hawakan ako nito sa kamay.

"Matagal kong pinag isipan ito talagang naguluhan ako dahil kakaiba ang aking nararamdaman"

"Ha?"

"Hindi ko nakikita na isa kang lalaki"

Kinabahan ako masyado na ba akong halata?

"Iniibig kita Kimchi"

Nagpaulit ulit sa aking tenga ang sinabi ni Eun Woo

"Alam kong mali kakaiba pero sa tuwing nakikita kita iba ang sayang nararamdaman ko. Ni hindi ko makayang tignan na may kausap kang iba at hindi ko kayang makitang nasasaktan ka"

Tinangal ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay at ako'y tumayo pero hinila ako nito at niyakap sa likuran.

"Nararamdaman kong may iba kang iniibig pero sana ay hayaan mo akong ibigin ka"

Ng matangal ang pagkakayakap nito ay tumakbo ako palabas kahit may kirot sa aking tiyan ay mas lamang ang gulong nilalaman ng aking utak.

Tumakbo ako ng tumakbo hangang sa may nadangi ako at muntik na akong tumaob kung hindi lamang ako nasalo nito.

"Kimchi! Bakit ka natakbo kamusta na ang iyong lagay?"

Pamilyar na boses, boses na ayaw ko ng marinig pa iniangat ko ang tingin ko kay Han Ji at tumayo ng diretso.

"Ayos lang ako" malamig na ani ko sabay lakad palayo.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan wala namang kami kaya bakit ako nasasaktan sa nakita ko kahapon

Naglakad lang ako ng naglakad hangang sa umupo ako malapit sa ilog. Napatungo na lamang ako sa aking hita at pumatak ang luha sa aking mga mata.

"Alam mo nakakaginhawa sa pakiramdam pag may sinasabihan ka ng iyong problema"

Inangat ko ang aking ulo at tumingin kay Hyung Suk.

"Alam mo wala sa plano ko ang mag mahal sa panahong ito kaso hindi ko mapigilan ang nais ko lang naman ay makabalik sa panahon ko."

"Anong dahilan ng iyong pagluha?"

"Kaya ako nasaksak kahapon kasi nawala ako sa konsentrasyon ng makita ko si Han Ji na pinoprotektahan si Seo Yin"

Natawa ito kaya tinignan ko ito ng masama.

"Hindi kita tinatawanan dahil natutuwa ako na nasasaktan ka may dahilan kasi kung bakit ganon siya protektahan ni Han Ji"

"Dahil Prinsesa siya? Alam ko iyon pero iba kasi talaga eh"

"Hayst! Huwag kang mag isip ng kung ano ano dahil kahit ako ay pinoprotektahan ko rin si Seo Yin sa lahat ng bagay dahil kapatid ko siya."

"Hayst! Ang sakit sa ulo dumagdag pa ito si Eun Woo"

"Oh ano namang problema sa aking kapatid?"

"Namumuro na kayo sa aking magkakapatid ah! Iniibig daw ako ni Eun Woo dumagdag pa kay Seo Yin kung aminin ko na kayang babae ako?"

"Talaga? Aba magandang kuwento ito ah! Parang mga kuwento sa libro. Kung aamin ka mapapatalsik ka sa Palasyo ng pagsasanay at matatangalan ka ng puwesto bilang isang Hyoeson Dragon Warrior sa susunod na buwan pa tayo makakaalis sa Palasyo at doon lamang kita matutulungan kung paano ka makakabalik sa iyong panahon"

"Hayst! Napakahirap!" Sabay kuha ko ng malaking bato at inihagis sa ilog kaya nabasa kaming dalawa.

"Ano ba! Nambabasa ka! Hahaha" reklamo ni Hyung Suk "May tanong nga pala ako"

"Ano yun?"

"Handa ka bang iwan ang panahon na ito? Handa ka bang iwan si Han Ji?"

"Ang totoo masaya naman ako sa panahong ito yung nakilala ko kayo pero ng dahil sa pag ibig ko kay Han Ji ay nasasaktan ako sa panahong ito"

"Paano kung sabihin ko sayong yung sakit na nararamdaman mo ay mawawala pag nalaman mo ang katotohanan"

"Katotohanan na?"

"Hayst! Pasensya na Kimchi pero hindi ko pa maaring sabihin"

"Ano! Napaka duya mo naman"

Tumayo ito at naglakad palayo tinawag ko ito ng tinawag kaso ay kumaway lang ito.

"Anong sikreto kaya ang itinatago sa akin nitong kupal na ito" habang sinusundan ng masamang tingin si Hyung Suk.

"Alam mo bang nakakabaliw ang pagkausap sa sarili"

Napalingon ako sa aking tabi ng may nagsalita at tumabi sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti lang ito at inilabas ang pamingwit

"Mangingisda lang sana ako" sabay tingin nito sa akin. "Gusto mo bang sabayan akong kumain ng isda pag may nahuli ako?"

"Hindi! Ayoko ng kumain ng isda" pag tangi ko sa alok ni Han Ji

Ano pagkatapos mong saktan ang feelings ko kagabi aalukin mo ko ng isda mo! No Way!

"Ganon ba? Sayang naman ang sarap pa naman ng ihaw na isda" sabay lagay nito ng pain sa kaniyang panghuli at inihagis sa ilog

Nakaramdam naman ako ng takam kay Han Ji este sa inihaw na isda pero hindi ako maaring magpadala sa pagpapa cute ng lalaking ito.
Bawal Marupok Aeshtrid! Para hindi ka masaktan ulit okay?

Makalipas lang ang ilang minuto ay nakahuli ng isda si Han Ji nilinis nito ang isda sa ilog at pumunta sa kagubatan. Bumalik ito na may dalang mga kahoy at nagsindi ng apoy.

Ng palingon na ito sa akin ay ibinalik ko ang tingin sa ilog. Naamoy ko ang sarap ng nilulutong inihaw na isda at nakaramdam ako ng gutom at sa hindi ko malamang dahilan ay ayokong iwan siyang mag isa dito.

"Tara pag saluhan natin itong isda"
Alok nito sa akin.

"Busog pa ako" Ng biglang kumulo ang aking tiyan.

Traydor ka! Bakit ka kumulo huhu

"Hahaha gutom ka eh sige na oh pag saluhan natin ito"

"Ayoko busog nga ako" Sabay balik ko ng tingin sa ilog. Napaatras ang ulo ko ng biglang pumunta sa harapan ko si Han Ji

"Oh sige na kainin mo na ito"

"Sige na nga ang kulit mo" Kinain ko ang pagkain na isinubo niya sa akin. Hangang sa naubos namin ang isda.

Sabi ko na hindi ako marupok eh...

Itutuloy...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙

LexAndrA_Togepi

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon