Alam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga.
Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...
Napangiwi naman ako ng patakbo itong lumapit sa akin at yumakap. Sasabunutan na talaga kita girl! Panira ka!
"Anong ginagawa mo dito hindi ka maaring lumabas ng palasyo dahil maaring maya maya lang ay magsimula na ang laban namin" ani ko
Ngumiti naman ito ng malaki sa akin. Magandang babae si Seo Yin bonus pa na isang siyang Prinsesa marami ang kalalakihan na umiibig dito marami ring mga prinsipe ng iba't ibang bayan ang nanliligaw sakaniya pero masungit ito sa mga ito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Tumakas ako upang makita ka huwag kang mag alala sa akin lahat ng magbabalak na saktan ako ay pinapatay ko"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.
"Hindi ako nagaalala sayo" pag tangi ko
Ngumisi naman ito at hinampas ng marahan ang aking braso agad naman akong napaatras ng kaonti.
"Huwag ka ng mag kaila pa, alam mo nararamdaman ko talaga nitong mga nakaraan na iniibig mo narin ako" Puno ng kumpyansang ani nito sabay ngiti nito sa akin at humakbang papalapit sa akin.
Halos mabalunan naman ako sa sinabi nito nilingon ko rin si Han Ji na pasimpleng natawa sa likuran namin.
Pero nawala ang tawa nito ng tangalin ni Prinsesa Seo Yin ang bulaklak na inilagay nito sa ibabaw ng aking tenga.
"Bakit ka may bulaklak sa iyong tenga nagmumukha ka tuloy isang babae" ng mapansin nito ang bulaklak na inilagay ni Han Ji sa aking tenga kani kanina lang tinitigan at sinuri nito ang bulaklak at sabay tapon nito.
Muli itong dumamba sa akin at nagpacute
"Ayokong makikita ka ulit na may bulaklak na nakasuot sa iyong tenga ha? Nagmumukha kang babae at hindi ko gusto iyon" sabay simangot nito.
Pero isa talaga akong babae gusto ko sanang sabihin pero hindi pa maari. Tumango na lamang ako dito dahil baka magkaroon lamang kami ng debate dahil sa tingin ko ay hindi rin ito magpapatalo.
Iniyakap nito ang kaniyang braso sa aking leeg dahilan kung bakit nailayo ko ang aking mukha dahil parang maghahalik na ito.
"Ingatan mo ang sarili mo mamaya at magpapakasal pa tayo"
"Ano ang iyong sinasabi Seo Yin!" Napalingon naman kami ng sumigaw si Sik Hyun at hinila si Seo Yin palayo sa akin at doon lang ako nakahinga ng maluwag.
"Bakit mo ba ako sinusundan! Palagi mo na lamang ako ginugulo!"
"Ako ang inatasan na magbantay sayo" sabay higit nito kay Prinsesa Seo Yin palayo sa amin.
Kahit malayo na ang dalawa ay rinig parin ang pagtatalo nito. Mabilis na inalis ni Seo Yin ang pagkakahawak ni Sik Hyun at tumakbo agad naman itong hinabol ni Sik Hyun