Kabanata 31

3 0 0
                                    

Naging tahimik ang paglalakad namin ni Hyung Suk hindi man niya ikinukuwento ang lahat sa akin tungkol doon kay Shin Xan Lex ramdam ko parin ang sakit na pinagdadaanan niya.

"Pasensya na kung hindi ko naikuwento sayo kaagad"

"Naiintindihan ko marami pa namang oras tsaka huwag natin sirain ang araw na ito"

"Tama ka"

Masaya kaming nagku kuwentuhan at asaran inaasar nila ako na kailangan ko lang raw dumumi kaya sumasakit ang aking tiyan ng biglang dumating si Jung Kye.

"Oh Jung Kye kanina ka pa namin hinihintay!" Sigaw ni Joon Nam dito

"Pasensya na sinundo ko pa kasi ang aking nobya si Shin Xan Lex nga pala"

"Walang problema oh kain ka muna Xan Lex" alok ni Hyun Jin dito

Napatingin ako kay Jung Kye dahil nakatingin ito kay Hyung Suk
Naiilang na tumingin si Jung Kye kay Hyung Suk na tahimik lang sa aking tabi

Napatingin ako kay Jung Kye dahil nakatingin ito kay Hyung SukNaiilang na tumingin si Jung Kye kay Hyung Suk na tahimik lang sa aking tabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maya maya lang ay nagpaalam ito sa kaniyang kasintahan at lumapit sa aming banda.

"Puwede ba kitang makausap Hyung Suk?" Tanong nito

Hindi naman sumagot si Hyung Suk pero tumayo ito sumunod naman kaagad si Jung Kye napatingin pa ako kay Xan Lex dahil para nagaalala ang mukha nitong sinundan tingin ang dalawa.

"Kung alam ko lang na puwede pala mag dala ng kasintahan sana dinala ko ang tatlong babae ko" ani ni Min Yun

"Lah? May babae ka pala? Hahahaha" pang aasar ni Hyun Ngi kay Min Yun

Nag asaran pa ang mga kaibigan namin habang minsan ako ay nakikisali at kumakain.

"Namumutla ka ata Kimchi?" Napatingin ako sa tumabi sa akin.

"Ikaw pala Eun Woo" kakarating lang rin ata nito dahil wala naman ito kanina. "Masakit kasi ang tiyan ko ngayon"

"Gusto mo na bang umuwi? Kaya mo pa ba?"

"Oo kaya ko pa naman kain tayo?" Pang aalok ko dito mukha naman itong natuwa at sinusubuan pa ako paminsan minsan.

Sa hindi mawaring dahilan ay napatingin ako sa aking kanan at ganon na lamang ang gulat ko ng ang sama sama ng tingin sa amin ni Han Ji ng mapunta sa akin ang tingin nito ay sinamaan ko rin siya ng tingin at muli akong bumalik sa pagkain.

Andito rin pala ang mokong na ito pagkatapos niyang sirain ang damit ko!

Maya maya lang ay sabay na bumalik ang dalawa napatingin pa ako dito ng makitang may mga pasa pareho ang mukha ni Hyung Suk at Jung Kye pero mukhang okay na sila dahil magkaakbay na sila ngayon.

Maya maya lang ay sabay na bumalik ang dalawa napatingin pa ako dito ng makitang may mga pasa pareho ang mukha ni Hyung Suk at Jung Kye pero mukhang okay na sila dahil magkaakbay na sila ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nilapitan kaagad ni Jung Kye ang kaniyang kasintahan at sumabay dito sa pagkain habang si Hyung Suk naman ay tumabi sa amin ni Eun Woo muli pa itong sumulyap sa dalawa at malungkot na ngumiti.

It 's hard to let go of someone you love

Kaya nalulungkot rin ako para kay Hyung Suk parang kapatid narin ang turing niya kay Jung Kye pero wala siyang magagawa dahil nagmamahalan ang dalawa.

Hinawakan ko ito sa kamay at nginitian ngumiti naman ito sa akin at yumakap.

"Alak gusto mo?" Tumango lang ito kaya kinuha ko ang bote ng alak at isinalin sa inuminan at kaagad niya naman itong ininom.

"Mukhang may pag uusapan kayo mauna na muna ako na maligo sainyo" Tumango lang ako kay Eun Woo at ngumiti dito bago ito lumusong upang maligo sa ilog

Malayo kami sa mga kasamahan namin dahil dito kami banda kung saan nakalagay ang mga alak ang iba kasi sakanila ay nasa mga pagkain at ang iba ay nagsasaya na sa paliligo.

"Siguro oras na para ikuwento ko saiyo ang buhay pag ibig ko hahaha"

"Aba dapat lang ang tagal mo ng itinatago sa akin eh!"

Ikinuwento niya kung paano niya nakilala at nagustuhan si Xan Lex.

A/N:(May sariling kuwento si Hyung Suk don niyo nalang basahen hahaha title: Espada)

"Sheyts naman! Halika iinom nalang natin iyan!" Nag cheers kami at sabay na lumagok ng alak.

Ng naparami na ang inom ko ay nawala ang sakit ng tiyan ko baka kulang lang ako sa alak siguro char! Hahaha

"Nagsuntukan ba kayo kanina?"

"Ah oo hahaha wala ganon lang talaga kaming mga lalaki pagkatapos okay na" Muli nitong sinalinan ang aming baso at itinaas nito ang kaniyang baso
"Para sa puso kong wasak!" Biro pa nito sabay taas ng kaniyang baso.

"NaHpAkAsAk8T nAmAn IsIpIn Na Sa PuSo Mo AkO'y P4ng4lawa~"
Pag kanta ko ng Kabit na dating naririnig ko sa mga classmate ko nung nagaaral pa ako

"Hahahaha anong kanta iyan?"

"Hahahaha Kabit! Naririnig ko sa mga classmate ko dati nung highschool ako Ohyeah! Hahaha"

Para kaming tanga na sumasayaw sayaw pa habang kumakanta pa ako ng kung ano ano.

Hindi ko naman maiwasan ang matuwa dahil napatawa ko ang broken kong kaibigan.

"Oh ang saya niyo diyan ah! Kamusta ang pakiramdam mo Kimchi?"

Napaangat ang kilay ko ng lumapit at nakitabi pa sa amin si Han Ji feeling close ikiss kita diyan eh! Char.

"Nawala na ang sakit ng tiyan ko ng uminom kami" ani ko habang sa ilog ako nakatingin pinapanood ko ang mga naliligo naming mga kaibigan.

"Mabuti naman kanina pa ako nag aalala saiyo halata kasi na nasasaktan ka kasi namumutla ka"

Ano ba yan! Bakit ang sweet naman magsalita nito o nasisiraan lang ako?
Bawal marupok Aeshtrid!

"Hmm" maikling ani ko habang hindi parin siya tinitignan mahirap na baka mahalikan ko nalang bigla ito pag kung ano ano pa sinabi nito.

"Hindi ko kayang makitang nasasaktan ka kaya sana ay huwag na muling sumakit ang tiyan mo"

"Talaga?" Napatakip naman ako sa aking bibig ng madala ako sa pambobola ni Han Ji

Natuwa naman ito kaya nilingon ko ito.

"Anong itinatawa tawa mo diyan?!" Sabay angat ko ng aking kilay.

"Wala ang sungit mo kasi"

Hindi ko na ito sinagot at lumingon sa paligid kainis kasi itong si Hyung Suk iniwan pala ako hindi nagsasabi na maliligo na pala siya. Ng magtagpo ang tingin namin ni Hyung Suk ay binelatan lang ako nito.

"Ang lambing niyo kanina ni Eun Woo ah"

"Anong malambing doon kumakain lang naman kami"

Napatingin muli ako dito ng tumawa na naman ito.

"Hindi mo rin pala ako matitiis. pero nagseselos ako kanina Nae Sarang" sabay ngiti nito at tingin sa akin.

"Why do you speak so sweet? You know that I am soft when it comes to you! the more you do that the harder it is for me not to love you!" Pang eenglish ko dito upang hindi niya maintindihan namumuo na ang luha sa mga mata ko kahit gusto gusto ko siyang mahalin natatakot ako na sumubok dahil darating ang araw na iiwan ko siya.

"Hindi kita maintindihan Kimchi"

"I Love you Han Ji" sinserong ani ko habang nakatingin sa kaniyang mata mas mabuti ng hindi niya maintindihan ang aking sinasabi.

Tumayo ako upang maligo na sa ilog nasstress lang ako pagkausap ko ito si Han Ji maglalakad na sana ako ng hawakan ako nito sa kamay.

Nilingon ko ito pero nakatingin ito sa aking puwetan. Aba Manyak!

"May dugo sa iyong likuran Kimchi" nag aalala pero naguguluhan na ani nito

Itutuloy...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙

LexAndrA_Togepi

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon