"Wala lang iyan!" Pangkukumbinsi ko kay Han Ji bakit ko naman kasi nakalimutan tangalin ang papel de hapon lipstick ko stupid Aeshtrid!
Tumingin lang ito sa akin ng masama at parang wala itong narinig.
Umalis ito sa pagkakaharang sa akin sa pader at mabilis na pumasok sa aking silid.
"SANDALE!!!" Sigaw ko sabay sunod dito pero huli na ako napako na ang tingin nito sa mga damit at mga gamit na pangbabae na binili ko kanina.
"Bakit palagi mo nalang ako sinasaktan ha Kimchi?" Seryosong ani nito habang nakatingin sa akin.
"Aba! Inaano kita diyan!?"
"Anong ibig sabihin ng kolorete sa iyong bibig? Eh etong mga damit na ito na pambabae?" Sabay kuha nito sa Hanbok na binili ko kanina. "Sabihin mo sa akin ang totoo may kasintahan ka na ba?"
"Wala!" Maikling sagot ko.
Ngumisi ito at hinawi paangat ang kaniyang mahabang buhok (hindi pa kasi uso ang pag gupit ng buhok sa panahong ito)
"Huwag ka ng mag kaila Kimchi tangap ko naman eh kaya hindi mo ako mapili pili kasi may iniibig kang iba ang sana lang huwag mo na akong hahalikang muli para hindi ako umaasa"
Sabay talikod nito sa akin hinabol ko naman kaagad ito.
"Sandali nga! Ano bang problema mo? Tsaka anong pinapaasa kahit kailan hindi ako nangako sayo tapos sasabihin mo ngayon na pinapaasa kita bullsh*t" pag eenglish ko sa dulo wala akong pake kung hindi niya ako maintindihan dahil naiinis talaga ako ngayon.
"Yung mga kilos mo! Pag halik mo sa akin tuwing may hindi tayo pagkakasunduan pag may bumabagabag sating dalawa ng dahil doon umasa ako" muli itong naglakad at kaagad ko naman itong sinundan
Hinigit ko ang braso nito pero agad din itong kumalas.
"Bakit parang kasalanan ko? Hindi ba sabe ko saiyo huwag na tayong magkita pa!"
"Bakit pumayag ba ako!? Hindi Kimchi! Iniibig kita at hindi ko kaya iwasan ka o layuan ka"
"Pero masasaktan ka lang!"
"Ang tunay na nagmamahal nasasaktan! Handa akong masaktan sa pagmamahal ko saiyo"
Natigilan naman ako sa sinabi nito
"Sandali nga! Kanina ka pa ah! Bakit ikaw pa ang galet!"
"Dahil hindi mo sinabi sa akin na may kasintahan ka na pala at binilihan mo pa siya ng damit na ito"
Gusto ko nalang matawa sa kahibangan ni Han Ji
"Akin na nga iyan!" Pang aagaw ko sa damit na binili ko hinila ko ito pero hinila rin niya iyon
"Ayoko" ng biglang masira ang damit na kakabili ko lang.
Halos manlumo ako sa sinapit ng damit na gusto gusto ko at galit na tumingin kay Han Ji
"Pasensya na hindi ko sinasadya Kimchi" sabay lapit nito sa akin.
Agad ko naman itong tinulak at patakbong pumasok sa loob at mabilis na inilock ang pinto.
"Huhuhu gustong gusto ko pa naman ang damit na iyon"
Humiga ako sa aking higaan at
Nagtalukbong nalang ako ng kumot
Habang minumura sa isip ko si Han Ji.Hindi ko maalala kung paano ako nakatulog kagabi nagising na lamang ako ng masakit ang aking tiyan at ng may kumakatok at tumatawag sa aking pangalan.
"KIMCHIIIII!!" sigaw nito halata ko ng si Hyung Suk iyon dahil sa ingay
"SANDALEEEE!!" Pag sigaw ko rin habang nakahawak sa tiyan ko na sumasakit.

BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Tarihi KurguAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...