"Mukhang pinag butihan niyo ang pagsasanay niyo sa dalawang araw na hinayaan ko kayo napahanga ninyo ako lalo na ng mga hindi pa marurunong noon" ani ni Master Siponen ng matapos ang aming pag eensayo sa araw na ito. "Kaya tapos na ang pag sasanay natin sa araw na ito"
Habang naglalakad kami pabalik sa aming silid ay napansin ko ang pagiging balisa ni Hyung Suk.
"Parang wala ka sa iyong sarili Hyung Suk may problema ba?"
"Nais ng mga Yangban o Opisyales na ilabas o ipakilala at ipakita na sa buong Hyoeson ang aking panganay na kapatid ang taga pag mana. Pero natatakot ang hari at reyna dahil maraming nagtatangka sa buhay nito"
"Naiintindihan ko ang bagay na iyan pero bakit nais ng mga opisyales na palabasin ang susunod na hari?"
"Dahil nag babanta ng digmaan ang bayan ng Syoeson sa susunod na dalawang buwan dahil sa pagtatago ng pagkatao ng aking kapatid ay pinag iisipan nila kami ng masama"
"Ng dahil lang doon? Napakababaw naman"
"Pero sa tingin ko ay nais lamang nila masakop ang Hyoeson dahil mayaman ito sa mga ginto"
"Mukhang pera naman pala ang hari ng Syoeson gigil niya si ako!"
"Gigil niya si ako? Anong salita iyan?"
"Tagalog parin pero sa makabagong paraan na parang kinaiinisan ko ang taong iyon"
"Ahh Gigil niya si ako! Hahaha gigil niya si ako!" Paulit ulit na ani ni Hyung Suk.
"Mukhang bumalik na ang iyong sigla huwag kang masyadong mag isip at nakakatanda iyon tignan mo mukha ka ng trenta"
"Talaga!? Nako ayoko ng ganon!" Nag pacute naman ito sa aking harapan. "Eto mukha na ba ulit akong bata?"
"Ayan! Dapat palagi kang may ngiti sa labi! Hindi maganda kung palaging naka simangot ang isang lalaki"
"Kung ganon ayaw mo sa mga lalaking palaging seryoso ang mukha at naka simangot?"
"OO! SOBRANG AYOKO SA GANON!"
"Kung ganon ayaw mo kay Han Ji?"
"HINDI! GUSTO KO.."
Bumalik sa aking alaala ang seryosong mukha ni Han Ji
BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Historische RomaneAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...