Alam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga.
Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...
Hindi ako halos makatulog kagabi dahil sa pag iisip mabuti na lamang at nagising ako ng tamang oras. Sumilip ako sa bintana pero madilim parin sa labas sa tingin ko ay madaling araw pa lamang. Bago sumikat ang araw mag uumpisa ang paghaharap ng Hyoeson at Syoeson
Ng matapos akong maligo at masuot ang kasuotan ko sa pang laban ay umupo ako sa aking higaan binuksan ko ang isang kabinet at kinuha ang isang kahon kung saan ko inilagay ang chopstick.
"Bakit mo ako dinala sa panahon na ito? Napakagulo anong dahilan kung bakit ako nandito?" Pagkausap ko sa chopstick kahit alam ko naman na hindi ito sasagot. Muli ko itong ibinalik sa lalagyan.
Nakarinig ako ng katok sa pintuan kaya tumungo ako dito tumigil ako ng nasa tapat na ako ng pintuan at binunot ang aking espada.
Nakaramdam ako ng kaba pero kailangan kong protektahan ang aking sarili tanging si Hyung Suk at ang pamilya nito ang nakakaalam sa bahay na ito at alam kong hindi si HyungSuk ang taong nasa labas dahil may sariling susi si Hyung Suk.
Mabilis kong binuksan ang pinto at itinapat ang aking espada sa leeg nito.
"Sandali lamang Kimchi!" Naibaba ko agad ang aking espada ng si Han Ji pala ang kumakatok kani kanina lamang.
"Han Ji! Anong ginagawa mo dito"
"Gusto ko sanang sabay tayo tumungo sa palasyo ng paghahanda"
"Paano mo nalaman kung nasaan ako?"
"Ah..ano.. kasi.."
Patigil tigil na ani nito na nagpataka sa akin.
"Tanging si Hyung Suk at pamilya niya lamang ang nakakaalam sa lugar na ito kaya paano kang nakapun-"
"Sinabi ko Kimchi" Napalingon naman ako harapan ng magsalita si Hyung Suk "Tinanong niya kasi sa akin kung saan ka matatagpuan at nagtitiwala naman ako sakaniya kaya sinabi ko"
"Ah ganon ba"
Naibalik ko ang tingin ko kay Han Ji ng hawakan ako nito sa kamay.
"Halika sumama ka sa akin"
Nagpahila naman ako dito hangang sa makarating kami ng tulay sa ilog
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tumigil kami ng nasa gitnang bahagi na kami ng tulay napatingin ako sa mga isdang lumalangoy sa ibaba at nakaramdam ako ng tuwa kung nakapag dala lang sana ako ng tinapay ay pinakain ko ang mga ito.
"Kay gandang pag masdan ng iyong mga ngiti"
Napaangat ako ng tingin kay Han Ji ng magsalita ito nagkakaroon na ng kaonting liwanag ang kapaligiran dahil maya maya lang ay sisikat na ang araw humangin ng malakas at nahuhulog sa amin ang mga bulalak ng cherry blossom. Parang slow motion na bumabagsak ang mga cherry blossom habang nakatitig ako sa mukha ni Han Ji.
"Tila ayoko ng lumaban pa gusto ko na lamang ilayo ka sa lugar na ito"
Doon lamang ako bumalik sa wisyo
"Pero hindi maari kailangan natin protektahan ang bayan ng Hyoeson"
"Isa sa tungkulin ko ang protektahan ang Hyoeson at handa akong mamatay na pinoprotektahan ito pero tila ngayon ay naduduwag ako gusto kong maging makasarili at lumayo dito upang makasama ka ng tahimik"
Gusto ko rin iyon Han Ji gustong gusto pero natatakot ako na baka balang araw ay maiwan kitang mag isa sa panahon na ito, Hindi ko magawang masabi ang laman ng aking isip pumatak nalang ang luha sa aking mga mata.
Lumapit ito sa akin at pinunasan ang aking luha.
"Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sumama sa akin alam kong mahal mo ang bayan na ito kaya handa akong protektahan ka mamaya sa laban" ani nito
"Tatapusin natin ang laban na ito para sa ikakatahimik ng bayan ng Hyoeson"
"Hindi lang dahil sa maraming ginto kaya nais tayong sugudin ng Syoeson gusto rin nilang lumantad at magpakilala ang tagapag mana ang susunod na Hari"
"Oo iyon din ang kaniyang isang dahilan ang pinagtataka ko lamang ay bakit atat na atat siya na makita o makoronohan na ang susunod na hari"
"Dahil natatakot siya, natatakot siya na baka mas malakas sakaniya ang susunod na hari"
"Mukhang natatakot nga ang susunod na hari dahil hangang ngayon hindi parin siya nagpapakita"
"Hahahaha paano mo naman nasabi iyan? Hindi ba naikuwento sayo na maraming gustong pumatay sakaniya?"
"Alam ko na ang bagay na iyon pero bilang susunod na Hari dapat harapin mo ang lahat kahit ang mga nagtatangka sakaniyang buhay kailangan niyang maging matapang. Paano maniniwala sakaniya ang kaniyang nasasakupan kung hindi niya kayang humarap sa Hyoeson"
Napuno ng katahimikan ang buong lugar kaya muli kong nilingon si Han Ji pero tahimik lamang itong nakatingin sa mga isda.
"May problema ba?" Hindi ko na natiis ang katahimikan.
"Salamat"
"Ha?" Pagtataka ko.
"Sa tingin ko magiging bukas ang isipan ng hari sa mga sinabi mo" sabay ngiti nito
Kahit nagtataka ako ay sinagot ko parin ang mga ngiti nito.
Biglang kumulo ang aking tiyan kaya nagtinginan kaming dalawa at sabay na natawa.
"Pasensya ka na hindi pa kasi ako nakakapag agahan"
"Hahaha sandali lamang babalik ako bibili lamang ako ng makakain natin" tumango lang ako dito at patakbo itong umalis.
Muling umihip ang hangin at muling naghulugan ang mga bulaklak ng cherry blossom na aking ikinatuwa.
Maya maya lang ay bumalik na si Han Ji naglatag ito ng pansapin sa tulay at hinanda ang mga pagkain na binili niya.
"Halika sabay na tayo kumain" pagyakag nito sa akin.
Ng matapos kaming kumain ay muli akong tumayo at humawak sa pangharang ng tulay. (Barrier)
"Bakit hindi mo pa kinakain ang tinapay na hawak mo"
"Ipapakain ko ito sa mga isda hihi" pinunit ko ng maliliit ang mga tinapay at hinulog sa tubig naglapitan naman ang mga isda at nag agawan sa pagkain.
"Saranghae..."ani ni Han Ji
Napatingin ako dito maya maya lang ay may inilusot itong isang piraso ng bulaklak sa tuktok ng aking tenga.
"Napaka ganda mo hindi ko talaga maisip pero ang tingin ko saiyo ay isang napaka gandang babae hindi kita nakikita na bilang isang lalaki" sabay titig nito sa aking mukha
"Pero lalaki ako" pagkukunwari ko hindi pa ito ang tamang panahon para maglantad ako
Pero parang wala itong narinig dahil nakatitig parin ito sa akin
"Saranghae Kimchi" unti unting lumapit ang mukha nito sa akin kaya ipinikit ko na lamang ang aking mata at hinintay na lumapat ang kaniyang labi sa aking labi...
Pero walang labing lumapat dahil may sumigaw sa aking pangalan.
"KIMCHI!!!!!!".....
Itutuloy...
(C) Your Eyes Tell by BTS
------------------------------------------------------------- Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙
A/N: hangang 1k+ words lang talaga ako mahihimatay ako pag dinamihan pa hahaha charot!