"Asan pasalubong ko!" Sigaw ni Nics pagkabukas ko ng pinto sa bahay.
"Nasa maleta kuhanin mo nalang kung ano gusto mo" Binitawan ko ang mga maleta na dala ko at umupo agad ako pasalampak sa sofa. Kahit nakaupo lang naman ako sa buong byahe pakiramdam ko eh pagod na pagod ako ganito ata talaga pag maganda.
"Pota! Bakit wala dito yung gusto ko!"
Sigaw ni NicsUmangat naman ang kilay ko.
"Hoy babaita! Lahat ng gusto mo binili ko sampalin kita diyan!" Sigaw ko.
"F*ck where is Jin? I want him!" Lumapit naman ito sa akin at sinabunutan ako ng marahan "Bakit hindi mo siya inuwi dito impakta ka hahahah!"
"Hindi kasya sa maleta ko hahaha"
"Whatever! Pupuntahan ko nalang siya soon! Kyaah! Hahaha" sabay kalikot nito sa mga pinamili ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa sa pagod nagising ako ng hapon na. Inakyat ko ang mga maleta ko at inayos ang mga binili ko.
Napatingin ako sa Libro na nabili ko ang Hyoeson kinuha ko ito at sinimulang basahin.
Ilang oras ko itong binasa hangang sa natapos ko tungkol lang pala ito sa mga tradisyunal na gawain non. Inilagay ko na lamang ito sa bookshelf ko.
Pumasok ako sa banyo upang maligo at ng nagbibihis na ako ay kumatok si Nics sa pinto.
"Hoy gaga! Bilisan mo diyan kumain na tayo ng hapunan" Hindi ko na sinagot ito dahil bumaba narin kaagad ito.
Habang naghahapunan kami ay panay ang daldal ni Nics.
"So ano babae! Anong itsura nila sa personal sobrang guwapo ba?"
"Yeah!"
Bigla naman itong tumili kaya napatigin ako dito.
"Sheyts! Pag talaga hindi ako busy pupunta talaga ako ng Korea potek! Baka pag nakita ko si Jin ako pa mag propose sakanya!" Maharot na ani nito
"Nga pala nakita ko siya" mahinang ani ko.
"Sino?"
"Si Han Ji" maikling sagot ko
"What the feck feck! Is that true?"
"Akala ko lang hehe kamukha lang niya. Umasa naman ako ibang iba sila sa tingin ko hindi na talaga kami magkakasama pang muli"
"Maybe in your next life kung nag eexist man yun"
"Nakuha ko na lahat ng gusto ko malayo narin ang mga narating ko pero parang may kulang parin. Hindi parin ako masaya"
"Because you are still trapped in the past. Yes you love him but you have to accept that he is gone"
I lost him a long time ago but it still hurts.
"Hinding hindi ka magiging masaya hanga't hindi mo binibitawan ang nakaraan." Dagdag ni Nics.
Ng matapos akong kumain ay dumaretso na kaagad ako sa kuwarto ko at kinuha ang lumang diary na nabili ko na may nakalagay na 1395
Isang malaking digmaan ang nangyari sa aming bayan sinugod kami ng dalawang bayan ang Chyoeson at Dyoeson. Maraming mga tao ang nasawi sa kaguluhan at ang pinakamasakit sa lahat ay nawalan ako ng dalawang kaibigan si Hyung Suk at Eun Woo na isinaalang alang ang kanilang buhay para sa kanilang minamahal.
Akala ko ay tapos na ang lahat ng sakit pero kinailangan rin kaming iwanan ng aming kaibigan na si Kimchi dahil sa isang dahilan
Pero labis akong nalungkot ng kailangang nilang iwan at saktan ang isa't isa nagmamahalan sila ng tunay pero hindi ito ang panahon para sa kanilang dalawa.
At makalipas ang isang buwan ay ipinasa na ang trono sa taga pagmana ang aking kaibigan na si Han Ji. Nagdiwang ang buong palasyo dahil matagal nilang hinintay ito ang maipasa na ang trono sa taga pagmana.
Pero makalipas lang ang isang linggo ay isang sulat na lamang ang nakita ni Prinsesa Seo Yin na galing kay Han Ji. Ipinapasa niya ang trono kay Seo Yin at simula noon ay hindi na nakita kailanman si Han Ji.
Sobrang nasaktan si Seo Yin dahil wala ng natira sakaniya lahat na lamang ng kapatid niya ay iniwan siya. Pero nagpakatatag siya para sa Hyoeson at pinamunuan niya ng mahusay ang Hyoeson hangang sa maikasal siya kay Sik Hyun at silang dalawa ang namuno sa buong Hyoeson.
May sarili narin akong pamilya maayos naman ang aking pamumuhay maging narin ang aking mga kaibigan si Jung Kye at Xan Lex ay ikinasal narin matapos nilang palayain ang masasakit na pangyayari at masaya narin sila sa kanilang pagmamahalan.
Hangang dito na lamang ako magsusulat sa talaarawan na ito dahil handa na akong palayain ang lahat ng masasakit na pangyayari sa aming mga buhay -Park Min Yun
Isinara ko ang diary iilang page lamang ang may sulat pinunasan ko ang mga luha na pumapatak sa aking mga mata.
Itatago ko na sana ang diary ng nahulog ito at ng dinampot ko ay may nakasulat pa pala sa likod kaya muli akong umupo sa upuan at nagsimulang magbasa.
Hindi ko maiwasan ang hindi matuwa ng makita ko ang talaarawan na ito na inaanod sa ilog kung saan ako namamahinga dahil pag aari ito ng aking kaibigan na si Park Min Yun.
Hindi ko alam kung bakit ako napasulat dito pero itutuloy ko na.
Ng dahil sa isang digmaan nawala sa akin ang dalawa kong kapatid kung hindi ko sana pinatagal ang laban ay maaring nailigtas ko ang mga kapatid ko. Sa sobrang konsensya na bumabalot sa akin ay hindi ko maatim na kilalanin akong isang Hari dahil hindi ako karapat dapat.
Mas lalo pa akong nahirapan ng iwanan ako ng babaeng iniibig ko ng buong puso siya lamang ang kaisa isang kinakapitan ko at ng tuluyan ko siyang palayain at iwanan ay hindi ko kinaya. Tandang tanda ko pa na bago ko siya ihatid ay sinabi niya hindi niya ako totoong mahal at kalimutan ko siya na parang ganon lamang kadaling gawin iyon. Sa sobrang sakit at galit ay nahigit ko ang porselas na bigay niya.
Tuluyan ko siyang pinalaya nung araw na iyon kailangan niyang umalis kaya kahit masakit kinaya ko para sa ikakasaya niya. Pagbalik ko sa lagusan ay hinanap ko ang mga piraso ng porselas at muli itong binuo dahil ito na lamang ang kaisa isang bagay na galing sa kaniya na mayroon ako na hangang ngayon ay suot suot ko parin.
Napatakip ako sa aking bibig at isinara ang diary niyakap ko ito habang umiiyak ako.
Han Ji...
Itutuloy...
-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙LexAndrA_Togepi

BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Historical FictionAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...