Kabanata 14

1 0 0
                                    

Alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay ginising na kami upang mag handa sa aming paglalakbay. Binigyan kami ng mga espada at pamana pati mga iba pang kagamitan.

Anim sa amin ay nakasakay sa kabayo iyon ay sila Jung Kye, Han Ji, Sik Hyun, Joon Seo, Ho Rang at si Hyung Suk at Eun Woo.

Habang ang mga alalay ang magbubuhat ng
Gama/Litter- Palanquin. Dahil hindi maaring maglakad ng malayo ang prinsesa at may kasama din itong sariling taga pag silbi. Hindi dapat ito kasama pero dahil pinilit nito ang hari ay pinayagan na ito. Pero kailangan may mga bantay itong kasama.

At ako ay maglalakad kasama nilaHo Seok, Joon Nam, Hyun Jin at Min Yun at Yun Ngi ay maglalakad maari din kaming magsalit salitan sa kabayo pag may pagod na sa amin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At ako ay maglalakad kasama nila
Ho Seok, Joon Nam, Hyun Jin at Min Yun at Yun Ngi ay maglalakad maari din kaming magsalit salitan sa kabayo pag may pagod na sa amin.

Labing dalawang oras ang aming lalakibayin patungong Syoeson.

Kaming labing apat na tutungo sa Syoeson ay tinipon sa Palasyo ng Hyoeson kung saan nakatira at namumuno ang hari.

"May tiwala ako sainyong lahat at alam kong magagawa niyo ang tungkulin na inuutos ko at alam kong lahat kayo ay babalik ng buhay makakaasa ba ako sainyo?"

"Opo! Mahal na hari!" Sabay bigay galang naming lahat.

"Mag iingat kayong lahat" ani ng Mahal na Reyna.

Inintay naming makasakay si Prinsesa Seo Yin sa Gama bago naunang lumakad ang mga nakasakay sa kabayo sunod ay kaming mga naglalakad at sa likuran ng Gama ay ang mga taga pag silbi ng Prinsesa.

Mabagal ang aming paglalakbay kaya sa isang lawa sa kagubatan na kami inabot ng hapon.

"Mag gagabi na kailangan nating mag pahinga lalo na ng Mahal na Prinsesa" ani ni Eun Woo. "Ang iba sainyo ay humanap ng makakain ang iba ay kahoy upang panlaban sa lamig at ang iba sainyo ay gumawa ng matutulugan ng Prinsesa"

Agad naman kaming sumunod kami ni Hyung Suk ang hahanap ng makakain dahil siya lamang ang may gintong pambayad.

At ng makabalik kami ay nakaayos na ang lahat sabay sabay kaming kumain at natulog may dala kaming alay para sa Syoeson kaya hindi maaring matulog ang mga taga pagsilbi ng Prinsesa.

Ng mag umagang muli ay itinuloy namin ang paglalakbay Hapon na ng kami ay makarating sa teritoryo ng Syoeson agad kaming hinarangan ng mga kawal na nagbabantay sa harapan ng Syoeson at ang iba ay nakatutok sa amin ang mga espada.

"Andito kami upang makipagsunduan sa Syoeson at sa Hari." Ani ni Eun Woo

Pinapasok din kami kaagad ng pumayag ang hari na makipag usap sa amin.

Sa tapat kami ng Palasyo ng Syoeson nag hintay hangang sa wakas ay lumabas din ang Hari ni Syoeson.

"Anong ginagawa ng mga taga Hyoeson dito? Anong kailangan niyo?"

Nagulat ako dahil kamukha ni Lee Min Ho ang hari ng Syoeson hindi ko inakala na bata ang Hari ng Syoeson akala ko ay Matanda at uugod ugod na kaya laging Highblood at gusto ng labanan.

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon