"May nais kumausap sa iyo" ani ng doktor...
Sasagot na sana ako ng may humawak sa kumot na naka rolyo sa aking katawan at napasimangot ako ng si Han Ji ang sumalubong sa akin.
"Kanina pa kita hinahanap akala ko ay kung anong nangyari saiyo sa kagubatan mabuti na lamang at nakita ako ni Master Shipunen at sinabing sumama ang iyong pakiramdam. Kamusta na ang iyong lagay?" Sabay tapat ng kamay nito sa aking noo. "Hindi ka naman mainit anong masakit sayo?"
"Yung puso ko"
"Ha? Kung ganon ay maaring may dinaramdam o may malalang sakit ka sa puso sandali tatawagin ko ang doktor" Tatayo na sana ito ng hilain ko ito at sinalubong ng halik.
"Akala ko ba iniibig mo ako?"
Matagal itong natigilan at sumagot din naman kalaunan
"Oo Kimchi iniibig kita at seryoso ako sa bagay na iyon"
"Kung ganon bakit handa mo akong bitawan at iwan para sa babaeng iyon"
"Babae?"
Ayy biglang nagka amnesia ang Kupal
"Kupal ka alam mo iyon!" Reklamo ko dito.
"Si Prinsesa Seo Yin ba ang iyong tinutukoy?"
"Hindi ko alam" pagkukunwari ko
"Hahahaha" bigla itong tumawa kaya sinamaan ko ito ng tingin Nagseselos na nga ako nagawa pang tumawa.
"Huwag ka sanang magselos kay Prinsesa Seo Yin kailangan ko lang talaga siyang protektahan at siya ang babaeng iniingatan ko""Ganon ba? Sige makakaalis ka na"
"Nagseselos ka ba? Huwag mo sana iyan maramdaman pag dating kay Seo Yin dahil hindi naman siya ang iniibig ko"
"Hindi ako nagseselos feeling ka!" Kinuha ko ang kumot at tinakluban ang buong katawan ko.
"Sige na aalis na ako magkita na lamang tayo muli bukas. Ituloy mo na ang pagkukunwari mong may sakit hahaha" sabay sara nito ng pintuan sa aking silid.
"Hala! Halata ba ang acting ko" Napahawak ako sa aking labi ng maalala ko ang pag halik ko kay Han Ji kanina "Ang sherep infairness Charr!" Nagpaikot ikot pa ako sa buong silid hangang sa nakaramdam na ako ng antok.
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil dito na lamang ako maliligo dahil mas kumportable ako dito kesa palagi kong kasabay ang mga kasamahan ko everyday abs ba naman.
Ng matapos ako ay dumaretso na ako sa silid kung saan kami itinitipon pag hindi tungkol sa pisikal ang aming pag eensayo.
"Natutuwa ako na may nanalo sa pagsubok na hinanda ko kahapon at ang nag wagi ay si Hyung Suk at Jung Kye kaya nais kong lumapit kayo dito sa unahan" ani ni Master Shipunen
Lumapit ang dalawa kay Master Siponen.
"Bilang kayo ang nag wagi nais kong kayo ang mag bukas ng kahon na ito"
Sabay na binuksan ng dalawa ang kahon na naglalaman ng isang gintong bracelete na may dalawang dragon ang design.
BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Historical FictionAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...