"Aeshtrid nababaliw ka na ba nung binili mo itong bulok na bahay na ito?" Ani ni Nics ang aking matalik na kaibigan na parang kapatid na rin ang aking turing.
"Hindi naman bulok ito sira sira lang luma at napabayaan tsaka ito lang ang nakayanan ng pera ko"
"Inshort Bulok nga! Bruha! Mukhang haunted house nga ito Baka may multo pa dito Ohmyg! Scary!" Sabay kaming napatili ng biglang nahulog ang isang libro na nakapatong sa lamesa may mga gamit pa kasing naiwan sa lumang Mansion na nabili ko.
Binitawan ko ang walis na hawak ko at lumapit papalapit sa bumagsak na libro ng biglang lumabas ang isang pusa.
"Oh! Pusa lang pala eh!" Sabay himas ko sa maamong pusa na agad namang dumikit sa akin
"Tinakot mo ko meow meow ah!" Pag kausap ni Nics sa pusa.
"Mukhang matagal na siyang nakatira dito kaya hindi ko na siya papalayasin" Isang mabalbon na pusa at kulay puti si Meow sa tingin ko at may lahi ito.
Ilang oras din ang inabot ng paglilinis namin marami narin kasing sira ang Mansion marupok nadin ang hagdan kaya iyon ang unang una kong ipapaayos pero ayos naman ang linya ng kuryente at tubig. Katamtaman lang ang laki ng Mansion na nabili ko.
"Pupunta kaagad ang mga tauhan ni kuya para ayusin ang mga sira dito at sinabi kong bigyan ka ng discount" Isang Engineer ang kuya ni Nics.
"Matatapos naman nila siguro ito bukas no? Kailangan ko nadin lumipat dito at lumaki na ang singil sa inuupahan ko"
"Oo naman syempre uunahin ka ni Kuya Crush ka kaya non! Ayaw mo ba sa Engineer?"
"Hindi naman sa ayaw ano ka ba! Sadyang kuya lang ang tingin ko kay Nicollo"
"Okay fine!"
"Hahaha gustong gusto mo talaga akong maging sister in law no?"
"Syempre para palagi tayong magkasama!"
"Magkasama naman tayo lagi kahit hindi maging kami ng kuya mo. Tsaka kailangan kong mas paunladin ang business ko kaya wala akong time sa lovelife ngayon"
"Bahala ka tatanda kang dalaga niyan! 25 ka na pero wala ka padin nagiging boyfriend! My gosh bulok na yang pempem mo!"
"Huwag mo nga inaano ang pempem ko at baka palitan kita bilang model ng mga collection ko! Gusto mo?"
Ako ang nagdedesign at nagtatahi ng mga damit na aking binebenta online nagtapos ako ng dress making hindi ko nga lang kinaya ang pagaaral ng Fashion designer Course dahil mahal ang tuition ulila na akong lubos namatay sa sakit ang aking mga magulang ng ako ay 16 pa lamang kaya ako ang nagpaaral sa aking sarili.
"Ikaw naman hindi mabiro! Alam kong kailangan mo ang mala mannequin kong katawan!"
Ng mag gagabi na ay iniwan kong
Bukas ang ilaw sa mansion at dumaretso na ako sa apartment na inuupahan ko may mga gamit din kasi ako na kailangan pa ayusin.Natapos din kinabukasan ang mga sira sa bahay kaya nadala ko narin ang aking mga gamit doon.
Kasalukuyan akong nagiisip ng idedesign ng may tumawag sa aking telepono at gusto daw akong makausap ng dating may ari ng Mansion. Kaya ng matapos ako sa aking ginagawa ay dumaretso kaagad ako pauwi.
Habang nagbabake ako ng merienda ay may nag doorbell kaya agad akong pumunta sa pinto.
"Hi! Ikaw ba si Aeshtrid?" Tanong ng isang lola na sa tingin ko ay nasa 70s.
"Opo"
"Ako nga pala si Gracienda iha ang dating may ari ng bahay na ito may gusto lamang akong ikuwento sayo"
"Sige po upo muna kayo at kukuha ako ng makakain natin"
Umupo ako sa sofa ng mailagay ko na ang merienda na aking ginawa.
"23 years old ako nung nagsama kami dito ng nobyo kong Koreano kaya kung mapapansin mo ang disenyo ng bahay at kakaiba pero sa kasamaang palad ay kinuha kaagad siya sa akin kaya hindi namin nagawa ang magpakasal ng dahil sa isang lasing na driver nawala sa akin ang lalaking Mahal ko."
Hindi ko maiwasan ang hindi malungkot sa ikinukuwento ni lola na aking kausap.
"Ng mangyari ang aksidenteng iyon ay nilisan ko ang bahay na ito dahil nalulungkot lang ako pag nandito ako kaya hindi ko nalaman kaagad na ninanakawan pala ito kaya ang mga gamit na pag aari niya ay nawala kaya wala ng mga pang korean na gamit dito siguro may naiwan kaya kung may makita ka iha ay sayo na lamang kung gusto mo. Masaya ako ng may bumili sa Mansion na ito dahil sa wakas may magaalaga na muli dito."
Nag kuwentuhan pa kami ng kaonti at umalis din ang ginang hindi pala siya nakapag asawa dahil ang puso niya ay pag aari na talaga ng kaniyang dating nobyo.
Umakyat ako sa itaas dahil andon ang aking kuwarto ng maisara ko na ang lahat ng mga pinto at bintana kahit na safe ang lugar dahil isa naman itong village ay kailangan parin makasigurado.
Kinuha ko ang aking sketch pad at nagsimulang mag design ng mga dress at gown na pandagdag sa aking online business. Ng mabored ako ay nagsimula akong mag ikot ikot sa loob ng Mansion hindi naman ako nakakaramdam ng takot dahil bahay ko naman ito masyado lang talagang praning si Nics pag nandito siya.
Napunta ako sa isang library kahanga hanga ang mga libro na nakasalansan dito may isang lamesa din dahil hilig daw ni Cha Ye Woo ang kasintahan ni Lola Gracienda ang magbasa ng mga libro.
Kumuha ako ng isang libro pero korean ang nakasulat kaya wala din akong naintindihan kaya ibinalik ko kumuha ako ng isang libro ng biglang umikot ang shelf at dinala ako sa isang kuwarto sa na sa tingin ko ay secret room binuksan ko ang switch ng ilaw at napahanga ako sa ganda ng kuwarto may magagandang Paintings at Figurines na sa tingin ko ay galing pa sa Korea may mga libro din sa paligid tumingin tingin pa ako sa mga figurines na meron sa kuwarto may lumang globo din umupo sa isang upuan at binuksan ang mga cabinet sa lamesa may mga hangul na nakasulat sa isang papel na sa tingin ko ay goose quill pa ang ginamit at tinta wala akong naintindihan sa nakasulat kaya ibinalik ko na lamang ito.
Binuksan ko ang isang cabinet sa lamesa at isang chopstick ang pumukaw sa aking pansin dahil sa Vintage na itsura nito kaya dinala ko ito pabalik sa aking kuwarto.
Itutuloy...
A/N: Kung may mali sa sinusulat ko Sorry na! HAHAHA nagsearch naman ako ayan lumabas..
-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙LexAndrA_Togepi
BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Historical FictionAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...