Alam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga.
Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...
"Gumising ka! Ngayon na ang araw ng kamatayan mo!" Sigaw sa akin ng guwardiyang humili sa akin kagabi Nabigo ako hindi panaginip ito.
Nakatali ang aking mga kamay sa likuran at hinila nila ako palakad sa bayan hangang sa makarating kami sa palasyo ang mga tingin sa akin ng tao ay galit at takot. May mga bumabato din sa akin.
Ng makarating na kami sa sinaunang palasyo ang Gyeongbokgung Palace na tinatawag ngayon ay napakaraming taong nakasuot ng tradisyunal na kasuotan na katulad ng mga Ministro sa mga palabas may mga guwardiya din sa buong paligid at mga taga silbi.
Pinaluhod ako ng guwardiya sa mismong gitna at iniwan tumunog naman ang bell at isang lalaki ang lumabas na may suot na Korona at sinaunang kasuotan ng mga hari noon sa Korea.
Lumapit dito ang sa tingin ko ay kaniyang katiwala at may inabot ditong isang papel.
"Ikaw ay naparatangang Espiya sa Bayang ito at kapag ito ay napatunayan ay ikaw ay bibitayin kaya bibigyan kita ng pagkakataon na magpaliwanag"
"Hindi totoo na isa akong Espiya" Napuno ng bulungan ang buong bulwagan ng palasyo.
"Sa salitang sinabi mo pa lamang ay nagpapatunay nga na ikaw ay isang Espiya at hindi namin kalahi hindi namin alam o maintindihan ang iyong sinasabi Ngayon ay napatunayan na ikaw ay isang Espiya pupugutan ka ng ulo" Tumayo ang hari at nagsimula ng tumalikod.
"Sandali! Sandali hindi ako masamang tao! Tulungan niyo ko!" Lumapit sa akin ang isang guwardiya at nilabas nito ang kaniyang espada. Pumikit na lamang ako at hinanda ang aking sarili.
"Itigil mo iyan!" Napatingin ako sa lalaking sumigaw sa kasuotan pa lamang nito ay halata mo ng may dugo itong bughaw "Amang Hari Naiintindihan ko ang babaeng ito" Humarap naman muli ang hari.
"Hindi siya marunong magsalita o gumamit ng ating lengguwahe kaya panong naiintindihan mo siya?"
Kailangan mag isip ako at magsalita ng mga korean word na alam ko.
"Ano ngang sayo!" Sigaw ko.
"Oh nakita mo na Ama marunong siya mag Hangul Annyeonghaseyo daw" Nakangiting ani ng lalaking Kamukha ni Kim Taehyung ng BTS kung hindi lang ako 50/50 ngayon baka kiligin na ako dito "Sige magsalita ka pa" ngiti nito sa akin
"Kimchi" sagot ko
"Oh amang hari nakita mo na?"
"Kung ganon ay mali ang mga balitang kumakalat kaya ang babaeng ito ay pinangwawalang sala ko"
Napangiti ako at napaluha sa saya lumapit sa akin ang lalaking kamukha ni V ng BTS
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Kamusta? Ako si Kim Hyung Suk" Kinalag nito ang lubid na nakatali sa akin at tinulungan ako makatayo hinila ako nito palabas ng palasyo. "Totoo bang espiya ka? Wala naman sa iyong itsura"
Tumingin ako sa paligid ng makitang walang tao ay tumingin ako dito.
"Ang totoo ay galing ako sa taong 2020 kung maniwala ka man o hindi wala akong magagawa"