"Humanap kayo ng inyong kaparehas meron akong hinandang pag subok para sainyo" ani ni Master Siponen
"Kami ni Kimchi ang magiging magkapareha Master Shipunen!" Ani ni Han Ji Sabay taas pa nito ng kamay
"Ano! Hindi naman ako pumayag ah!"
Reklamo koLumingon ako kay Hyung Suk ng sikuhin ako nito.
"Huwag ka ng magkunwari pa Kimchi alam kong gustong gusto mo na makapareha si Han Ji" bulong nito sabay ngisi.
"Anong gustong gusto!"
"Sandali! Han Ji! Si Kimchi ang nais kong makapareha!" Ani ni Seo Yin
Mas lalong ayaw kitang makapareha sis!
"Pasensya na Kimchi at Prinsesa Seo Yin pero nailista ko na ang dalawa bilang magkapareha ni Han Ji" ani ni Master Siponen.
"Kaya sa akin ka na Kimchi" Ani ni Han Ji sabay titig sa akin.
Isa pang banat mo hahalikan na kita Han Ji! Charr
Hangang sa lahat kami ay nag pares pares na.
"Sa Palasyo ng pagsasanay ay may mapunong parte kung saan may itinago akong isang mahalagang premyo sa kung sino ang unang makakakuha o makakahanap nito
Ang siyang mananalo pero hindi madali ang inyong pag subok dahil kumuha ako ng magagaling na kawal upang hadlangan kayo. Maaring hindi lahat kayo ay makabalik ng buhay kung hindi niyo sineryoso ang pagsasanay na ginawa natin nitong nakaraan pero umaasa ako na lahat kayo ay makakabalik ng ligtas bago lumubog ang araw"Napatingin kami ng biglang sumigaw si Seo Yin
"Bakit ikaw pa ang naging kapareha ko! Ayoko saiyo!" Sigaw ni Seo Yin
"Ayoko rin makapareha ka ngayon pa lang tangap ko na hindi ako mananalo sa paligsahang ito ng dahil sa iyo" sagot naman ni Sik Hyun
Padabog namang tumalikod si Seo Yin papasok sa kagabutan kaagad namang sumunod sakaniya si Sik Hyun.
"Halika na Kimchi" Nabalik ang tingin ko kay Han Ji ng magsalita ito
"Halikan?"
"Hahaha Hinahanap mo ba ang aking mga halik?"
"Aba ang kapal naman ng mukha mo!"
"Biro lamang ang ibig sabihin ko ay simulan na natin ang paghahanap sa pagsubok ni Master Shipunen"
"Oh sige" Sabay dare daretso kong lakad pero hinila ako pabalik ni Han Ji.
"Hintayin mo ako at dito ka lamang sa tabi ko at huwag na huwag kang bibitiw sa pagkakahawak ko"
Magkahawak kamay kaming naghanap ng kakaiba sa kagubatan
Na maaring iyon ang pinapahanap ni Master Siponen"Ahhh!!!" Napalingon kami sa bandang kaliwa ng may tumili nakakasigurado akong si Seo Yin iyon
"Si Seo Yin iyon" ani ni Han Ji sabay bumitaw sa aking kamay at tumakbo patungo kay Seo Yin.
Napatingin ako sa aking kamay na binitawan ni Han Ji
Patakbo akong hinanap kung saan tumungo si Han Ji at isang eksena na hindi kapani paniwala ang aking nasaksihan.
"Bitawan niyo si Seo Yin! Oh lahat kayo ay papatayin ko!" Sigaw ni Han Ji sa mga nakasuot na itim na baro na mga lalaki may mga takip din ang mga mukha nito na parang isang ninja.
"Sa oras na masaktan ang Prinsesa Seo Yin hindi ko hahayaan na isa sa inyo ang mabuhay pa!" Sigaw ni Sik Hyun na ngayon ko lamang nakita ng ganon kagalit. Bumunot ito ng espada at nagsimulang makipagbakbakan sa mga kalaban na sampu ang bilang
Ganon din ang ginawa ni Han Ji bumunuot ng espada at nakipag buno sa mga kalaban.
Nanlaki ang mata ko ng tatlong kalaban ang sabay na sumugod sakaniya dahilan kung bakit siya nasugatan sa likuran. Agad akong bumunot ng pana at pinagtitira ang mga kalaban nila Han Ji na bumagsak isa isa.
Tumingin sa puwesto ko si Sik Hyun
"Maraming salamat sa pag tulong Kimchi" Lalapit na sana ito kay Seo Yin ng maunahan siya ni Han Ji at niyakap si Seo Yin na kasalukuyang naiyak.
"Nasaktan ka ba Mahal na Prinsesa?"
"Natatakot ako"
"Huwag kang mag alala hindi kita papabayaan"
Napahawak ako sa aking puso ng makaramdam ako ng kirot Nasasaktan ba ako? O nagseselos ako? Hayst!
Tatlong hakbang paatras hangang sa tumakbo na ako palayo.. palayo sa bagay na nakakasakit sa akin.
Dare daretso akong tumakbo ng mabilis wala na akong pakealam sa pagsubok kahit makuha ko man iyon at manalo talo parin ako talo parin ako sa babaeng pinoprotektahan niya.
Nadaanan ko si Master Siponen habang ako ay tumatakbo.
"Pasensya na po Master Siponen pero sumama bigla ang aking pakiramdam"
"Kung ganon ay dumaretso ka sa silid ng doctor at magpatingin at magpahinga ka doon"
"Salamat Master Siponen"
Mabagal akong naglakad patungo sa parang clinic na meron ang Palasyo.
"Anong masakit sa iyo?" Tanong sa akin ng doktor na babae
"Dito po" sabay turo ko sa aking puso
Agad naman itong kinuha ang aking kamay at tinignan ang aking pulsuhan.
"Wala namang kakaiba at wala namang senyales ng sakit sa puso ang iyong katawan."
"Wala po akong sakit sa puso"
"Sa tingin ko ay pag ibig ang iyong dinadamdam"
"Maari po bang dito muna ako? Kahit isang gabi lang at kung may maghanap man sa akin ay sabihin niyo na lamang na hindi maganda ang aking pakiramdam"
"Sige walang problema pag ibig nga naman talagang nakakasawi at masakit sa puso"
Pumasok ako sa isang silid at humiga sa higaan.
Bakit ganon akala ko ba ay ako ang iyong iniibig Han Ji pero bakit ganon mo na lamang ako iwan ng marinig mo si Seo Yin at bakit ganon ka kung mag alala sakaniya.
"Hayst! I f*cking hate you Han Ji!"
Nagdadabog ako sa aking hinihigaan at pinagbabato ang mga unan. Pinilit kong pumikit at matulog pero patuloy paring bumabalik sa akin ang eksenang nasaksihan ko.Naghanap ako ng makakalikot sa silid at isang libro ang nabasa ko.
"Wahhh! Bakit mo siya ipinagpalit bwiset ka huhu!" Isinara ko ang librong binabasa ko dahil ipinagpalit ng lalaki ang bidang babae.
Tumayo ako sa kama at natatalon tumbling backdive nagpagulong gulo sa higaan hangang sa mahilo ako.
Nagsasayaw at kumanta hangang sa mapagod ako pero wala parin naalala ko parin ang mala Kdrama na nasaksihan ko kanina.
Leave me alone Ahhhhhh....
Humiga ako sa higaan at nagtalukbong ng kumot at gumulong gulong hangang sa parang Malaking Lumpiang Shanghai na ako.
Napatigil ako ng may kumatok sa pintuan.
"May nais kumausap sa iyo" ani ng doktor...
Itutuloy...
-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙LexAndrA_Togepi

BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
Historical FictionAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...