Kabanata 49

3 0 0
                                        

HAN JI (POV)

"Kakayanin kong mabuhay ng wala ka" tuloy tuloy na ani ko habang nakatingin kay Kimchi alam kong natigilan siya. "Nasanay na ako na palagi kang nakikita ngayon palang ay nahihirapan na akong isipin na sa tuwing gigising ako ay wala ka na? Pero gaya ng iyong hiling susubukan kong kalimutan ka" ani ko kahit sobrang sakit sa akin.

Hinding hindi kita malilimutan..

Ilang beses niya na akong hinanda tungkol sa bagay na darating yung araw na kailangan niyang umalis.

Nanatili siyang tahimik tila hindi iteresado sa aking sinasabi. Nasaktan ako na malaman kong hindi niya pala ako iniibig pero hindi naman lahat ng nagmamahal ay minamahal pabalik.

Tumayo ako at naglakad palayo sakaniya

Alam kong sa panahon na ito mo mararamdaman ang tunay na kaligayahan kaya sino ako para ipagkait saiyo iyon?

Umupo ako sa isang upuan habang tinatanaw ang mga kaibigan ko na masayang lumalangoy sa tinatawag nilang "pool"

Nalasing si Kimchi siguro ay nagdidiwang siya dahil sa wakas masaya na siya at nakabalik na siya sa kaniyang panahon umakyat kami sa kaniyang silid upang magpaalam pero naabutan namin siyang tulog na.

"Ahm intayin ka nalang namin sa labas" ani ni Hyun Jin at tinanguan ko naman ito.

Dahan dahan ako umupo sa higaan ni Kimchi o Aeshtrid inayos ko ang mga buhok niyang tumatakip sa kaniyang mukha kay gandang pagmasdan ng kaniyang mukha.

Lumapit ako sakaniya at hinalikan ang kaniyang noo.
"Mahal na mahal kita Kimchi. Masakit para sa akin na kailangan kitang iwan at kalimutan dahil andito ang kaligayahan mo"

Agad ko namang pinunasan ang mga luha na pumatak sa aking mga mata.

Bumukas ang pinto kaya napalingon ako dito.

"Kailangan na nating umalis Han Ji" rinig kong ani ni Jung Kye.

"Kung maari lamang akong maiwan dito gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako"

Kung sana lang... Pero hindi

Binagalan ko ang paglalakad ko umaasa na pigilan niya ako pero hangang sa nasa pinto na ako ay nanatili parin siyang tulog bumuntong hinga ako at lumabas na sa kaniyang silid.

Ayokong umalis ayokong iwan siya pero alam kong hindi niya ako kailangan

Sa likod ng bahay sa malaking puno kami tumungo at agad din kaming nakabalik sa aming panahon.

"Anong hinahanap mo Han Ji? Ang ibig kong sabihin ay Haring Han Ji?" Ani ni Min Yun.

Nakayuko kasi ako at may hinahanap.

"Ah yung mga piraso ng porselas na nasira ko kanina maari niyo ba akong tulungan?"

Tumulong naman ang mga ito sa paghahanap hangang sa nakumpleto namin ang bawat piraso nito.

"Gusto mo bang bumalik tayo doon?" Nag aalangang ani ni Min Yun

Ngumiti ako ng malungkot at umiling.

"Hindi na tayo makakabalik sa panahon na iyon tsaka doon na siya sasaya"

"Hindi ka rin sigurado. Hindi naman porket sinabi niya na hindi ka niya mahal eh totoo na iyon" ani ni Hyun Jin

"Maaring gusto niya lang na makalimutan mo siya kaagad ayaw ka niyang mahirapan masaktan hindi baling siya nalang" ani ni Jung Kye.

"Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Pero kahit hindi ko na siya makakasama pa ay mananatili siya dito sa puso ko"

Hindi ako halos natulog hanga't hindi ko naayos at naibabalik sa dati ang ibinigay niya sa aking porselas. Ng muli ko itong nabuo ay sinuot ko kaagad ito sa akin.

"Hinding hindi kita huhubarin ikaw na lamang ang natitirang alaala na mayroon ako" pagkausap ko sa aking porselas lumabas ako at tumingin sa langit napakaraming mga bituin na nakapaligid sa buwan kay gandang pagmasdan na dati ay ating ginagawa.

Araw araw kong binibisita ang libingan ng aking dalawang kapatid hangang ngayon ay sinisisi ko parin ang aking sarili.

Naglakad ako pauwi sa palasyo at kahit saan ako tumingin ay alaala namin ni Kimchi ang aking nakikita.

Isang buwan ang nakalipas ay ipinasa sa akin ang trono lahat ay masaya para sa akin. Pero ako mismo ay hindi masaya marami ang nawala sa akin bago napasa akin ang trono. Mas gusto ko pang manatili na magtago sa isang katauhan kesa ang mawala sa akin ang mga taong mahal ko.

Madaling araw ng lisanin ko ang Palasyo nag iwan lamang ako ng sulat hindi ako karapat dapat na maging hari. Kung sana lang ay naging matapang akong humarap noon at lumaban buhay pa sana ang mga kapatid ko. Nalulungkot ako na kailangan kong iwan ang bunsong kapatid ko pero hindi ko maatim na pamunuan ang bayan na binigo ko.

Nagpakalayo layo ako at napunta ako sa isang bayan na tinatawag nilang Ryoeson maliit na bayan lang ito pero punong puno ng pagtutulungan at lahat ay kanilang tinatangap. Naging madali sa akin ang pakisamahan sila dahil lahat sila ay mapag bigay at mababait.

Namuhay ako bilang isang magsasaka na inaangkat namin sa iba't ibang bayan upang ibenta. Pati narin ang paghahanap ng ginto sa ilog ang isa ring ikinabubuhay namin.

Paminsan minsan ay bumabalik ako sa Hyoeson at natuwa ako dahil sa mabuting pamamalakad ng aking kapatid tama ang aking naging desisyon. Tinatanaw ko rin sa malayo ang aking mga kaibigan na naging matagumpay narin at masaya na sa kani kanilang mga buhay. Kung makakasalubong man nila ako ay paniguradong hindi nila ako makikilala mas humaba ang aking buhok pati narin ang aking bigote at balbas. Ibang iba na ang aking itsura

Isa rin sa mga binabalikan ko sa Hyoeson ay ang lugar kung saan kami nagkasama noon si Kimchi.

Paulit ulit kong ginagawa iyon sa tuwing nag aangkat kami sa Hyoeson hangang sa lumipas na ang maraming panahon.

Itinigil ko na ang pagsasaka dahil mahina na ako at aking likod at tuhod pinapahirapan narin ako ng aking sakit. Halos puti narin ang aking buhok kulubot na ang mga balat ko.

Mga kabataan na ang tumuloy sa aming mga ginagawa. May nakakain parin naman ako dahil tulungan nga dito.

Nakaupo ako sa labas ng aking maliit na bahay habang nakatanaw ako sa langit. Kakatapos ko lang sumulat para sa aking mahal.

Kinuha ko ang tungkod kong kahoy at nagsimula akong maglakad ng mabagal. Ilang oras ang inabot ng aking paglalakad dahil mahina na nga ako at mabagal narin akong maglakad.

Napangiti ako ng matanaw ko ang nag iisang napakalaking puno sa malaking bukirin na ito sa gitna ng mga naglalakihang bayan.

Umupo ako sa tabi ng puno at tinanaw ang kalangitan nagniningning ang mga bituin habang sobrang liwanag ng buwan.

May bulalakaw akong nakita kaya pumikit ako at humiling.

Sana ay muli tayong pag tagpuin yung hindi na tayo hahadlangan ng panahon at ng madayang tadhana Ikaw lang ang babaeng minahal ko at ang babaeng tanging mamahalin ko hangang sa huling hininga kong ito...

Ngumiti ako at kasabay ng pag tulo ng luha sa mata ko ang siya ring pag pikit ng mga mata ko...

Itutuloy...
(C) The One That Got Away- Justin Vasquez

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙

LexAndrA_Togepi

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon