Kabanata 44

3 0 0
                                    

Makalipas ang dalawang taon...

"Paano ka naging ganito ka successful?" Tanong sa akin ng host ng isang tv show

"Naniwala lang ako sa kakayahan ko at talagang pinag sikapan kong mabuti"

Kung ano ano pang tinanong sa akin ng host at ng matapos ay dumaretso na ako sa Building ko ang Aeshtrid Clothing Company

Sa loob ng dalawang taon sinubsob ko ang sarili ko sa pag dedesign ng mga damit at pag gawa hangang sa nagkaroon na ako ng sarili kong clothing line hangang sa pati sa ibang bansa ay tinangkilik ang mga gawa ko hangang sa makalipas ang isang taon ay nagawa kong makapag pagawa ng two floor building at may limang branch narin ang Aeshtrid ang brand name ng mga gawa ko.

Pagkarating ko sa opisina ko ay umupo kaagad ako sa aking swivel chair at sinimulang mag design.

"Ms. Aeshtrid you have a invitation here from korea"  ani ng sekretarya  ko pag kaupo ko.

Kinuha ko naman ito at nagpasalamat sa sekretarya ko.

Binuksan ko ito at binasa nag send naman ako sakanila ng email upang sabihin na pupunta ako 2 days from now.

Gusto nilang gumawa ng isang event para sa mga design na ginawa ko at mga artista sa korea ang magsusuot sheyts another achivements.

Naimbitahan narin ako sa malalaking events sa US at iba iba pang bansa marami narin akong award na nakuha wala na akong mahihiling pa kundi jowa nalang. Charr.

Kinaya at pinilit kong mabuhay at sanayin na wala na siya at hindi na kami muling magkikita pa. Oo mahal ko parin siya pero wala na akong magagawa kailangan umusad ako.

"Cancel all my appointment this week pupunta ako ng korea mag impake ka narin at my flight tayo mamaya magpabook ka narin" ani ko sa aking sekretarya.

"Okay po maam"

Ng maka sketch ako ng limang design ay napag desisyunan ko ng umuwi upang makapag impake na ako.

Sa Laguna parin ako nakatira sa lumang mansion napaayos ko na naman ito at ang loob nito ay may halo ng modernong design.

Naglalagay ako ng mga coats sa maleta ko dahil malamig ngayon sa korea aabutan ako ng snow ng tumunog ang cellphone ko.

"Hi It's me Nathaliana Scott I got your number from mom! Thank you for designing and making my beautiful blue wedding dress see you soon"

Napangiti ako sa message na nareceived ko naka attach pa sa message ang picture niya na suot niya ang wedding gown niya.

Naalala ko non sa US ko pa dinesign at ginawa yung gown niya kasi nagkaroon ako ng malaking event don.

"Your welcome and thank you too for trusting me" reply ko sakaniyang message.

Muli akong bumalik sa pag iimpake ng muling tumunog ang cellphone ko at ng makita kong si Nics lang ang nagchat hindi ko ito pinansin.

Mangugulo lang kasi...

Tumunog pa ng ilang beses ang phone ko pero nagpatuloy parin ako sa pag iimpake maya maya lang ay tumunog ito hudyat na may natawag.

Si girl Video Call!

Sinagot ko naman ang video call pero patuloy parin ako sa pag iimpake.

"HOY BABAE! BALITA KO PUPUNTA KA SA KOREA! POTA KA ISAMA MO AKO!" pero hindi ko ito pinansin "HOY! HOY! BABAENG BULOK NA ANG PEMPEM!"

"WTF NICS!" Reklamo ko kung ano ano na naman lumalabas sa bunganga nito 27 na ako pero Virgin parin ako oks lang maganda naman ako

"ISAMA MO AKO PUNYETA KA! HAHAHA"

"PUNYETA KARING BABAE KA MAY MODEL KA BUKAS DI BA! KAYA IWAN KA DITO"

"Huhu Putangina nga eh! Badtrip! Gusto ko sumama saiyo"

Naging sikat na model narin si Nics dati mga damit ko lang minomodel nya ngayon iba iba na iba naman kasi talaga ang ganda ng kaibigan ko bastos lang talaga ang bunganga.

"Di bale next time gala tayo ng korea"

"Promise yan ah! Gusto ko makita mga OPPA ko don!"

"OPPAkan kitang hayop ka eh! Hahaha"

"AYY GAGO SIYA!"

pinatay ko na ang tawag at umidlip ako saglit madaling araw ang flight namin.

Nagising ako ng may tumatawag sa aking cellphone.

"Ma'am andito na po ako sa labas ng bahay mo"

"Okay baba na ako" sagot ko kinuha ko ang dalawang maleta ko at isang hand bag at bumaba na ako at sumakay sa kotse.

Agad naman kaming tumungo sa aiport.

"Kuya umuwi ka muna sa pamilya mo  habang wala pa kami" bilin ko sa driver ko.

May mga pasok parin ang mga empleyado ko kahit panay ang business trip ko kaya may maiiwan sa opisina.

Business class ang ipinabook ko kay Anna ang aking sekretarya upang maging kumportable ang aming byahe.

Kumain at natulog lamang ako sa buong byahe 3 hours and 45 minutes ang naging byahe namin.

8am na ng makarating kami sa Incheon International Airport at may isang mercedez benz kaagad na sumundo sa amin.

Sa Grand Hyatt Incheon kami hinatid dahil dito daw may nakareseved para sa amin.

Pagkapasok ko ay kinuha agad ng bell boy ang mga maleta namin at ihahatid ito sa aming room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkapasok ko ay kinuha agad ng bell boy ang mga maleta namin at ihahatid ito sa aming room.

"Annyeonghaseyo I'm Lee Kim Ara I'm the producer of the event and I'm happy that you accept my invitation"

"It's my pleasure and thank you for making a event for me"

"It's our pleasure too Ms. Monteraize"

Ng matapos ang usapan namin ay nagpaalam na ako dito na pupunta na kami sa aming suite.

Tig isa kami ng suite ni Anna mas malaki nga lang ang sa akin. Agad akong nag shower at humiga para matulog ulit.

Nagising ako dahil muli na naman akong naniginip pinunasan ko ang luha na tumulo sa mga mata ko.

Palagi kong napapanaginipan lahat ng nangyari sa akin noong 1395 lalong lalo na nung mga panahon na kasama ko si Han Ji sinubukan kong magpa treatment nagamot naman pero ngayon ay bumalik siguro ay dahil nandito muli ako sa bansang ito.
Oo alam kong may mas madaling paraan iyon ang putulin ang chopstick pero natatakot akong gawin

Natatakot ako na baka makalimutan ko kung gaano ko siya kamahal ayokong kalimutan ang lahat ng tungkol sakaniya kahit sobrang masakit sa akin.

Walang araw na hindi ko siya inisip walang araw na hindi ko siya minahal at hangang ngayon mahal na mahal ko parin siya kahit wala na siya.

Nagsalin ako ng wine sa isang wine glass at binitbit ko ito palabas sa balcony.

Agad akong nakaramdam ng lamig pagkalabas ko palang kaagad pero kaya ko namang tiisin muli akong uminom sa aking wine at tumingin sa view sa labas.

Nandito muli ako sa lugar kung saan kita nakilala at minahal...

Itutuloy...

(c) Spring day by BTS

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, Vote and add this story to you library Thanksyou!😗💙

LexAndrA_Togepi

Chopstick (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon