"Bagay na bagay sa iyo ang suot mo"
"Guwapo na ba ako?" Tanong ko kay Hyung Suk naka panglalaking kasuotan ako dahil kailangan kong magpangap
"Napakagandang lalaki mo na rin tulad ko" sabay pose nito na akala mong isang modelo "Mabuti na lamang ang mukha mo ay puwede sa babae at puwede sa lalaki"
"Kailangan ko lang talaga itago ang dapat itago"
"Totoo pero handa ka na ba? Basta huwag mong kakalimutan ang mga tinuro ko sayo at mga plano natin" ani ni Hyung Suk sabay abot sa akin nitong buhangin
"Sigurado ka ba dito? Pandaraya ito mas gusto ko ang Plan B"
"Pero ayan lang ang tanging paraan na naiisip ko malalakas at mahuhusay ang makakalaban mo sa paligsahan alam kong wala kang laban"
"Sige gagawin ko kailangan ko lang talaga ng makakasama dito dahil ikaw lamang ang nakakaintindi sa akin"
Kumindat lang ito sa akin at naglakad na ako papunta sa Palasyo siya kasi ay naka kabayo kasama ang maraming kawal at taga pag silbi.
Nauna siyang pumasok dahil hindi kami maaring sabay nagsilapitan pa ang kaniyang mga bantay at nag bigay pugay ang lahat ng kaniyang madaraanan iba din ito si My friend!
Umupo siya sa tabi ng Hari at Reyna
At parang isip bata naman itong nalibang sa mga nagtatanghal. Napakaraming tao sa Palasyo meron din namang pumunta upang manood.Ng matapos ang mga nagtatanghal ay hinampas ang isang metal at naglikha ng isang malakas na tunog.
"Magsisimula na ang paligsahan!" Sigaw ng isa sa mga bantay.
Kahapon ay ipinalista na ako ni Hyung Suk sa mga lalahok kaya pumili ako sa gilid ng tinawag na ang aking pangalan.
"Park Kimchi!" Sigaw ng isa sa mga tauhan sa palasyo. Park ang ibinigay na apelyido sa akin ni Hyung Suk kaya iyon ang gagamitin ko simula ngayon.
Marami ang nauna bago ako lumahok hindi ko maiwasan ang hindi humanga sa galing ng mga lumahok at natakot din ako na baka hindi ako makapasa pero kailangan kong magtiwala sa aking sarili.
"Park Kimchi laban kay Che Win Kha"
Humakbang ako papalapit sa pinagdadausan ng laban mabuti na lamang at mabuhangin ito pag bumagsak ako ay hindi ako masasaktan at ganon na lamang ang kaba ko ng isang lalaking malaki ang katawan ang makakalaban ko hindi ko maiwasan ang hindi mapalunok.
"Mukhang natatakot ka! Huwag kang magalala tatalunin kita agad para hindi ka masyadong mapahiya"
Aba ang yabang nitong panget nito!
"Simulan na ang paligsahan!" Sigaw ng taga pag anunsyo
Kinuha ko ang espada ko at mabilis na sinalag ang espadang pasugod sa akin.
"Uy! Ginto!" Ani ko gamit ang Hangul na itinuro sa akin ni Hyung Suk Plan B namin ito kung hindi ko maisasaboy ang buhangin sa kabalan. Sabay turo ko sa baba at ang shunga kong kalaban ay lumingon sa lupa. Patakbo akong sumugod dito kaya tumumba ito at mabilis kong itinapat ang espada sa kaniyang leeg
"Ang nanalo ay si Park Kimchi!" Sigaw ng tiga anunsyo napatalon naman ako sa saya at tinignan si Hyung Suk na parang batang pumapalakpak.
Ng matapos ang paligsahan ay tinipon kaming mga nanalo o nakapasa.
"Binabati ko kayong lahat" ani ng Hari "Kayo ang kinabukasan ng ating Emperyo kaya pag butihan niyo ang pagsasanay upang walang sumakop sa ating Emperyo" sabay sabay kaming nag bigay pugay sa hari.
Ng matapos ang paligsahan ay isang matandang lalaki naman ang kumausap sa amin.
"Ako si Master Shipunen ang inyong magiging taga pag gabay ang magtuturo sainyo"
BINABASA MO ANG
Chopstick (COMPLETED)
HistoryczneAlam kong darating ang araw na ito ang iiwan mo ako ang magkakahiwalay tayo ilang beses ko man hinanda ang aking sarili masakit parin talaga. Narinig ko ang lahat gusto kitang pigilan pero alam kong hindi puwede dahil hindi tayo ang para sa isa't i...